"Himala" tribute held at Titus Brandsma


After 26 years, the people behind the classic film Himala held a reunion and were given a tribute by Titus Brandsma Center. The producers revealed that it cost P2.7 million to produce this film starring Nora Aunor (in photo) and it was shot in a preiod of three months.



"Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao... nasa pusonating lahat!" minsan pang umalingawngaw ang tinig ni Elsa (Nora Aunor) saharap ng taumbayang naging saksi sa mga kamangha-manghang kaganapang nasakaibuturan ng masalimuot na kuwento ng Himala (1982), ang klasikongpelikula ni Ishmael Bernal, Pambansang Alagad ng Sining.

Wala si Nora Aunor sa special screening ng pelikula, saTitus Brandsma Media Center (sa New Manila, Quezon City), noong Nobyembre 22.Pero sa pamamagitan ng ginampanan niyang tauhan na si Elsa, ang babaeng umano'ynakakakita ng aparisyon ng Mahal na Birhen, ang kaukulan ng palatuntunan upangmuling sariwain sa alaala at bigyang-pagkilala ang mga naging bahagi ng isangdakilang obra ay higit pa sa sapat.


Sa tribute na ibinigay para sa Himala cast at iba pang naging bahagi ngproduksiyon, nakarating ang siyam na importateng kabahagi ng pelikula: RichardArellano, dating child actor, gumanap bilang palaboy na namatay nang magkaroonng epidemyang cholera; Spanky Manikan, bilang si Orly, ang docu-filmmaker;Ellen Ongkeko, bilang village prostitute; Racquel Villavicencio, productiondesigner; Vangie Labalan, nanay ni Elsa; Ricky Lee, ang story/screenwriter; AmaQuiambao, bilang Sepa, ang panatiko ni Elsa; Trina Dayrit, supervisingproducer, at Bb. Imee Marcos, producer/director-general ng Experimental Cinemaof the Philippines (ECP).

Masaya ang lahat sa open-forum, matapos ang maikling invocation at keynote addressni Fr. Rico Ponce, tagapamahala ng Titus Brandsma, kasunod ng screening ng Himala. Nagkakaisa ang isipan nila, sa kahalagahanng pagkilala sa Himala--matapos ang dalawampu't anim na taon, ay tilaisang "himala" ang patuloy na nagaganap, na lalong nagpapatibay sakatotohanang isang klasiko ang obra ni Bernal.

Bilang production designer, ang Himala ang hulingpinamahalaan ni Racquel Villavicencio. Pinanood muli ni Villavicencio angkabuuan ng pelikula at aniya'y hindi niya mapigilan ang maluha. Nagbalik ang mga alaala ng tuwa at dusa(karamiha'y dusa) sa naging pagtanggap at aktuwal na pagta-trabaho niya, parakay Bernal, na nakaaway niya noon.

"Maraming tarayan, talakan, at awayan [sa set]. Mahirapang naging trabaho namin...pero lagi nang kailangan natin ngmapanghahawakan," makahulugang pagtatapat ni Vangie Labalan, na gumanapbilang ina ni Nora, sa panahong hindi pa siya kilalang artista sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kamangha-manghang stampede scene, matapos mag-deklara ngmoratorium sa panggagamot at mabaril si Elsa, ang faith healer, pinupuri namanni Spanky Manikan ang aniya'y naiibang crowd scene ng pelikula.Nagbigay-kredito rin siya sa naging crowd director ng pelikula, si JoelLamangan, isa na ring premyadong direktor sa pelikula.

Natutuwa man sa tagumpay ng Himala, hindi nababawasanang pagkilala ni Manikan sa iba pang film masters (Akiro Kurosawa, Wong KarWai, atbp.) na kabilang ang mga obra sa sampung pinagbotohan sa CNN ViewingRoom kamakailan. Bilang si Orly noon na isang atheist (non-believer in God), siSpanky Manikan ay may reserbasyon ukol sa pilian ng "the best."

Mula sa pagiging child actor, lumaki rin sa industriya angbatang si Richard Arellano na ngayo'y isa nang indie filmmaker. Ang gumanapnamang nanay Sepa niya, si Ama Quiambao, ay nagkaroon ng pamangkin (MiriamQuiambao) na naging Miss Universe-First Runner-Up noong 1999, labimpitong (17)taon matapos ipalabas ang Himala. Kasamang dumalo ni Ama Quiambao saspecial tribute ang asawang singer at aktor na si Gamaliel Viray.

Tulad nina Racquel V., Vangie L., Ama Q., pumalaot din sapag-arte ang nagsimulang bit player sa Himala na si Ellen Ongkeko. Ngayon, bilang Ellen Ongkeko-Marfil, isa nasiyang accomplished producer-director na kilala bilang director ng Cinemalaya2008 entry na Boses.

Back then (early '80's), ayon kay Trina Dayrit, Himalacost a staggering P2.7 million to produce; halaga iyon ng 3 o 4 na karaniwangpelikula (may P600,000 budget). Sa ngayon, ang karaniwang indie o independentdigital movie project ay ginagastusan naman ng isa o dalawang milyon.


Sa tribute, wala rin ang soundman (Vic Macamay), musical scorer (WinstonRaval), editor (Ike Jarlego, Jr.), cinematographer (Sergio Lobo), sampu ng ibapang importanteng nasa cast: Gigi Duenas (Nimia), Laura Centeno (Chayong), PenMedina (Pilo), Veronica Palileo (Mrs. Alba), pati minor players, tulad nina JimPebanco, Cesar Dimaculangan, ang gumanap na Chua (mayamang Intsik) na napatayat may kakambal,ang gumanap na kaibigan ni Pilo, ang debotong posturyosa, angmga may kapansanan, ang hepe ng pulisya, ang baliw na namatayan ng anak, angmatandang bulag at dalagitang ibinugaw, ang mga addict na nan-rape kina Elsa atChayong, ang panatikong bumaril kay Elsa, at ang buong taumbayan ng IlocosNorte province (kabilang sa libu-libong extras).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala na rin ang director na si Ishmael Bernal (namatay siyanoong 1996), pero ang pangalan at alaala niya'y immortalized sa mga ginawaniyang pelikula, lalo na para sa pelikulang ito na pinili bilang BestAsia-Pacific movie of all time.

Himala was a production ng isang ahensiya nggobyerno, ang Experimental Cinema of the Philippines (ECP), with thenpresidential daughter Imee Marcos as director-general. Si Ms. CharoSantos-Concio (na ngayon ay president ng ABS-CBN) ay isang ring executiveproducer ng pelikulang ito.

Ayon kay Imee Marcos, napasimulan at natapos ang Himala sa loob ng tatlong buwan; maraming pagtutolsiyang narinig (laban sa gustong maging bidang aktres ni Ricky Lee na si NoraAunor), binagyo ang shooting, naaksidente si Nora, at malamig ang nagingpagtanggap ng mga kritiko at ibang taga-industriya nang mai-preview.

Na nanalo ito ng maraming parangal sa Metro Manila Film Fest'82 ay simula lamang ng naging vindication ng Himala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN