Allen Dizon & Gwen Garci topbill "Butas"


Two versions of the "truth" appear in the indie film Butas (Loophole). Which one is real and which is only true on reel?


Nais ipakita ng Butas (Loophole)ang isang komplikadong emotional journey ng isang "weakling husband" (AllenDizon) na may asawang nagtataksil (Gwen Garci). Ang pelikula ito ay nais dingmatuntun ang mailap na katotohanan sa likod ng isang crime of passion.


Ang indie film na ito ay angsecond directorial project ni Alejandro "Bong" Ramos, na siyang kilala bilangdirector ng pelikulang Haw-Ang (Harvest). Ang Haw-Ang,tungkol sa isang madre na nagsakripisyo upang tumulong sa mga Ifugao, ay nagingbest feature film sa Accolade Film Festival sa California. Nanalo rin ito ngBest Cinematography (for Paul Vincent Pangan) sa nasabing festival abroad. Ang Haw-Angay graded "B" ng Cinema Evaluation Board at inindorso pa ng Department ofEducation.


Ngayon, ibang uri naman ng pelikula ang handog ni Direk Bong Ramos. Ang hunkactor na si Allen Dizon ay hindi naghubad sa pelikulang ito samantalangbida-kontrabida naman ang newcomer na si Marco Morales bilang pulis na datingbold starlet na nambibiktima ng mga babaing nakaka-relasyon niya. Sa director'scut ng pelikula, 12 beses nag-frontal ang hunk actor na ipinakilala sa WalangKawala ni Direk Joel Lamangan. May special role rin si Mercedes Cabral, naipinakilala sa Cannes Film Fest entry na Serbis. Si Mercedes ang asawani Marco Morales samantalang ang former Viva Hotbabe na si Gwen ay ang"unfaithful wife" na nakikipagkalas na sa kanyang kalaguyo.


May special screening sa UP Film Center ang Butas (Loophole) sa January 12 (Monday)ng 7:30pm. Ayon sa mga gumawa ng pelikula, kung makakapasa ang mapangahas namga eksena sa MTRCB ay ipapalabas ito sa selected theaters simula January 15(Thursday).


BUOD. May madugong krimen na naganap. Pinatay ang pulis na si Virgo (MarcoMorales) at ang umamin sa pagpatay ay si Jake (Allen Dizon). Pinatay daw niyaang kalaguyo ng kanyang asawa na si Maya (Gwen Garci). Ngunit dalawang bersyonng katotohanan ang lumalalabas:


Sa unang version niJake, sadya raw niyang na-plano ang pagpatay kay Virgo. Sinundan niya ang asawaat ang kabit nito sa dilapidated ruins na tagpuan ng magkalaguyo.Nagtago siyasa kisame at duon niya nasaksihan ang pagtataksil ng kanyang asawa. Hindi niyanatagalan ang nakita. Hindi niya kayang patayin ang dalawa lalo na ng malamanniya na buntis ang asawa at siya ang ama. Paalis na siya sa lugar na ‘yon ngmakita niyang tumatakbo at humahagulgol ang asawa niya. Nagdilim ang paninginni Jake saka niya pinagbabaril si Virgo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang pangalawangversion na pinakita ng abogado ni Jake sa "laptop" ay ang version ngvideographer. Nabisto ni Maya na "on the act" ng kanilang pagtatalik aykinukunan sila ng isang "videographer" na kasabwat ni Virgo. Nagwala tuloy angbabae at mari-reveal na gawain ni Virgo na magpa-ibig ng mga babae at kunan ngvideo ang kanilang "sexual act" saka nito ibebenta ang "scandal" parapagkakitaan.May malubhang sakit ang anak ni Virgo kaya niya nakasanayan gawinang pananamantala sa mga nabibiktimang kabit.


Tumakas angvideographer, naiwan ang ebidensya na hindi tumutugma sa version ni Jake. Masgraphic ang detalyado ang pagtatalik nina Virgo at Maya sa version ngvideographer, mas wild at malandi si Maya rito. Sa version ni Jake," tame" angpagtatalik ng dalawa, hindi rin "wild" at ganun kainit si Maya. Kung pinagtatakpan ni Jake ang totoong Maya, si Jake langang makakapagsabi.


Although hindinakunan ng videographer ang totoong nangyari sa krimen—tanging sina Jake atMaya lamang ang nakakaalam ng katotohanan. Ipapakita sa huling eksena ngpelikula ang tunay na nangyari sa krimen. Makakalaya kaya si Jake? Ano ngmangyayari kay Maya? Mabubuo pa ba ang kanilang pamilya lalo na ngayonipinagbubuntis ni Maya ang anak ni Jake?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN