Joyce Bernal talks about changes in Marawi film Children of the Lake

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

Joyce Bernal assures Robin Padilla and Piolo Pascual are still starring in Children of the Lake, a film about the Marawi conflict in 2017. 


Nagbigay ng paglilinaw ang lady director na si Joyce Bernal tungkol sa mga pagbabago sa Children Of The Lake, ang pelikulang tungkol sa Marawi siege kasama sina Piolo Pascual at Robin Padilla.

“Ano kasi, nung nag-iba ng direktor… so ako na yung direktor, nung binasa ko yung script hindi ko na sila nakikita na the way na kina-characterize sila nung original director.

"So hindi na sundalo for me si Robin, hindi na sundalo si Piolo for me. So nag-iba, kasi nga ako yung direktor, so mag-iiba na yung…”

Ang orihinal na direktor ng pelikula ay si Sheron Dayoc, na nag-resign noong September 2018. Ang producer ng pelikula ay ang Spring Films, na pag-aari nina Joyce, Piolo, at Erickson Raymundo.

Wala na ba sina Robin at Piolo sa project?

Sagot ni Joyce, “Hindi naman, kasi hindi lang naman 'to tungkol sa sundalo, e.”

Bakit ba nag-backout si Direk Sheron sa pelikula?

“Pareho yung gusto naming sabihin, magkaiba kami ng pinupuntahan. So magkikita rin naman, kaya lang magkaiba kami ng ways.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hahanapin mo kung ano ba talaga yung kailangan ng pelikula? Iba yung pinuntahan niya. Hindi yun ang kailangan ng pelikula na gusto naming sabihin.”

Siniguro naman ni Direk Joyce na matutuloy pa ang Children of the Lake. 

Bakit sinabi ni Robin na wala na siya dun kasi ang beneficiary daw yung foundation niya?

“I mean, wala kaming kikitain.”

Pero kasali pa rin ba si Robin sa movie?

“Opo,” paniniguro ni Direk Joyce.

Mga taga-Marawi raw ang magiging papel nina Robin at Piolo sa pelikula, at may ibang artistang gaganap bilang mga sundalo.

Co-director ni Joyce sa pelikula si Omar Ali. 

SPRING FILMS AT 10

Nakausap namin si Joyce sa selebrasyon ng tenth year ng Spring Films at special screening ng Kuya Wes, nitong January 28 sa Cine Adarna ng UP Film Institute sa Diliman.

“Akalain mo ten years na agad,” bulalas ni Joyce.

Anong feeling na ten years na ang Spring Films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ten years na, e, yun nga lang nagawa namin, e,” at tumawa si Joyce.

Maraming na-produce na quality films na kumita rin sa takilya ang Spring Films, tulad ng Kimmy Dora movies at ang Kita Kita.

“Parang yung susunod naming gagawin, itong 2019 pag nakita ninyo, ‘yan ano na ‘yan, bunga 'yan ng learnings namin ng ten years, hindi ng kita namin, ng learnings talaga.

“Di ba, yun yung ano, sa isang athlete para mag-train siya for ten years 'tapos makukuha niya sana yung peak niya or downfall niya.”

So ang 2019 ang pagsali na nung athlete na yun sa Olympics?

“Oo!”

Bongga na naman ang mga nagawa nila for ten years.

“At least nakarating na siya dun, okay na ‘yun, nakarating na siya dun at nagfa-fight pa rin, okay na.”

Ang Kuya Wes ang latest offering in Spring Films, starring Ogie Alcasid, at ipalalabas ito sa mga commercial cinemas simula March 13
 
 
 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN