Is Ariel Rivera open to working with ex-flame Regine Velasquez?

IMAGE Jocelyn Dimaculangan (Regine)

Gelli de Belen (right) gives one condition before agreeing to work with Ariel Rivera and Regine Velasquez.


Sa loob ng 21 taon na pagsasama nina Ariel Rivera at Gelli de Belen hindi sila nagkaroon ng proyekto na magkasama sila sa isang TV station. Duda tuloy ng iba sadya nilang iniiwasan na magkasama isang network.

“Actually, lagi kaming nagkaka-salisi talaga,” pahayag ni Ariel.

Ayon pa kay Ariel, hindi rin nila pinaguusapan ni Gelli sa bahay nila kung saang network sila magtratrabaho.

“Hindi importante sa amin yun. That’s not important. It’s really the project, e,” saad ni Ariel nung makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng pelikulang Ang Sikreto ng Piso. Ito ang kauna-unahang pelikula na magkasama sina Ariel at Gelli.

Ano ang dahilan bakit nila tinanggap ang isang proyekto na magkasama sila after 21 years ng kanilang marriage?

“It’s interesting talaga,” diin ni Ariel.

Hindi kaya dahil kaibigan nila ang direktor ng Ang Sikreto ng Piso na si Perry Escano?

“Hindi,” mabilis na tugol ni Ariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just met him when they pitched us the story. Ako, nagustuhan ko talaga.

"Sabi ko, ‘ABS[-CBN] give me naman a comedic role or something.’ “Hindi nila binibigay sa akin.

“Ah, tapos, the story, it interested me, yung tungkol sa piso.”

Senyales ba ito na open na si Ariel na tumanggap ng kahit na anong role sa telebisyon at pelikula?

“Nag-lolo na nga ako, e. Yung kay Julia [Montes], sa Doble Kara.

“Yeah, I’m okay.

“But I’m more choosy now kasi nagsasawa na ako sa ibang roles, e. It’s always the same roles.

“For the last two years, binibigyan ako ng kontrabida roles, ang tagal ko nang hiningi ang kontrabida role saka lang binigay sa akin last year. So, and I prefer kontrabida roles. And now, comedy naman.”

ON WORKING WITH GELLI

Kumusta naman ang working relationship nila sa set ng misis niyang si Gelli?

“I always like working with her. Siyempre magaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag sa bahay pa lang I ask her, ‘Hon, paano sasabihin itong Tagalog na ‘to.

Awkward ba para sa kanila noong umpisa?

“Hindi, walang ganoon.”

Pero ayon kay Gelli, na-awkward siya sa pagko-comedy ni Ariel. Hindi raw kasi siya makapaniwala na asawa niya yung ka-eksena niya na nagpapatawa sa movie.

“Sanay kasi siya siguro na ay kabatuhan.”

Gaano ka-close ang characters nila sa movie in real life?

“Very close,” tugon ni Ariel.

“Actually, one of the things that works well for us is that we like to laugh, e.

“Kahit kaming dalawa lang, we joke with each other. She finds my joke corny, e, by the way.

“But I think, she laughs also sometimes. We love to joke around kahit kaming dalawa lang.”

Prior to Ang Sikreto ng Piso, wala bang dumating na offer na magkasama sila sa isang project?

“No, wala. Wala talaga,” diin pa ni Ariel.

“Nagkakataon talaga na nasa GMA ako, ABS-CBN siya. Tapos ako naman nasa ABS-CBN, nasa GMA naman siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Twenty-two years na ang nakalipas noong ginawa nina Ariel at Gelli ang last film nila together titled Ikaw Pala Ang Mahal Ko under Star Cinema. 

Ano ang ginagawa nila para maging exciting ang married life nila at di nagkasawaan sa isa’t isa?

Paliwanag ni Ariel, “Ang maganda kasi we have different shows sometimes. So pagdating sa bahay, maraming kinu-kwento. Kung ano ang nangyari sa akin, kung ano ang nangyari sa kanya.

“Saka, different set of friends, yeah.

“When we are talking about relationships sabi namin, ayoko 'ata ng girlfriend o asawa na clingy, ah, which she isn’t.

“I’m sure ayaw din niya nung ganoon. Magsasawa ka naman.”

Kung may mag-offer sa kanila ng drama movie at may love scene, tatanggapin ba nila?

“It depends on the story. Depends on the story talaga. Well, maybe that I’m thinking old way ‘no.

“I’m just saying, quality of story pa rin ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko ng movie na ikahihiya ko later.”


ON WORKING WITH REGINE

What about a project na kasama niya both si Gelli at ang ex-girlfriend niyang si Regine Velasquez? Tatanggapin ba niya?

“Oh, yeah. We’re friends with her. Nagkasama na kami sa ASAP.”

Payag din si Gelli na magsama silang tatlo nina Ariel at Regine sa isang proyekto pero may kondisyon siya. Gusto ni Gelli siya raw ang kakanta.

Ano ang masasabi niya rito?

“Malabo na ‘yan. Malabo na ‘yan talaga,” natatawang sabi ni Ariel.

Matatandaan na nagkaroon ng alitan noon sa pagitan nina Gelli at Regine dahil kay Ariel.

Magkasintahan pa lang noon sina Gelli at Ariel nang magkaroon ng ugnayan si Regine sa TV actor.

Pagkaraan ng maraming taon ay naging maayos rin ang samahan nilang lahat, kabilang ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN