"Lovebirds" rated R-18 without cuts


Lovebirds, starring Andres Alexis Fernandez and Joseph Ison, is currently being screened in Robinsons Galeria IndieSine (Ortigas), Robinsons Place Malate, GotescoGrand Central (Monumento), Gotesco Commonwealth, Remar (Recto), ABCTheatre (Guadalupe, Makati), and Isetann Cinerama (Recto).



Ikatlong pelikula na ng independent filmmaker na si Ronaldo "Roni" Bertubin ang Lovebirds, isang gay comedy-drama na tumatalakay sa relasyon ng anak na "discreet" o patagong bading, at isang inang protective sa imahe ng kanilang pamilya. Tatalakayin ng pelikula ang tagong pakikipagrelasyon ng bading na anak sa kapwa lalaki gamit ang Internet.

Present ang Philippine Entertainment Portal (PEP) sa premiere night ng nasabing indie film sa Cine Adarna ng UP Film Institute (Diliman, Quezon City) noong December 4.

Tampok sa Lovebirds sina Ms. Boots Anson Roa, Tommy Abuel, Adrian Ramirez, and Joseph Ison. Introducing ang banyagang si Andres Alexis Fernandez, and with the special participation of Johnron Tañada na huling napanood sa Kambyo ng Viva Films, directed by Jay Altarejos naman.

Sa nasabing premiere night, nakarating si Ms. Boots, Adrian, at si Joseph. Si Alexis naman, sadyang pumunta lang dito sa Pilipinas noon upang i-shoot ang film, at bumalik din agad sa Puerto Rico. Si Johnron ay nagpunta sa Macau, at may taping naman ng gabing iyon si Tommy.

Ang daming nakakatawang eksena at masasabi naming isa ito sa mga the best performances of Ms. Boots, na ibang-iba sa mga dati niyang ginawang pelikula. No wonder, siya ang first and only choice of Direk Roni to play the role.

"Ngayong naidirek ko na si Boots, masasabi ko nang isa na akong filmmaker!" pahayag ni Direk Roni sa kanyang welcome speech on stage.

Dumating rin sa okasyong yun si Rosanna Roces, at sabi ni Boots sa kanyang speech naman, "Si Rosanna ay isa sa hinahangaan kong artista na magaling, most of the time ay underrated lang.

"Dito sa Lovebirds, naku, parang this is my coming-out from the closet! Ayan tuloy at dahil sa pelikulang ito, nailabas ko ang pagkabading ko! Hahaha!" tawa ng beteranang aktres, dahil offbeat nga ang kanyang role dito sa usual pa-demure mother roles niya on the big screen.

"Alam niyo naman po na hindi colorful ang buhay ko. Pero I just love my gay friends. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakagawa ng ganitong pelikula at nasabi ko ang ilang dialogues na never kong kinayang sabihin noon!" Nagtawanan at palakpakan ang audience sa sinabing ito ni Ms. Boots.

Siyempre pa, malaking challenge at opportunity ito kay Joseph Ison na dating ka-batch ni James Blanco at Roxanne Barcelo sa Click. Halos ka-batch rin ni Joseph si Sherwin Ordoñez, bilang original GMA-7 teens, bago pa nagkaroon ng StarStruck teens sa Kapuso Network. Huling napanood si Joseph sa Marimar bilang isa sa bodyguards ni Marian Rivera.


Ang Lovebirds ay mula sa same production team na lumikha rin ng Sikil (an indie film starring Will Sandejas and Ken Escudero) and Kurap (launching of Sherwin Ordoñez na nakaikot na sa maraming international film festivals, at naitanghal rin locally last month).

Ang script ng Lovebirds ay ginawa ni Romualdo Avellanosa, editor is Soon Lee Mi, director of photography is Gary Gardoche, and music by Pepe Manikan.


SYNOPSIS. Separate not the lovebirds. If one goes away, the other dies.

Mario, a reserved and quiet young man, is introduced to the world of cyberspace by his bosom friend Ton-Ton. Through the Internet, he met a chatmate from Spain named Alexis. After exchanging pleasantries, Mario and Alexis soon developed a relationship as cyber lovers.

Alexis then visits the Philippines to meet up with Mario and propose marriage to him.

With the announcement of her son's engagement and Alexis' visit, Amelia, Mario's old-fashioned and strict mother prepares for a welcome feast.

Soon, their peaceful sleepy town is suddenly awakened in anticipation of the foreign guest. When the day of Alexis' arrival came, there was a mixture of both confusion and shock among the villagers since Alexis turns out to be a MAN.

As the main characters of the story grapple with this unexpected consequence, their cultural differences collide with riotous and hilarious results leading to the discovery of their own true identities.


Lovebirds has received an MTRCB rating of R-18 approved without cuts. It is currently being shown at the following venues: Robinsons Galeria IndieSine (Ortigas), Robinsons Place Malate, Gotesco Grand Central (Monumento), Gotesco Commonwealth, Remar (Recto), ABC Theatre (Guadalupe, Makati), and Isetann Cinerama (Recto).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN