Joey Reyes quits as director of Richard-KC Valentine movie

by Archie de Calma
Dec 18, 2008
"Professional naman akong kausap, e. Mayroon din kasing mga hinihingi ang istorya na okey lang basahin sa script, pero kapag execution na, hindi ganoon kadali. I foresee problems, at sa tindi ng time constraints dahil ihahabol 'yan as a Valentine offering, napag-isipan kong kailangan ko nang tanggihan, para makapag-isip na rin sila ng pupuwede nilang gawing moves," director Joey Reyes explains why he decided to back out of the second movie team-up of Ri


Sa presscon noong December 11 para sa One Night Only—entry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF)—na ginanap sa Cravings restaurant, T. Morato Ave,, Quezon City, hesitant pa si direktor Joey Reyes na magdetalye sa offer ng GMA Films sa kanya to direct the second team-up project of Richard Gutierrez and KC Concepcion.

Bago pa yun, nabanggit na ni Direk Joey sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Magkaibigan, isa pa niyang idinirek na entry sa MMFF, na nagdadalawang-isip siya sa offer ng GMA Films at malabong siya ang magdidirek nito.

Nakumpirma mismo ng PEP ngayong hapon, December 12, na out na si Direk Joey bilang direktor sa Richard-KC movie. Naghahanap ngayon ang GMA Films ng papalit kay Direk Joey.

"I don't care kung sino ang ipapalit nila sa akin," sabi ni Direk Joey sa PEP. "Hindi ko na siguro concern pa yun, pero gusto ko lang linawin na pinag-isipan kong mabuti ang desisyong ito dahil matagal-tagal na rin ang pre-production para rito. Nag-invest na rin ako ng time and energy para mag-isip ng ideas, pero talagang ganoon. Creative differences ang naging dahilan. At kung ano ang gusto nila na hindi ko naman gusto at hindi ako sang-ayon, let's just leave it at that.

Continue reading below ↓

"Kaya nga tinanggihan ko na lang dahil naniniwala ako na once inumpisahan ko na ang project na 'yan, obligasyon ko na at responsibilidad na tapusin 'yan at pagandahin sa abot ng aking makakaya. Kung may nakikita na akong problema sa pre-production pa lang, I believe it's not worth it na ipagpatuloy ko pa," paliwanag ni Direk Joey sa kabilang linya ng telepono.

Nang makausap daw ni Direk Joey si Joey Abacan, isa sa creative bosses ng GMA Films, diniretso na niya ito na hindi na nga niya matatanggap ang project.

"Kung may pagkakataon uling mag-offer sila at magkakasundo sa lahat ng detalye at pupuwedeng makipag-compromise, pupuwede pa rin naman akong gumawa sa GMA Films. Yun ay kung kukunin pa rin naman nila ako, at kung naniniwala talaga sila sa gusto kong mangyari," sabi ni Direk Joey.

Hindi na nag-elaborate pa si Direk Joey sa iba pang detalye ng mga idinahilan niya sa pagtanggi sa proyekto dahil baka maging mitsa pa ito ng away o intriga.

Continue reading below ↓

"Professional naman akong kausap, e," sabi niya. "Mayroon din kasing mga hinihingi ang istorya na okey lang basahin sa script, pero kapag execution na, hindi ganoon kadali. I foresee problems, at sa tindi ng time constraints dahil ihahabol 'yan as a Valentine offering, napag-isipan kong kailangan ko nang tanggihan, para makapag-isip na rin sila ng pupuwede nilang gawing moves.

"In some ways, nakaka-frustrate din. Unang-una, nahihiya ako kay KC at ayokong lumabas na tinanggihan ko siya. Klaro 'yan. Because of time constraints and creative differences, yun ang naging problema. Both KC and Richard are out of the issue," paglilinaw niya.

NEXT PROJECT. Pagkatapos ng MMFF, kung saan may dalawa siyang entries na idinirek, malamang na mag-umpisa uli siya ng bago para sa OctoArts Films.

"May matagal na kaming napagkasunduan ni Orly [Ilacad, OctoArts executive producer] na isang project, tinatapos pa lang namin ang One Night Only. Isang sex-comedy uli, at gusto na niyang maumpisahan agad.

Continue reading below ↓

"Happy si Orly sa feedback ng mga unang nakapanood sa pelikula, kaya enough na yun sa kanya para pagtiwalaan uli akong makapagdirek ng isa uling pelikula. In fact, ang sabi ni Orly, dalawa pa ang nakatakda kong gawin sa kumpanya niya. Pero hindi pa rin talaga sigurado 'yan hangga't hindi nag-uumpisang gumiling ang kamera."

Naitatanong ngayon kay Direk Joey kung ano sa dalawang naidirek niya para sa MMFF—One Night Only at Magkaibigan—ang panonoorin niya, kung bibigyan lang siya ng isang pelikulang kailangan niyang panoorin.

"Para namang pinamili mo ako sa dalawa kong anak!" sabi ni Direk Joey. "Mas mabuti na lang sigurong wala na akong panoorin sa kanila kung ganoon din lang ang kundisyon. Anyway, parang mga anak ko yung dalawang pelikula at alam ko naman kung paano ko sila ginawa. Hindi ko na lang panonoorin ang kahit ano sa dalawa kung ganoon din lang ang sitwasyon."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Professional naman akong kausap, e. Mayroon din kasing mga hinihingi ang istorya na okey lang basahin sa script, pero kapag execution na, hindi ganoon kadali. I foresee problems, at sa tindi ng time constraints dahil ihahabol 'yan as a Valentine offering, napag-isipan kong kailangan ko nang tanggihan, para makapag-isip na rin sila ng pupuwede nilang gawing moves," director Joey Reyes explains why he decided to back out of the second movie team-up of Ri
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results