Did Kim Chiu get jealous of Xian's love scenes with Louise?

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim on doing a love scene onscreen and breaking out of the love-team mold: "Sa akin naman, naghihintay lang ako ng mga opportunity, naghihintay lang naman ako na, kumbaga, I just wanna show to people na... yun, to be open to everyone."


Sa pelikulang Hanggang Kailan? ay sumabak ang aktor na si Xian Lim sa love scenes kasama ang onscreen partner na si Louise delos Reyes.  

Kilala bilang konserbatibo ang Viva actor, pero niyakap ni Xian ang mature role sa pelikulang handog ng Viva Films at dinirehe ni Bona Fajardo. Surpresa para sa karamihan ang desisyon niyang ito para sa kanyang career.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian pagkatapos ng red-carpet premiere ng Hanggang Kailan? sa Cinema 1 ng SM Megamall noong February 4, kinuha namin ang kanyang paliwanag sa bagay na ito.

Pahayag ng 29-year-old actor, “Dito sa pelikula, I wanted to show something different. Even yung genre, even yung structure nung pelikula is different.

“So, yun lang. I mean, yung sa mga eksena na mga napanood niyo, I don’t really want to consider it... it’s something I don’t want to consider na pasabog.

“It’s just something na sinundan lang naman niyo yung buhay ng dalawa. At lagi naman sinasabi namin dito na gusto naming ipakita yung totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nangyayari ito sa totoong buhay na nagtanga-tanga tayo sa pag-ibig.”

Base naman sa feedback, tanggap ng audience ang pagbabagong ito na nakita nga nila sa big creen.

Marami ang kinilig sa kanyang topless scenes at sa mga emote nila ni Louise.

Saad naman ni Xian, “Thank you, thank you. Yun lang ang masasabi ko. Kasi siyempre, sa akin naman, naghihintay lang ako ng mga opportunity, naghihintay lang naman ako na, kumbaga, I just wanna show to people na... yun, to be open to everyone.

“I really want this, this is my passion. Inu-offer ko ito [ang movie] sa mga taong sawi, nasaktan, sinasaktan.”

Ano sa palagay niya ang magiging reaksiyon ng girlfriend niyang si Kim Chiu kapag napanood niya ang pelikulang ito, lalo na siyempre, sa maiinit niyang eksena with his leading lady.

Diretsahan namang sagot ng model-actor, “Naku, sa amin naman, we’re just being very professional. We focus on the story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Definitely naman daw ay suportado ni Kim ang anumang career move niya, katulad rin ng pagsuporta niya rito.

What’s next after this romantic film? Ano pa ba ang nakalinya sa kanya?

Hinimas ni Xian ang kanyang bigote, na bagong look niya ngayon, sabay sabi, “Nakikita niyo ba ito?

“Heto pa ang next. I have a new film with Cristine Reyes, and abangan niyo lang. Kakaiba rin ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN