PEP REVIEW: Iskul Bukol's hilarious reunion and treasure hunt


Vic Sotto (left) poses with his sidekick played by Jose Manalo. The two star in Iskul Bukol: 20 Years After, one of the entries of the 34th Metro Manila Film Festival.



Ang Iskul Bukol: 20 Years After, originally, ay reunion movie ng tatlong pinakasikat na magkakaibigan nung late ‘70s to early ‘80s—ang bad boys from Bacolod na Escalera Brothers (Tito and Joey Escalera) at ang Tiaong good boy na si Victorio Ungasis, played by Tito Sotto, Joey de Leon, and Vic Sotto, respectively.

Ang original pa ngang title nito ay Ungasis and Escaleras Adventure, na naging Ungasis and the Escaleras: 20 Years After, na naging present title na nga nito ngayon for recall na rin sa malaking fan base ng Iskul Bukol na broadcasted pa noon sa IBC-13 mula 1977-1990.

Pero sinikap ng producers, M-Zet and OctoArts, na ipunin ang original cast para talagang may reunion na ng Wanbol University barkada. Sad to say, hindi ito nakumpleto dahil pumanaw na sina Bing Austria (as the canteen-boarding house owner, Mang Tem-i) at Dely Atay-Atayan (as Vic's Inang from Tiaong, Quezon, na laging tumatawag kay Vic ng "Bunsoy").

Wala rin ang mga love interest ni Vic Ungasis sa TV show na sina Joey Anson (played by singer Joey Albert) and Mary (played by 1977 Miss Magnolia title holder Malou Massab na original love interest in Ungasis nung unang ipinalabas sa TV ang Iskul Bukol). Balitang parehong sa abroad na naninirahan ang dalawa.

Pero nandun naman at nakuha pa nila para um-appear, kahit sandali lang, sa reunion scene ng movie at sa ilan pang mga eksena, ang mga dating dabarkads sa Wanbol na sina Bibeth Orteza (Bibet), Anthony Racquel (Tonette Macho), Redford White (Redford), Mely Tagasa (Miss Tapia), Jimmy Santos (Big J), and Richie D' Horsie (Richie).

Nandun din at nag-cameo sina Kaye Torres (as Kaye na classmate nina Tito, Joey at Vic) and Sharon Cuneta (Shawie, ang baby sister ng mga Escalera). Nag-cameo rin sina Ariel (ng duo na Maverick and Ariel), ang Sex Bomb Dancers at ang EB Babes, na ilan pa sa kanila ay pumapel pang DH o "Darling Helpers" ng Escaleras.


THE PLOT.
Twenty years matapos ng kanilang college life, isa nang adventurous na archeologist at professor sa isang unibersidad si Ungasis, habang mga milyonaryo naman na ang magkapatid na Escalera. Pereho kasi silang nakapag-asawa ng mga mayayamang matatandang babae na pareho na ring patay.

Nag-umpisa ang movie na mala-Indiana Jones ang mga eksena with Ungasis, stealing the legendary "Kali ni Humabon" and, at the same time, rescuing an about-to-be sacrificed Iwa Moto na puro tili lang ang dialogue.

Sumunod ay naging mala-Pirates of the Caribbean: Dead Man's Chest naman ang eksena with Ungasis being chased by the natives na ninakawan niya ng Kali at pinaalpasan ng dalagang isasakripisyo sana.

Sa mga sumunod pang eksena sa pelikula, may mga pamilyar na scenes na obviously ay spoof ng mga eksena rin ng movies na tulad ng National Treasure, Da Vinci Code at Tomb Raider, ngunit mahusay namang nai-adapt ng scriptwriter nitong si Bibeth Orteza para sa pelikula. Si Bibeth din ang original scriptwriter ng TV show version noon.

Bentang-benta sa mga manonood, kahit ng mga kabataan, ang mga patawa nina Tito, Joey at Vic.

Si Tito nga, kahit na naging seryoso ang image for a time dahil sa kanyang pagiging senador ay hindi maikakailang may timing pa rin sa pagpapatawa. Gamay na gamay pa rin ng older Sotto brother ang Tito Escalera character niyang kinainisan and at the same time ay kinatuwaan sa Iskul Bukol—mapagplano, tuso, magulang, at ubod ng "hangin" (ang tipo ng "hangin" ng kayabangan na namana pa niya sa "Papa" nila ni Joey, played then by legendary actor-broadcaster Rod Navarro).

As for Joey, siyang-siya pa rin ang Joey Escalera (down to the hairstyle and cool slogan/logo shirts) na mahilig i-seduce at biruin ang may gusto sa kanyang si Ms. Tapia at laging may baon na salbaheng jokes. Tawanan talaga ang mga tao nung sinimulan niyang kantahin ang "old kanto joke" na "I want to be an Eskimo... Es-es, ki..." na biglang pinutol ng pag-"kiriring" ng kanyang cell phone.

Pero ang talagang bida ng pelikula ay si Vic na ipinakitang bukod sa pagiging matalino ay athletic, mayaman at malakas ang appeal sa babaehaving Bianca King as his sexy assistant at ang TV reporter na si Carlene Aguilar bilang love interest.

Kay Vic talaga iikot ang istorya. Malaki ang kaugnayan niya sa mga "pesetas" na hinahanap ng yakuza leader na si Shimata (played by Japanese actor Jackie Woo). Si Vic kasi ang magde-decode ng mga nakasulat na alibata (ancient Filipino alphabet) na nasa baston na Kali ni Humabon at espadang Kampilan ni Lapu-Lapu, na parehong nasa pag-aari na ni Shimata.

Kailangan ni Shimata na ipa-decode kay Vic ang mga alibata para matunton ang kinaroroonan ng mga piraso ng peseta, said to be the actual 30 pieces of gold coins na pinansuhol kay Hudas. Ang mga pesetang ito ay kailangang mapasakamay ni Shimata dahil nagagawa raw ng peseta na maging imortal ang kahit na sinong lulunok nito.

Pero sa paghahanap ng mga tauhan ni Shimata sa pesetas, mapupunta sila sa Cambodia kunsaan hahanapin nila ang batang may dagdag na alibata na naka-tattoo sa puwet nito, si Woog, played by Robert "Buboy" Villar. Mapapatay ng mga tauhan ni Shimata ang parents ni Uhhnn. Itatakas naman siya ng piping uncle niya na si Samnang, played by Ryan Agoncillo.

Matagal nang gusto ni Ryan na makagawa ng pelikula with his idols Tito, Vic and Joey. Kaya nga hindi niya pinakawalan ang pagkakataon na makasama sa Iskul Bukol the movie, kahit na pipi ang papel niya at hindi rin ganun katagal ang kanyang exposure.

Kasama rin sa pelikula ang iba pang dabarkads na tulad nina Jose Manalo bilang alalay ni Vic, Wally Bayola, Keempee de Leon, at Pauleen Luna. Naroon din sina Gian Sotto, Oyo Sotto, Krista Ranillo at Junee Gamboa.

THE VERDICT. For the sake of fun, mapapatawad na ang butas-butas na istorya at nakabibigla't walang eksplenasyon na twists sa movie. After all, it is a comedy film at makita lang muling magkakasama sa isang pelikula sina Tito, Vic at Joey bilang mga characters nila sa Iskul Bukol ay okey na para sa kanilang libu-libong fans.

Sa paglabas pa nga namin sa sinehan, may narinig pa kaming sana raw ay Mr. Wan-Tu-Tri naman ang i-remake ng TVJ.

Hmmm...


Click here to view the MMFF microsite

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN