Martin del Rosario recalls waxing ordeal for Born Beautiful

IMAGE File

Martin del Rosario recalls his painful waxing sessions as part of his preparations for his movie, Born Beautiful: "Grabe sa sakit! Dinugo talaga ako sa pagpapa-wax!"


Tulad ni Paolo Ballesteros na nagbida sa pelikulang Die Beautiful noong 2016, isa sa challenging part ng pagganap ni Martin del Rosario sa pelikulang Born Beautiful ay noong i-shoot na nila ang pageant scenes.

Dahil sa dami ng costume changes ni Martin sa pelikula, lumaki raw ang respeto niya sa mga beki na sumasali sa mga gay pageants dahil naramdaman niya ang hirap na pinagdaraanan nila.

“Pinakamahirap yung pag-ipit!" tawa pa ni Martin na ang tinutukoy ay ang pag-ipit ng kanyang pagkalalaki.

“Noong una medyo nahirapan ako mag-adjust.

“Pero noong magtagal, nasanay na ako.

“Ang problema lang ay kapag naiihi ka na.

“Wala kang choice kundi i-hold mo yun hanggang matapos kayo sa eksena.

“Kaya bago pa man kami mag-shoot, iihi na ako at hindi ako iinom muna habang nagsu-shoot kami.

“Mahirap, kasi ang daming tatanggalin, 'tapos iipit mo ulit!

“Sobrang busy!” malakas na tawa pa ni Martin nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center noong January 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRAUMATIC EXPERIENCE

Literal daw na dinugo si Martin sa pag-manscape or pagpapa-wax ng kanyang katawan para sa pelikulang Born Beautiful.

Akala raw ni Martin hindi masakit, dahil may mga sisters daw siya na nagpapa-wax.

“Tinanong ko sila kung painful ba.

“Sabi nila hindi raw. Tinanong ko kung ano ang mas okey, cold or hot wax?

“Sagot nila cold wax. E, yun pala ang mas masakit!

“Natuwa pa ang mga sisters ko dahil na-torture ako sa pagpapa-wax!" tawa pa ni Martin.

Pinakamasakit daw ang pag-wax sa kanyang dibdib at dalawang kili-kili.

“Pinakamakapal ang mga buhok ko sa chest at underarms.

“Grabe sa sakit! Noong una parang okey lang. Natu-tolerate ko pa.

“Pero noong nagtagal, naluluha na ako. Gusto mong sumigaw sa sakit pero nahihiya ako!

“Apat silang nagwa-wax sa akin.

“Merong sa legs ko at meron sa upper body ko.

“Nagdugo sa bandang dibdib ko kasi nga makapal yung tubo roon ng buhok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya dinugo talaga ako sa pagpapa-wax.

“Noong tinanong ako kung gusto ko bang ipa-wax sa inner thighs ko or sa bikini area, umayaw na ako! Ayoko na!" malakas na tawa ni Martin.

Anim na buwan daw silang nag-shoot para sa Born Beautiful kaya tumutubo na raw ulit ang mga na-wax niyang buhok sa dibdib.

“Noong tumutubo na ulit, sine-shave ko na lang.

“Ayoko nang dumaan sa pagpapa-wax! Nakaka-trauma ang sakit!

“Hindi ko alam kung paano iyon nate-take ng mga babae,” diin pa ni Martin.

COOL DAD

Ang ikinakatuwa naman daw ni Martin ay ang pagsama ng kanyang ama habang sinu-shoot daw nila ang pageant scene sa Born Beautiful.

Kuwento pa ni Martin, tumutulong daw ang daddy niya sa pag-ayos sa kanya bago siya sumalang sa eksena.

“Parati kong kasama si Daddy sa shooting.

“Siya yung minsan nakakapansin na hindi pantay ang ayos ng wig ko, na may hindi tama sa paglapat ng gown ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga simpleng detalye nakikita niya.

“Big help si Dad for moral support.

“Tsaka every scene na gawin ko, he compliments everybody which is great, di ba?

“Kaya natutuwa ako because my dad supports me sa trabaho ko and he's really proud na naging bida ako sa Born Beautiful,” pagmamalaki pa ni Martin.

NOT AFRAID TO BE TYPECAST IN GAY ROLES

Hindi naman daw natatakot na ma-typecast si Martin after niyang gawin ang Born Beautiful.

Baka isipin na ng marami na gustung-gusto niya ang pagganap bilang isang gay sa pelikula.

“I don't really mind what other people say, e. I just do my job.

“Ever since naman na pumasok ako sa showbiz, yun na ang tsismis nila sa akin.

“So, pagkakitaan ko na ang mga tsismis na yan, di ba?

“Open naman ako to do other roles.

“I love doing character roles both on TV and film.

“Tsaka nasa age na tayo na we want to do roles na panggulat sa audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, kung gay role ulit ang ibigay sa akin, I don't mind.

“Basta maganda ang pagkakasulat and kaya ko namang gampanan nang maayos,” paninigurado niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN