Ogie Alcasid to play a princess in the sequel of "Desperadas"


"Igot so surprised. Hindi gay role ito. I will really play the role of afull-blooded female, na half-sister din nina RuffaGutierrez, Iza Calzado, Marian Rivera, and Rufa MaeQuinto. Very funny and unique ang pasok ng character ko sa sequel ng Desperadas," says Ogie Alcasid about hisrole in the upcoming Desperadas.




Minsan lang kung gumawa na ng pelikula si Ogie Alcasid. Aminado angsinger-comedian-songwriter na dumating siya sa puntong kailangang mamili na ngfilm assignments dahil okupado na ang oras niya sa rami ng commitments niya saTV. Guaranteed contract ang pinirmahan ni Ogie sa GMA-7 kaya ilang taon dinghindi siya mababakante at tiyak na mayroon siyang mga gagawing proyekto rito.

"Sapelikula ako medyo tagilid nang konti," sabi pa ni Ogie sa panayam with PEP(Philippine Entertainment Portal). "Hindi na basta nagpo-produce angmalalaking studios. Mayroon sana kaming gagawin ni Regine [Velasquez] sa Viva Films, pero hindi na nag-materialize. Iba't ibangfactors ang dahilan. Yung schedule namin, yung mismong material na talagangpinag-aaralan naming mabuti bago tanggapin."

Hindiba siya na-disappoint na hindi natuloy yung project with Regine?

"Siyempre,medyo nanghinayang. Pero, wala naman akong magagawa roon. Mahirap humanap ngtime para magkasabay kami sa schedule dahil may iba pa siyang commitments. Akoay ganoon din, kaya kung matuloy man kami ni Regine, it will really take time.

"Iniisipko na lang, if it's not meant to be, hindi talaga. May ibang opportunties forme and Regine na darating. Baka nga hindi pa panahon para gumawa kami ng movietogether," lahad pa ni Ogie.

PLAYING A PRINCESS. Biglang-bigla angpagpasok ni Ogie sa cast ng Desperadas 2.Si Ogie ang pumalit kay Eugene Domingo sa original cast pero nag-back out itofor some reasons.

"Igot so surprised," banggit ng singer-comedian. "Hindi gay role ito. Iwill really play the role of a full-blooded female, na half-sister din nina Ruffa Gutierrez, Iza Calzado,Marian Rivera and Rufa MaeQuinto. Very funny and unique ang pasok ng character ko sa sequel ng Desperadas.

"Nangmabasa ko yung script, approved agad ako. It's a very challenging role.Babaeng-babae talaga ako sa movie na 'yan, who happens to be a princess from aremote island somewhere near Africa. Basta ganoon. Madi-discover na lang ngmother namin [as played by Nova Villa] na nagkaroon siya ng anak sa isangroyalty, at ako yun," sabi pa ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kungtutuusin, iikot kay Ogie ang katatawanan sa Desperadas2 at walang problema rito dahil may rapport siya sa mga nasa cast nito, whoare all happy to have him.

"Maykanya-kanya pa ring kuwento sina Ruffa, P-chi [Rufa Mae],Iza, at Marian sa movie. Pansahog lang ako para may bago naman. Alam kongmahirap para sa akin ang mag-portray ng babae dahil iba ito sa bading-badinganlang. I should really emote, speak, think and move like a real woman,"natatawang sabi pa ni Ogie.

Tiyakna may inputs si Regine sa pagpo-portray niya ng babae sa Desperadas 2. the same way, na pagdating sa dead-pan expression sacomedy, inamin ni Regine na malaki ang impluwensiya ni Ogie sa kanya.

"Ganoonnaman kami ni Regine, hindi lang mga personal na bagay ang naise-share namin saisa't isa, pati na siyempre yung sa kanya-kanyang career, nababanggit langnamin. Although, we don't meddle in each other's career, lightlynapapag-usapan namin ang ganito paminsan-minsan.

"Sabini Direk Joel [Lamangan], hindi raw ako kinuhafor Desperadas 2 dahil lang sagumaganap ako ng female characters sa Bubble Gang. Ibang-iba kasi angmovie. Realistic comedy yun about relationships and other serious matters, kungtutuusin. Kaya medyo kinabahan ako dahil kailangang iba at mas seryoso angatake ko, and at the same time, kailangang lumabas na nakakatawa," patuloyni Ogie.

Frustrationni Ogie ang serious comedy sa pelikula. Muntik na silang magkatrabaho ni DirekJoel sa Zsa Zsa Zaturnnah (Ze Moveeh)noon, pero nagkaroon ng hassle. Dapat ay nakapag-drama rin si Ogie sa Boses nang ialok sa kanya ang role ngviolin teacher sa acclaimed indie film na dinirek ni Ellen Ongkeko-Marfil, perohindi rin siya natuloy roon.

"Mayrason talaga kaya hindi ako natutuloy kapag may ganyang offer, gaano ko mankagusto yung material. Tinatanggap ko na lang na ganoon. Kasi, marami pa ringdumarating. In life, that has been my principle, kaya hindi akonade-depress," patuloy ng komedyante.

SONGBOOK VOL. 2. Kunsabagay,patuloy na namumulaklak ang career ni Ogie dahil hindi lang naman sa pelikulanakadepende ito. Sa recording nga, pagkatapos ng The Great Filipino Songbook ay maglalabas uli ang Universal Recordsng Volume 2 nito, pagpapatunay na nag-hit ang unang compilation ng all-originalPinoy classics na ini-record ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SaFebruary 2009, magsasama sila ni Janno Gibbs saisang series sa Music Museum. Bukod pa ito sa ibang nakalaang trabaho sa kanyasa GMA-7, kasama na ang walang-humpay na pagpapatawa kasama ang buong barkadasa Bubble Gang na hindi mapantayanman lang ng kahit na anong itinapat dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN