Bea Alonzo comes first in movie billing of Eerie; Charo Santos-Concio gives her reaction

IMAGE Allan Sancon

Bea Alonzo (left) and Charo Santos-Concio (right) top-bill the horror film Eerie, which is directed by Mikhail Red.


Sa unang pagkakataon ay magkakasama sina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio sa isang pelikula, ang horror film titled Eerie.

Ang young filmmaker na si Mikhail Red ang director ng pelikula na tungkol sa pagpapakamatay ng isang estudyante sa isang kumbento.

Magtatagisan ng acting sina Bea bilang si Pat na isang guidance counselor at Charo bilang si Sor Alice, ang istriktang madre na nagpapatakbo ng kanilang conservative, all-girls, Catholic high school. 

Noong March 2, nagkaroon ng 10-minute special media preview na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma Mall. Dito rin ginawa ang unang press conference para sa Eerie.

Sa umpisa pa lang ng press con ay naintriga na agad ang dalawang bida dahil sa movie billing na makikita sa poster ng Eerie. 

Binati ng veteran columnist na si Manay Ethel Ramos ang young Kapamilya actress nang sabihin niya, “Congratulations, Bea dahil mas nauna yung pangalan mo sa billing ng poster kaysa kay Charo Santos-Concio.”

Sumagot naman agad ni Bea na, “Hindi po, may 'AND' Charo Santos.”

Ngunit nang tingnan ni Bea at ng media ang poster, makikita na walang "AND" na nakalagay sa gitna ng kanilang mga pangalan.

Sabi naman ng former CEO and President ng ABS-CBN Broadcasting Corporation, tungkol dito: “It’s alright!”

Nahihiyang sabi ni Bea tungkol dito, “Hinding-hindi po mangyayari 'yan.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



During the general press con ay may nagtanong kay Charo: "Hindi ba naging issue sa inyo na tanggapin ang role na ito? Bidang-bida kayo sa huling pelikula niyo na Ang Babaeng Humayo pero this time parang si Bea ang lead at parang support ang role ninyo dito."

Mahinahong sagot naman ni Charo: "Okay lang 'yan, di ba?

"May kasabihan nga na, para sa tunay na artista ay walang malaki o maliit na role. You are there for your passion for the craft. Gusto ko yung kwento, gusto kong gawin ang pelikula, gusto ko silang makatrabaho. Kailangan bang may iba pang rason?”

Nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na matanong si Charo tungkol sa pag-impersonate sa kanya ni Vice Ganda sa 2019 Valentine's Day concert ng huli. 

Sa isang segment ng concert, nagsuot si Vice Ganda ng wig at naglagay ng nunal sa mukha upang gayahin ang nunal sa mukha ni Charo.

Sa February 14 installment ng kanilang concert, sinabi ni Vice Ganda na medyo natakot siyang gayahin si Charo. Sambit ni Vice noon na baka mawalan siya ng trabaho sa ABS-CBN dahil sa ginawa niya sa former TV executive.

Ano ang reaction ni Charo sa pag-impersonate sa kanya ni Vice Ganda?

Sagot ni Charo, “Natakot ba siya?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit ni hindi siya nagpaalam?” (sabay tawa ng malakas ng seasoned actress)

Napanuod niyo ba ang ginawang impersonation ng komedyante?

Aniya, “Oo, napanuod ko yun sa YouTube.”

Dagdag pa niya, “Ano bang grade ang ibibigay ko… Pwede na! (sabay tawa uli!)

Bilang pagtatapos, kumaway si Charo sa video camera at sinabing “Vice, I love you!”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

          Vice Ganda (in photo) impersonated Charo Santos-Concio during his three-night concert held from February 14-16, 2019.



Stories We Are Tracking

Vice Ganda asks Karla Estrada:
Vice Ganda asks Karla Estrada: "Saan niyo ginawa si Daniel?"






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN