Daniel attends Familia Blondina premiere with girlfriend Kathryn

by Allan Sancon
Feb 26, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

Dinumog ng tao ang premiere night ng Familia Blondina na ginanap sa Cinema 6 ng Trinoma kagabi, February 26, 2019.

Nagtilian ang mga fans nang i-announce ng host na dadating ang KathNiel at MayWard para sumuporta sa pelikula.

Dumating nga sina Maymay Entrata at Edward Barber pero laking gulat ng lahat nang dumating si Daniel Padilla ngunit wala si Kathryn Bernardo.

Magkasabay na naglakad sa red carpet ang mag-inang Daniel at Karla Estrada.

Lalong umigting ang spekulasyon na hiwalay na ang dalawa dahil sa dalas nilang hindi magkasama sa mga events. Naging big deal rin kamakailan ang pag-unfollow nila sa kanilang Instagram accounts.

Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang members of the press na makapanayam si Daniel upang tanungin kung bakit hindi niya kasama ang girlfriend niyang si Kathryn nang maglakad siya sa red carpet.

Paliwanag ni Daniel, “Hindi siya umabot, galing pa siya sa Roxas Boulevard. Nag pictorial yata siya or may something. E, wala, pumasok na si ermat, e. Di na siya umabot sa oras.”

Continue reading below ↓

Ang ermat na tinutukoy ni Daniel ay ang ina niya na si Karla.

Tinanong rin ng media si Daniel: hiwalay na ba sila ni Kathryn?

Ani Daniel, “Nakabasyon pa ako, kaya wala munang showbiz ngayon.”

So hindi totoong hiwalay na kayo at in a relationship pa rin kayo ni Kathryn?

Napakamot si Daniel sa kanyang mga mata at sinabing, "Pwede ba tigilan niyo na yung kagaguhan na hiwalay na kami…okay na yun!”

Totoo bang nag unfollow kayo sa isa’t-isa sa social media?

“Mukha bang hiwalay na kami? Mukha ba?" balik-tanong ng ABS-CBN actor.

May mga pagkakataon na hindi magkasama ang KathNiel sa mga events kaya naiiisip ng mga tao na hiwalay na nga sila.

Noong February 25, nag-post pa si Daniel sa kanyang Instagram account ng isang litrato na nagpapakita ng isang clown na may hawak na dalawang baril. Ang caption niya dito ay “Hypocrites.”

Dahil sa mga insidente na ito, may mga nag-iisip na hiwalay na nga sila ni Kathryn. Ano ang reaction niya dito?

Continue reading below ↓

Tumawa ni Daniel at nanahimik panandalian bago sinabing…”Oo, ayos lang, ayos kami!”

So, ayos kayo ni Kathryn?

“Oo naman!”

Nilinaw din ng mama Karla mo recently na hindi totoo ang mga balita na hiwalay na kayo.

Ani Daniel, “Oo nga naman, tayo lang ang nagpapalaki ng mga bagay bagay.

"Ang importante ay okay na okay kayo!" bulalas ng aktor bago magbigay ng high-five sa mga miyembro ng press na nag-interview sa kanya.

Pagkatapos ng screening ay nakita ng mga tao na magkasama na sina Daniel at Kathryn. Sabay rin ang KathNiel na umalis sa venue.



Narito ang ilang eksena sa premiere night ng Familia Blondina:

Continue reading below ↓

Daniel Padilla
IMAGE Allan Sancon



Continue reading below ↓
Maymay Entrata and Edward Barber
IMAGE Allan Sancon



Melai Francisco and Jolina Magdangal
IMAGE Allan Sancon




Continue reading below ↓
Marco Gallo
IMAGE Allan Sancon




The cast of Familia Blondina
IMAGE Allan Sancon







Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results