Sarah Geronimo hopes "A Very Special Love" sequel does even better


"Sana po talaga mas maganda. Yun naman po ang aim namin. Masmaganda, mas magugustuhan nila. Kahit na hindi malagpasan, sana mapantayan manlang noong una," says Sarah Geronimo about the sequel of A Very Special Love, her movie with John Lloyd Cruz.



Present sa press conference ng Baler, official entry ng Viva Filmssa Metro Manila Film Festival, ang singer-actress na si Sarah Geronimo dahil siya ang kumanta ngtheme song ng pelikula. Marami na tuloy ang humuhula na posibleng manalo angBaler ng Best Theme Song dahil sa magandang interpretasyon niSarah ng kanta.

"Hopefully po, di ba? Kasi ang ganda-ganda po ng kanta. It'sall about true love. Parang"Kahit Isang Saglit," kasi si Sir Louie Ocampo rin poyung nag-compose, kaya ang ganda-ganda rin po ng melody," sabi ni Sarah sa PEP(Philippine Entertainment Portal).

Sa naturang presscon, ang pagiging "diva" niya sa nakaraangconcert na Divas 4 Divas ang itinanong kay Sarah. Napakaganda kasi ng pagbibigay-puri sa kanya ng apat na divas na sina Kuh Ledesma, Zsa ZsaPadilla, Pops Fernandez at Regine Velasquez. Sa finale ay tinawag at pinaakyatpa siya sa stage. Sinabi pang "diva" rin daw siya. Ano ang masasabi ni Sarah dito?

"Oo nga po, parang nakaka-speechless," nakangiting sabi niSarah. "Ang hitsura ko pa po noon, parang may pimples, haggard! Kasi, biglaanpo kasi yun. Pero siyempre, nakakaiyakpo. Pinaakyat pa ako sa stage.

"Sabi ko nga po kay Ms. Reg [Regine], ‘Huwag na! Huwag na!'Kasi, yung hitsura ko, yung damit ko. E, nahiya naman po ako. Umakyat na rin poako. Siyempre po ang sarap! Sino banaman po ako para i-acknowledge nila?" natatawa na tila nahihiya niyangpahayag.

"A VERY SPECIAL LOVE" SEQUEL. Nakakadalawang shooting days na rin daw si Sarah para sasequel ng blockbuster film na A Very Special Love, kung saan si John Lloyd Cruzpa rin ang katambal niya.

"Okey naman po. Puno ng tension noong first day. Ganoon yatakapag first day, parang nakaka-ilang takes!" natatawa niyang kuwento.

Kumusta naman sila ni John Lloyd, mas kumportable na basilang dalawa?

"Opo, kumportable na po ngayon," sagot ni Sarah. "Actually, yungfirst part, kumportable na rin po. Ngayon nga lang po, hindi pa lang kaminagkakaroon ng eksena together pa. So, hindi ko pa po masabi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa naman si Sarah na mas magugustuhan daw ng mga tao angPart 2 ng very successful movie nila.

"Sana po talaga mas maganda. Yun naman po ang aim namin. Masmaganda, mas magugustuhan nila. Kahit na hindi malagpasan, sana mapantayan manlang noong una."

Feeling pressured na ba siya?

"Opo, pero hindi na muna po namin iisipin yun. Basta pagtatrabahuhanpo muna naming mabuti at huwag ie-encourage ang negative vibes," aniya.

Kung sa Part 1 ng A Very Special Love ay nabitin ang kissingscene nila ni John Lloyd, ngayong Part 2 kaya ay itutuloy na ba nila ito?

"Secret! Abangan!" natatawang sagot ng Pop Princess.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN