"UPCAT" is all about making choices


Richard Quan (right) plays a teacher who helps Felix Roco (left) and Joseph Roble (middle) review for the grueling admission test that is the subject of the indie film UPCAT.



Nagkaroon ng premiere night sa University of The Philippinesnoong Huwebes, November 20 ang UPCAT. Isa ito sa mga pelikulang kasama sa Cinema One Originals na siyangongoing hanggang November 27. Written by Alfred Reyes and directed by RomanOlivarez, UPCAT stars three students played by Felix Roco, HiyasminNeri, and Joseph Roble.

Bukod sa tatlong stars na gumanap na mga high schoolstudents at nangangarap na makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas sa pamamagitanng pagpasa sa UPCAT, kasama rin sa independent-digital film na ito sinaBembol Roco, Mark Gil, at Richard Quan.

Sa kanilang lahat, si Richard ang nakausap namin regardingthe movie.

Siya ang nagkuwento kung anong kuwento ng movie at kungano-ano ang mga characters na ginagampanan nila. Based sa title ng movie, puwedeng sabihin na umiikot ang UPCATsa pagkuha ng entrance exam ng mga high school students sa U.P. Pero ayon kayRichard, there's more to the premise na pagkuha lang ng University of thePhilippines College Admission Test.

On Richard's character, naikuwento nga niyang, "I'm a U.P.graduate of Fine Arts. ‘Yun nga lang,under achiever ako. Instead na magamitko ‘yung pinag-aralan ko sa U.P. sa trabahong mas magbibigay sa akin ngmagandang kinabukasan, nag-end up ako na nagpe-paint ng mga karatula ngsasakyan.

Gumanap naman na mag-ama ang real-life father and son nasina Bembol at Felix sa movie. Ayon kay Richard, siya raw ang nagsilbingtaga-review ng tatlong estudyante para makapasa ang mga ito sa UPCAT. May conflict din ang character niya sacharacter naman nina Bembol at Mark.

Si Bembol ay isang U.P. grad na may malaking expectation sakanyang anak na si Felix na makapasok din sa Unibersidad na pinagtapusan. SiMark naman ang tatay ni Hiyasmin. Pero along the movie, makikita ang struggles,triumphs, at defeat ng bawat isa.

Tinanong namin si Richard na parang nagkakaroon ng notion nabaka-pang UP students or alumni lang ang maka-relate sa naturang indie film.Pero, maganda ang naging paliwanag niya sa bagay na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Actually, noong ginagawa ko rin ‘yung movie, inisipko rin, sino lang ang magkaka-interes manood? Baka yung mga taga-UP lang din.Pero kapag napanood n'yo na ang movie, hindi...

"Ang tingin ko riyan, it's not just about UPCAT lang. It'sabout making choices. It doesn't matter kung hindi ka nakapasok sa U.P. Kung hindi ka nakapasa. Marami namangavenues. Hindi rin naman dahilan yung graduate ka ng UP at gaganda na agadang buhay mo. Tulad nga ng character naginampanan ko.

"I believe, ikaw pa rin sa sarili mo ang gagawa ng buhay mo.Marami namang avenues. Although,siyempre, hindi masamang mangarap, it's a good thing."

Richard, on the other hand, has been in the industry foralmost 15 years. Isa siya sa masasabing supporter talaga ng mga independentfilms dahil dito niya raw naipapakita ang mga kakayahan pa niya bilang actor.At the same time, hindi rin naman niya napapabayaan ang pag-appear sa mgamainstream movies and television.


Bukod sa UPCAT, napapanood rin si Richard sa One True Love.Gumanap siya bilang engineer na nakaaway ni Marian Rivera at Dingdong Dantesdahil sa plano niyang putulin ang espesyal na puno ng mag-asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN