Elisse Joson, McCoy de Leon reveal how they overcame personal issues while shooting movie

by Rey Pumaloy
Jan 9, 2019
<p>McCoy de Leon on Elisse Joson: "Parang naging kami, e. Kulang na lang siguro na magkaroon ng label."</p>

Hindi itinanggi nina Elisse Joson at McCoy de Leon na may pinagdaanan silang gap o tampuhan habang ginagawa ang launching movie nila na Sakaling Maging Tayo.

Ang McLisse love team ang tampok sa naturang romance movie na produced ng Black Sheep Productions. Ang kanilang director ay si JP Habac na siyang nagdirehe ng Maja Salvador-Paulo Avelino movie na I'm Drunk, I Love You (2017).

Ayon sa dalawa, nakatulong ang pagsasama nila sa project para maramdaman ang worth ng isa’t-isa hindi lang bilang love team kundi bilang magkaibigan.

Paliwanag ni Elisse sa press con na ginanap kamakailan, “Nagkaroon din ng time na siyempre, may ginagawa kaming pelikula. So, kailangang mag-usap, kailangang ayusin to the point na siyempre personally aayusin mo din yung not just work relationship pero yung personal na pagsasamahan namin.

“And there was also a time na parang kung hindi namin maayos-ayos, siyempre nagawa naming i-set aside yun and nagawa naman po.”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni McCoy, “Mahirap po para sa amin kasi baguhan kaming artista, first time naming magkaroon ng problema and, at the same time, kailangang mag-work. Sabi ko po kanina, naging lakas po namin yung mga taong nagpu-push sa amin, yung handler namin, director, producers, lahat ng mga nasa paligid namin.”

“Yun ang naging lakas namin to finish the movie and at the same parang hindi naman lahat ng artista nabibigyan ng ganito kaya parang ano ba namang i-treasure natin ito, i-set aside kung anuman yung makaka-distract sa ating trabaho.

“Awa ng Diyos, naibigay naman namin yun para sa project na ito.”

Dagdag pa ni Elisse, “Ang dami po talagang pinagdaanan nitong pelikulang ito kaya thankful kami specially kay direk and everyone behind it kasi naging patient sila sa amin.

“Sobrang ups and down kaya nung natapos ang film, thank you Lord, thank you sa lahat na nandiyan para maging support system namin bilang unang pelikula namin.”

Continue reading below ↓

Humarap sina Elisse at McCoy sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Sakaling Maging Tayo na ginanap noong January 5 sa Dong Juan Resto, Quezon City.

Nang matanong ang dalawa tungkol sa kung paano nila nahilot ang tampuhan nila habang ginagawa ang kanilang movie project, sumagot naman ang ABS-CBN stars.

Unang nagsalita si Elisse, “Okay naman po dahil siguro nabigyan ng time na parang nakaka-ngiti kami ngayon, nakakatawa. So, parang yun po ang importante for me.

“And siguro para maging one hundred completely kami na comfortable, it will still take time pero ngayon po ang importante masaya, nakakangiti naman.”

Sagot naman ni McCoy habang nakangiti:

“Ako po masaya naman kasi nakikita ko siya, nagu-grow din at the same time ako din. Kaya di ko naman masasabing nagustuhan yung resulta pero ito ang tamang resulta sa mga nangyari sa buhay namin kaya naniniwala kami na may reason lahat kaya nangyaring ganito.”

Continue reading below ↓

Sa presscon proper, sinabi ni McCoy na torpe siya, isang character ng ginagampanan niya sa movie na parehas sa totoong buhay.

Tinanong ng PEP si Elisse kung talaga bang torpe si McCoy?

Mabilis naman sumagot ang dalaga “Torpe, ahm..feeling ko hindi naman siya torpe na parang hindi siya magmi-make ng move sa babaeng gusto niya. Hindi naman siya ganon. Siguro meron siyang pagka-mysterious, shy pero hindi naman torpe. Marunong ka ngang magpakilig!”

Nanligaw ba sa kanya si McCoy?

Nagpakita na may alinlangan si Elisse na sagutin ang tanong. Ngumiti muna ito at saka sumagot.

“May iba-iba kasing ways nang panliligaw. Sa kanyang sariling paraan, meron siyang ibang paraan. Yung typical na old style na ligaw parang hindi siya dumating sa ganon, pero meron siyang on his own.”

Sabi naman ni McCoy, “Hindi naman po masama pero yung [my own] way...hindi ko naman laging ginagawa pero yung nangyari sa amin parang nung naging kami, parang naging kami, e. Kulang na lang siguro na magkaroon ng label.

Continue reading below ↓

“Yun ang sinasabi niyang ligaw ko na way. Kasi yung nangyari sa amin, parang naging kami na rin, yung ginagawa namin na kung paano kami mag-usap.

“So, yun na nga kulang na lang nga yung labeling.”

May mga dialogue ba sa pelikula na nangyari sa tunay na buhay sa inyo?

Unang sumagot si McCoy, “Meron yung, 'Maganda ka pero hindi lang yun ang meron ka, meron ka pang iba.'”

Ano bang meron si Elisse na hindi lang siya maganda at meron pa siyang iba?

Tugon agad ng binata, “Maganda si Elisse, parang si Laya din. Ang dami niyang paraan kung paano mag-love. Risk taker din.”

Ang karakter ni Elisse ay si Malaya "Laya" Ocampo, isang estudyante na nag-aaral ng BS Psychology. Ang karakter naman ni McCoy ay si Apollo "Pol" Patnubay Agbuya na nag-aaral ng BS Geography.

Sagot naman ni Elisse sa tanong, “Yung sa akin talaga na sobrang tumagos sa puso, yung [line na]: 'Pinaka-ayaw ko sa lalake, pabebe.'"

Paglilinaw niya: "Hindi, hindi. Siguro not necessarily na tungkol kay McCoy, from my experiences rin sa past, parang may sinabi dun si Laya na. Yung alam mo kung ano yung masakit doon, hindi lang siya yung nawala, parang may parte sa buhay ko na nawala din na hindi ko na maibabalik.”

Continue reading below ↓

Sa kabuang takbo ng presscon, nararamdamang unti-unti nang nagiging okay ang samahan nina Elisse at McCoy.

Kaya naman pinakumpleto ng PEP sa dalawa ang sentence na ito: “Sakaling maging tayo, ipapangako ko….

Una munang nagsalita si McCoy na nangingiti pa. “Elisse, sakaling maging tayo...ipapangako ko na maging better person ako at meron akong maipagmamalaki.”

“Wow, big words!” bulalas ni Elisse.

Nang si Elisse naman ang nag-complete ng sentence, matamang nag-isip muna ito.

Ilang segundo lang ngumiti at saka nagsalita habang nakatingin kay McCoy.

Aniya, “Sakaling maging tayo McCoy, ipapangako ko na...lahat magiging nasa tama at magiging masaya tayong dalawa...at lahat ng mga tao.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>McCoy de Leon on Elisse Joson: "Parang naging kami, e. Kulang na lang siguro na magkaroon ng label."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results