Mula sa paggawa ng tatlong romantic-comedy hit movies, papasukin na ng blockbuster director na si Theodore Boborol ang mundo ng indie filmmaking.
Si Boborol ang nagdirek ng hit teen rom-com na Just The Way You Are na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil noong 2015.
Nasundan ito ng Metro Manila Film Festival official entry na Vince and Kath and James noong 2016 nina Julia Barretto, Ronnie Alonte, and Joshua Garcia.
At ang ikatlo ay ang 2017 reunion film nila Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na Finally Found Someone.
Ang kanyang debut indie film na Iska ay mapapanood sa Cinemalaya Independent Film Festival na naka-schedule sa August 2019.
Ang indie film na Iska, na pinagbibidahan ni Ruby Ruiz, ay kuwento ng isang lola na nag-aalaga ng kanyang 10-year-old grandson na may sakit na autism, kasabay ng kanyang pagtrabaho bilang isang photocopier sa University of the Philippines Diliman campus.
Ang Iska ay iprinodyus ng Firestarters Production nina RJ Agustin at film director Real Florido, the same maker of the critically-acclaimed indie film 1st Ko Si 3rd na pinagbidahan ni Nova Villa, at ng MMFF 2016 official entry na Kabisera kunsaan bida ang Superstar na si Nora Aunor.
FILMOGRAPHY
Nagsimula si Direk Theodore bilang creative researcher ng Star Cinema noong taong 2000.
Noong 2010, nagsimula siyang magdirek para sa ilang teleserye ng ABS-CBN tulad ng Kristine (2010), Angelito: Batang Ama (2011), Mana Po (2011), Hiyas (2012), Pintada (2012), Be Careful With My Heart (2013), Annaliza (2013), Forevermore (2014), Be My Lady (2016) at Precious Hearts Romance: Araw Gabi (2018).
Nakapagdirek din siya ng ilang episodes ng Ipaglaban Mo, Maalaala Mo Kaya at Oka2Kat.