Will Jodi Sta. Maria be part of a Hollywood project?

IMAGE @jodistamaria on Instagram

Jodi Sta. Maria is part of three Pinoy movies: Second Coming, Man and Wife, and Clarita.


Kakabalik lang ng ABS-CBN actress na si Jodi Sta. Maria mula sa naging holiday vacation nila ng kanyang anak na si Thirdy Lacson.

Sa Finland at Sweden nagbakasyon ang mag-ina dahil request daw iyon ni Thirdy sa kanya.

“First time kaming makapag-try ng husky sledding and at the same time, we were able to drive a reindeer sled. We were able to get a reindeer driver’s license,” pahayag ni Jodi sa interview niya with TV Patrol kamakailan.

Ang reindeer driver’s license ay isang document para legal kang mag-drive ng Reindeer’s sled sa Lapland. Dalawa kasi ang forms of transportation sa Lapland: ski at sled na hinihila ng reindeer.

Bahagi ng tatlo pang pelikula si Jodi.

Una rito ay ang Second Coming kunsaan gumaganap siyang second wife ni Marvin Agustin pero minumulto siya ng unang asawa nito.

“It’s a mix of drama, thriller, and horror. Ano ba ang naghu-haunt sa pamilya ito? Totoo ba itong multo?” kuwento pa ng aktres tungkol sa finished film. 

Natapos na rin niya ang pelikula niya with Laurice Guillen na ang titulo ay Man and Wife. 

Ang ikatlo ay ang horror film na ang titulo ay Clarita. Hindi pa tapos ang principal photography ng Clarita 

Pero pinaka-excited si Jodi sa gagawin niyang Hollywood film.

“May gagawin tayong international film very soon. Pero wala pa ako sa posisyon to spill the beans.

“But I am really praying about it. Hollywood levels!

“Masyado akong kinikilig kasi parang hindi ko alam kung paano sila kakaharapin. Baka ma-tongue-tied ako. Baka manganga ako, ma-starstruck ako,” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik taping na rin si Jodi para sa Kapamilya teleserye na Mea Culpa na eere ngayong 2019. Kasama niya sa cast sina John Arcilla, Janice de Belen, Bela Padilla, Sandino Martin, Ketchup Eusebio, Kit Thompson, Ivana Alawi, at Tony Labrusca.




ED'S NOTE: Earlier, contributing writer Ruel Mendoza wrote that Jodi Sta. Maria had three more films to make. In fact, two had already been completed, and the filming of one was ongoing when she left. We apologize for the error.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN