Jerome Ponce doesn't mind being typecast in horror flicks

by Ruel J. Mendoza
Dec 22, 2018
<p>Jerome Ponce on being regularly cast in horror flicks: "Hindi ko alam kung bakit pang-horror ako parati. 'Pero okey lang, kasi enjoy din gawin ang ganitong movies."</p>

Natatawa na lang ang Kapamilya actor na si Jerome Ponce dahil nagiging suki na raw siyang i-cast sa mga horror films.

Ang unang pelikula kasi ni Jerome ay ang Haunted Mansion noong 2015 na naging official entry sa Metro Manila Film Festival.

Ang second movie niyang Ghost Bride na ipinalabas noong 2017 ay horror pa rin.

Ngayong 2018, kasama siya sa official entry ng MMFF, ang horror film na OTLUM.

Okey lang naman daw kay Jerome ang mapasama sa horror films kasi alam niyang kumikita ito dahil maraming Pinoy talaga ang mahilig matakot lalo na tuwing Pasko.

"Hindi ko alam kung bakit pang-horror ako parati.

''Pero okey lang, kasi enjoy din gawin ang ganitong movies.

"Sa totoo lang, mahilig din ako manood ng mga nakakatakot na movies, kaya siguro bumabagay sa akin.

"Ang importante siguro ay kumikita ang movie and the audience gets their money's worth.

"May mga taong gusto rin matakot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

''I think yun ang hinahanap-hanap nila bukod sa comedy at drama tuwing Pasko.

"Tsaka, parang hindi talaga mawawala ang horror movie sa MMFF.

''Lagi itong pinapanood, di ba?

"Pero lahat naman ng entries kailangan natin tangkilikin.

''Pilipino movies yan, e.

"Pahinga muna tayo sa mga foreign films. Unahin muna natin ang sa 'tin ngayong Christmas.

''Tulong na rin natin ito sa mga producers na nagtitiwala sa amin," pahayag pa ni Jerome sa media conference ng OTLUM noong nakaraang December 13.

DARK HORSE?

Ang OTLUM nga raw ang sinasabing "dark horse" ng MMFF 2018 dahil hindi raw kalakihan ang cast nito at makikipaglaban pa ito sa isa pang horror entry na Aurora.

Bukod pa rito, ito rin ang MMFF 2018 official entry na hindi nabigyan ng grade ng CEB (Cinema Evaluation Board).

Pero kahit gano'n daw, positive si Jerome na tatangkilin sila ng maraming moviegoers ngayong December 25.

"Pinaghirapan po namin ang proyekto ito kaya proud kaming makasali sa MMFF.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Aware kami na horror film din ang Aurora at mas maganda na pareho kaming panoorin ng mga tao, di po ba? Para masaya lahat.

"Kasi kahit naman ako hindi ko ipagkakaila na panonoorin ko din naman yung ibang pelikula bilang suporta din naman po sa iba," diin pa ni Jerome.

Kasama pa ni Jerome sa OTLUM na dinirek ni Joven Tan ay sina Buboy Villar, Vitto Marquez, Michelle Vito, Danzel Fernandez, at Ricci Rivero.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Jerome Ponce on being regularly cast in horror flicks: "Hindi ko alam kung bakit pang-horror ako parati. 'Pero okey lang, kasi enjoy din gawin ang ganitong movies."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results