Kim Chiu on her boyfriend: "Big help si Xian sa pinasok kong bagong phase sa career ko."

by Ruel J. Mendoza
Dec 28, 2018
<p>Kim Chiu describes Xian Lim's reaction to her mature role in MMFF 2018 entry <em>One Great Love.</em></p>
PHOTO/S: Noel Orsal


Kung kailan naging official ang relasyon nila Kim Chiu at Xian Lim, nalagay agad sa pagsubok ang tiwala nila sa isa't isa dahil sa pagsabak ni Kim sa kanyang very adult role sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na One Great Love.

Sa pelikulang dinirek ni Eric Quizon, ginawa ni Kim ang ilang love scenes kasama ang leading men niya sa pelikula na sina Dennis Trillo at JC de Vera.

Ayon sa ABS-CBN actress, most daring film niya ang One Great Love at masaya siyang nakatanggap ng full support mula kay Xian.

"Actually po, may kaba pero excited ako kasi gusto itong mapanood ni Xian.

"Very supportive si Xian dahil alam niya kung gaano ako nag-work para sa movie na ito.

"First time kong gumawa ng ganitong movie and open naman siya sa ginawa kong ito sa career ko," pahayag ni Kim sa media conference ng One Great Love.

Continue reading below ↓

Ayon kay Kim, ang pagtanggap niya ng roles na hindi pa niya nagagawa ay para sa growth niya bilang isang aktres.

Nasanay na raw kasi ang kanyang fans na puro wholesome ang roles na ginagawa niya sa pelikula.

Pati raw si Xian ay gustong ma-experience din ni Kim ang mga ganitong tema ng pelikula.

"Like what I said po, very supportive si Xian. He knows what my comfort zones are at malaking challenge for me na lumabas ako sa nakasanayan ko na.

"Big help si Xian sa pinasok kong bagong phase sa career ko.

"Kailangan ko talagang ma-challenge para mas magawa ko ang mga bagong darating na roles.

"Gusto ko yung may feeling na kinakabahan ako kapag ginagawa ko ang isang role," diin pa ni Kim.

Kamusta naman ang takbo ng relasyon nila ni Xian?

Ayon kay Kim, pareho silang focused sa kanilang careers at wala pa silang malaking commitment sa isa't isa.

Continue reading below ↓

"Yun naman ang maganda sa amin. May priorities kaming pareho.

"Even with a relationship, hindi pa rin namin binabale-wala yung mga nauna pang priorities sa buhay namin.

"Siguro po, kung great love mo ang isang tao, nandoon yung magkakaintindihan kayo kahit na hindi ninyo napag-uusapan ang ilang bagay-bagay.

"Huwag lang mawala yung trust sa isa't isa and always be supportive of one another. Doon po mate-test ang great love ninyong dalawa sa isa't isa," pagtapos pa ni Kim Chiu.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kim Chiu describes Xian Lim's reaction to her mature role in MMFF 2018 entry <em>One Great Love.</em></p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results