Bea Alonzo comments on Eerie missing out on MMFF 2018

Bea Alonzo says she wanted to work with Richard Gutierrez while he was still a talent of GMA-7.
by Melba R. Llanera
Dec 18, 2018
<p>Bea Alonzo says she wanted to work with Richard Gutierrez while he was still a talent of GMA-7.</p>
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram


Nalaglag man sa walong official entries for 2018 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Eerie, ang horror movie na pinagbibidahan nina Ms. Charo Santos-Concio at Bea Alonzo, naniniwala si Bea na may rason ang lahat ng pangyayari.

Kabilang ang Eerie sa mga pelikulang tampok sa 29th edition ng Singapore International Film Festival. Ang world premiere ay ginanap noong December 3 sa Capitol Theater in Singapore.

Ang Pilipinas ang napili bilang "Country of Focus" sa Singapore International Film Fest. Umani ng papuri ang Eerie na nasa ilalim ng direksiyon ng young director na si Mikhail Red.

Patunay lamang na di man napasama sa darating na MMFF 2018 ay may maganda namang kinapuntahan ang pelikula.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Bea sa nakaraang Family Is Love: The 2018 ABS-CBN Christmas Special na ginanap noong December 11 sa Araneta Coliseum.

Ani Bea, "I'm sure they have their reasons and feeling ko mayroon ding rason sa parte namin para di mangyari yun. Baka it's for the best."

"Naniniwala naman ako everything happens for a reason."

Masaya at thankful ang aktres sa nakita niyang pagtanggap ng mga tao sa Eerie nang ipalabas ito sa Singapore International Film Festival.

"Maganda yung pagtanggap ng mga tao sa Singapore. Very proud ako as Filipino and as a Kapamilya, alam ko na magiging maganda yung pelikula pero di ko alam na ganun ang magiging effect niya sa mga taong nakapanood."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling napanood si Bea sa ABS-CBN teleserye na A Love To Last. Sa 2019, mapapanood muli siya sa telebisyon sa teleserye na pagtatambalan nila nina Ian Veneracion at Richard Gutierrez.

Noon pa man ay gusto na talaga ni Bea na makasama sa isang proyekto ang former GMA-7 actor na si Richard.

"January pero bukas mayroon kaming training, kaming dalawa ni Richard.

"Kasi alam mo nung nasa kabilang channel pa siya, talagang matagal ko na siyang gustong makatrabaho. Alam mo naman na iilan na lang ang mga lalakeng nakakatrabaho ko. Masaya ako na finally Kapamilya na siya at finally makakatrabaho ko na siya."

Bahagi ng 2018 ABS-CBN Christmas special ang duet nina Bea, Ian, at Richard.

Kuwento ni Bea, "Nakaka-miss si Papa Ian tapos parang bonus pa na makasama ang isang guwapong-guwapong lalake gaya ni Richard Gutierrez. Actually, it's our first time na magkaroon ng conversation, kaming dalawa ni Richard.

"Nakakatawa kasi nasabi ko rin sa kanya na kapag ganito nanginginig ako, nanlalamig ang kamay ko, na hindi ako nasasanay sa ganitong events, na kinakabahan talaga ako. Tapos siya rin, kinakabahan din siya."

Sa nalalapit na holiday season, planong magkaroon ng out-of-the-country trip si Bea at ang boyfriend niya na si Gerald Anderson.

"May plano kami, may plano. Makikita ninyo sa Instagram. After Christmas na, Asia lang.

"Okay naman, happy naman."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


STORIES WE ARE TRACKING




View this post on Instagram

Thank you for everything mam @charosantos and @beaalonzo ????@sweet.escape #Eerie #EerieattheSGIFF #Sgiff2018

A post shared by Mikhail Red (@red_mikhail) on





Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Bea Alonzo says she wanted to work with Richard Gutierrez while he was still a talent of GMA-7.</p>
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results