Otlum star Ricci Rivero still vocal about idolizing KathNiel despite bashers

Ricci Rivero reveals what he sacrificed in order to star in his MMFF 2018 entry Otlum.
by Rose Garcia
Dec 27, 2018
<p><em>Otlum</em> star Ricci Rivero opens up about juggling show business with basketball.</p>
PHOTO/S: Mark Atienza


“I’m just a simple basketball player,” pagpapakilala ni Ricci Rivero, isa sa mga bida ng 2018 Metro Manila Film Festival entry na Otlum.

Ayon sa first-time actor na tampok sa pelikula na produced ng Horseshoe Studios, “I grew-up in the province and siyempre, ang gusto ko lang naman is to play basketball. But now that I’m in this industry, I’m really looking forward to entertaining other people rin.

“Sobrang naging fan ako ng Filipino movies ever since bata ako. Iba ang dating sa akin ng Filipino movies na nakaka-relate talaga ko rito. Dito talaga ko lumaki, ito yung tradisyon na kinalakihan ko.”

Siya rin daw ang tipo ng lalaki na hindi raw siya takot na makitang umiiyak siya.

Katwiran ni Ricci, “Hindi ako tumakot na umiyak.”

Paano naman siya ma-in-love?

“High school pa yung last ko, pero hindi ko pa sure kasi as of now, hindi pa talaga ko ready. Ayoko rin naman na i-commit ko yung sarili ko na hindi pa ko ready.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, “I’m loyal.”

Ano ang pinaka-gusto niya sa babae?

“Simple lang, walang arte. Yung open-minded. At siyempre, God-fearing at family-oriented din kasi, ganun ako lumaki. Sa physical, hindi sobrang bulky, hindi sobrang slim, pero yung normal lang.”

Bukod sa unang pelikula ni Ricci ang horror movie na Otlum, memorable sa kanya ang paggawa ng pelikula dahil parang sagot daw ito sa mga nangyari sa kanya nang umalis siya sa La Salle at ngayon ay isa na sa player ng University of the Philippines para sa UP Fighting Maroons.

“Sobrang espesyal siya for me. Kasi, the moment I left La Salle, kung ano ang magiging decision that moment, sana yun ang plan Niya for me. And kung ano man ang plan Niya for me, gagawin ko lang siya na alam kong tama na pag-execute sa plan which is, ‘eto na po, nangyayari na.

“Baka nga nasa plan siya ni Papa Jesus na kahit ito ang lowest point of my life because I was thinking of La Salle as my home na talaga and then, suddenly I had to leave La Salle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siyempre, mahirap din naman siyang iwan na lang ng ganun. Inisip ko rin na dun na ko ga-graduate, then I have to leave. Tapos, I have to face La Salle pa this coming UAAP.

“It’s gonna be really hard for me.”

Sa ngayon, na-enjoy raw niya ang paggawa ng pelikula at posible pa raw itong masundan, pero hindi niya itinatanggi na ang prayoridad pa rin niyang talaga ay ang paglalaro.

“Yes po, meron [movie offer] pero let see kung papasok sa schedule at kung magpi-fit ba ko sa gusto nilang character. Medyo mid-next year, naka-block off na po talaga dahil priority ko talaga is basketball.”

Nasaksihan na namin kung paano pagkaguluhan si Ricci.

Bago nga lang siyang artista, pero sa basketball, hindi matatawaran ang pagiging heartthrob niya.

Ano ang pakiramdam nito?

“Siyempre, medyo overwhelming... iba, e. Sobrang daming tao that they really look up to you. They follow every move. Parang alam mo dapat ang nangyayari sa ‘yo dahil sila, gagaya sila dun sa mga tamang gagawin mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami na ang naka-lineup na block screenings ng Otlum na organized ng mga fans niya.

Sabi nga ni Ricci, “Siyempre happy ako.

“I’m trying to accommodate yung mga gustong magpa-block screening although yung iba kasi medyo malayo, out-of-town talaga. Pero dito sa Manila, I’m trying my best na mapuntahan lahat.”

Isa si Ricci sa nag-ikot sa mga sinehan ngayong Kapaskuhan at hanggang sa December 27 ay magti-theater tour pa rin daw siya.

Dahil sa pagpasok ng Otlum sa MMFF 2018, naisantabi muna ni Ricci ang orihinal na plano sana niya ngayong Kapaskuhan.

Ayon dito, “Early last year pa lang, I’m really planning to go abroad for Christmas and New Year. Pero when there’s movie come, parang hindi ko alam kung ano ang napi-feel ko, pero willing akong i-sacrifice ang Christmas season.

“Masaya naman po ako dahil pinagtrabahuhan namin yun and we alloted time for this one.”

Ano ang pakiramdam ng newbie actor na makipagsabayan sila sa MMFF 2018 kunsaan katapat nila ang mga pelikula na gawa nina Vice Ganda, Vic Sotto, at Coco Martin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Ricci, “For me, we don’t really take it as competition talaga. Yung mga actors are here naman to entertain, not to compete. Kami, ang gusto lang namin is mag-enjoy ang mga tao at mag-enjoy kung ano ang papanoorin nila.

“We should not tell them that they should watch this movie or their movie, kasi kailangan mo silang panoorin. Kung ano ang feel mo, if that moment ba gusto mo ng ganitong movie or nakakatakot.

“So it depends talaga sa situation nung viewers.”

Pero siya, paano niya makukumbinse ang mga manonood na tangkilikin ang debut film niya?

“For me kasi, I know the story and puwedeng maging solusyon siya dun sa problem in real life na may mga bullying. Kahit horror siya, hindi lang siya horror movie na matatakot ka, may matututunan ka.”

Noon, sinagot ni Ricci ang ilang namba-bash sa kanya dahil sa pagiging vocal niya bilang fan ng KathNiel love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, personally, wala naman po akong masasabi sa mga yun,” pahayag niya.

“It’s how they see things. Ako, fan po talaga ako ever since. Kung maniniwala sila or hindi, wala sa akin yun. It’s not a negative thing for me.

“Siyempre, ang alam ko naman talaga is yung paniniwala ko.”

Nakasama na ni Ricci si Kathryn sa ABS-CBN fantasy series na Wansapanataym. Pumayag ang basketball player magkaroon ng cameo role para magkaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture kay Kathryn.

Hindi apektado si Ricci kung may ibang namba-bash o hindi nagugustuhan ang pagiging open niya sa pagiging KathNiel fan dahil kahit daw i-trace pa ang mga past social media posts niya, makikita na matalal na siyang tagahanga ng KathNiel.

Ano nga ba ang nagustuhan niya sa mga ito?

Paliwanag ni Ricci, “Actually, mas kay Daniel. The way he’s doing things, handling things. Parang iba yung...hindi ko siya ma-explain in words pero sobrang hands down ako to both of them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I really adore their love team and their relationship.”


STORIES WE ARE TRACKING



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p><em>Otlum</em> star Ricci Rivero opens up about juggling show business with basketball.</p>
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results