"One True Love" to have red-carpet premiere night, Nov 18


Marian Rivera, Dingdong Dantes, and Iza Calzado figure in a love triangle for the movie One True Love. It will have its red-carpet premiere tomorrow, November 18, at SM Megamall.



Naimbitahan ng GMA Films at Regal Entertainment ang reporter na ito sa special preview ng pelikulang One True Love sa SQ Laboratories sa Mandaluyong kagabi, November 16. Ang One True Love ay pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Iza Calzado.

Nakasama namin at ng iba pang piling entertainment press ang producers ng GMA Films na sina Ms. Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan; at si Ms. Roselle Monteverde-Teo ng Regal Entertainment. Later ay nag-join din si Mother Lily Monteverde at ang direktor ng pelikula na si Mac Alejandre.

Bago sinimulan ang special preview, nagsalita muna si Direk Mac. He apologized na everytime matatapos ang isang roll ng movie, magkakaroon ng few minutes gap dahil isang projector lamang ang ginagamit. Hindi kasi for screening ‘yong room, instead, ginagamit ‘yon sa pagda-dub ng movies na nagpo-post production doon.

Ang kopyang pinapanood nila sa press ay hindi pa magandang copy ng movie kaya may eksenang hindi pare-pareho ang kulay. Pero ang maganda, ang linaw-linaw ng sound, na madalas kulang sa mga sinehan na pinagpapalabasan ng mga pelikula.

Dumating din ang musical director ng One True Love na si Von de Guzman. Nagandahan kami sa musical arrangement niya ng theme song na "The Last Time I Felt Like This," na ni-record nina Joanna Ampil of Miss Saigon fame and Shamrock vocalist Marc Tupaz.

Nalaman namin na si Ariel Rivera pala dapat ang magre-record ng theme song with Joanna Ampil. Kaya lang ay nawalan ito ng boses at nag-undergo ng treatment for his vocal chords. Nakakadagdag sa ganda ng mga eksena ang magandang musical background.


SYNOPSIS. Nagsimula ang story ng One True Love na na-in love si Migs (Dingdong Dantes), a neurologist, sa isang simple at mabait na nurse na si Joy (Marian Rivera). Nag-offer na siya ng marriage kay Joy at magpapakasal na sila after three months.

Masaya ang parehong pamilya nina Migs at Joy. Tanggap nila ang pagpapakasal ng dalawa, except for Ara (Bianca King), younger sister ni Migs. Mas gusto pa rin kasi nito si Bela (Iza Calzado), dating girlfriend ni Migs na iniwanan siya at nag-migrate sa Canada. Pinauwi niya si Bela sa Pilipinas na dumating nga before the wedding.

Mahal pa rin ni Bela si Migs, pero natuloy pa rin ang pagpapakasal nina Migs at Joy. The morning after their honeymoon, nag-iwan ng letter si Migs kay Joy na may bibilhin lamang siya at babalik din siya agad. On his way back home, sakay ng kanyang motorcycle, masayang-masaya si Migs na may dalang bunch of red roses, nang maaksidente siya. Nang magkamalay sa hospital, hindi na niya kilala si Joy, si Bela lamang ang gusto niya.

Ibibitin na lamang namin kayo, at alamin kung paano ipaglalaban ni Joy ang pag-ibig niya kay Migs, si Bela para rin kay Migs. Kanino kayo iiyak at kanino kayo magagalit habang pinapanood ninyo ang movie. Yung mga nakatabi namin, may narinig kaming sumisinghot at nagko-comment habang nanonood.

Alamin din kung talagang inapi sa billing si Iza Calzado. Basta ang masasabi namin, mahusay na nagampanan nina Dingdong, Marian, Iza, and even Jennica Garcia, na gumaganap na younger sister ni Marian. Hindi masyadong mahaba ang role ni Jennica pero markado ito at akala mo ang inang si Jean Garcia ang umaarte.

Tomorrow, Tuesday, November 18, parehong panonoorin ng MTRCB at Cinema Evaluation Board (CEB) ang One True Love na may special participation sina Tessie Tomas, Pinky Marquez, Chinggoy Alonzo, Boots Anson-Roa, and child actress Sharlene San Pedro.

Tomorrow rin ang red carpet premiere night ng movie sa SM Megamall Cinemas 9 & 10 at 7 p.m. May shooting sina Marian at Iza ng Desperadas 2, pero papayagan daw naman sila ni Direk Joel Lamangan na makaalis sa shooting para maka-attend ng premiere night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN