"Scaregivers" double the laughter starting Nov 26


(From left) Ehra Madrigal, Jose Manalo, Paolo Contis, Wally Bayola, and Iza Calzado topbill the horror comedy Scaregivers, which will be screened in cinemas nationwide starting November 26.



Matagal na palang gustong bigyan ng launching movie angcomic tandem na Jose Manalo at Wally Bayola. Kilala si Jose dahil sa kanyangspoof character na Wangbu na base kay Bamboo Manalac ng bandang Bamboo. SiWally naman ay madalas na ginagaya ang Brazilian beauty na si Arianney Nogueirabilang ang crossdresser na si Arwani.

Araw-araw napapanood ang dalawang komedyante na ito bilangsidekicks nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa GMA-7 noontime show na EatBulaga. Simula November 26, mapapanood na sina Jose at Wally bilang mgabida sa horror comedy film na Scaregivers.

Mula sa APT at M-Zet Productions, ang pelikulang ito ay hindi spoof ng SharonCuneta movie na Caregiver dahil ang kuwento ng Scaregivers aytungkol sa dalawang kriminal na lolokohin ang mga doctor at mga nurse upangumiwas na makulong. Kung kaya, Scaregiver ang title ng launching filmnina Jose at Wally na siyang ipapalabas sa mga sinehan simula November 26.

Noong press conference ng Scaregivers, nabigyan ng pagkakataon ang mediana tanungin ang dalawa kung ano ang pakiramdam nila ngayong na bida na sila sapelikula.

Ang sagot ni Wally, "NakakaSCARE. Marami na rin kamingna-experience na mga pelikula pero ito talaga...para kaming mga anak na iniwan ngmagulang na sinabihan, ‘O, kayo munang bahala dito sa bahay.' Wala kamingkasama, bida na, pwede naming sandalan... kami talagang dalawa dito, parang loveteam."


Sumagot naman si Jose, "Nakakanerbiyos talaga. Hanggang ngayon, kahit nataposna yung pelikula, hindi pa siya nagsho-showing, yung parang hindi ka pa rinmaniwala o makapaniwala na kami na ba talaga yung nandun. Hanggang ngayon hindipa po kami makapaniwala na eto na nga yun."

Napanood na dati sa mga ibang pelikula ang tambalan ninaJose at Wally tulad ng pelikulang Ispiritista: Itay May Moomoo (2004) atsa mga nakaraang installment ng Enteng Kabisote.

Ang gaganap na supporting characters sa pelikula ay sina Iza Calzado, PaoloContis, at Ehra Madrigal. Si Iza at Paolo ang magkasintahan sa pelikulang itosamantalang si Ehra naman ay gaganap na doctor sa mental institution kung saandadalhin sina Jose at Wally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanong rin sa tatlong artista na ito kung bakit silapumayag na maging supporting characters sa Scaregivers. Ani Iza,"Siyempre nung naguumpisa din naman ako, yung mga first few films ko, maynaging willing maging parang support sa akin. So sa akin, it's about time dinna ipapakita mo rin or isha-share mo kung ano man yung naibahagi sa ‘yo ngibang tao. Sana years from now, si Wally at Jose maging sobrang laking artistatapos maaalala nila na yung first film magkasama kami. Nakakataba ng puso kungganun nga yung mangyayari. So wini-wish ko na sana nga mapunta sila sa direksyonna yun."

Papayag kaya sina Jose at Wally na paghiwalayin silapagdating ng panahon?

"Kung ako po tatanungin, syempre mas gusto ko yung magkasama kami," sagot niJose. "Naumpisahan na namin ng ganito gusto rin namin hanggang magtapos ganitona rin kami na magkasama kaming dalawa."

Ayon naman kay Wally, "Siyempre hindi ako papayag. Hindi ako papayag na mawalaysiya. (laughs) Iba na yung chemistry naming dalawa kasi siyempre, walong taonna kaming magkaibigan."


BUOD. Ang Scaregivers ay kwento ng dalawang palpak na holdapersna nagpanggap na sira-ulo para hindi mapasok sa Bilibid, pero kinulong naman saisang mental hospital.

Sa ospital na yun, may multong pumapatay ng mga nurse at mgapiling-piling pasyente...kasama sila sa mga pasyente na gustong patayin. Buti nalang may nakilala silang "caregiver" na naging susi sa pag-eskapo nila.

At nung gabing tatakas na sana sila, malalaman nung dalawana ang multong pumapatay ng pasyente at nurse ay ang dating siyota ng"caregiver" na tumutulong sa kanila.

Ano kaya ang nangyari sa multo? Ano ang mangyayari sa"caregiver"? Ano ang kahihinatnan ng dalawa nating bida?

Kasama rin sa pelikula sina Ryan Yllana at Edgar AllanGuzman at maraming special guests na magkakaroon ng cameo roles. Kasama na ditoang talk show host ng The Buzz na si Boy Abunda at ang Eat Bulaga mainstaystulad nina Vic Sotto at Julia Clarete. Ang pelikulang ito ay sinulat ni Jourdan Sebastian at ang nagdirehe ay si Uro dela Cruz, ang director ng coemdy show na Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handog ng APT at M-Zet Productions, humanda na para sahorror-comedy na Scaregivers. Mapapanood na ito simula November 26sa mga sinehan sa buong bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN