Ai-Ai delas Alas expresses gratitude for Tanging Ina’s box-office success


AngTanging Ina N'yong Lahat lead star Ai-Ai delas Alas confessedfeeling nervous days before the opening of the 34th Metro ManilaFilm Festival. "Kasi siyempre hindi mo naman masabi ‘yong buhay natin, kasiminsan maganda. Hindi natin alam, di ba? Pero all the way, sinusuportahan pa rintayo ng mga kapwa natin Filipino," said Ai-Ai during the MMFF awarding ceremony heldlast December 27.


Kahit si Ai-Ai delasAlas ay nagulat sa malaking tagumpay na inani ng kanyang pelikulang Ang Tanging Ina N'yong Lahat,na official entry ng Star Cinemangayong taon sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa naunang reportay tumabo diumano ng P20.9 million ang pelikula ni Ai-Ai noong first day ofshowing upang pangunahan ang iba pang pelikulang kalahok. Sinasabing malaki angnaiambag ng nasabing figure para umangat din ng 37 percent ang total gross ng2008 MMFF.

"Overwhelming. Hindinamin inaasahan na ganun, first time kong naramdaman na meron palang ganung firstday na digit. So salamat sa Panginoon, salamat sa Star Cinema, at saka sa lahatng kasama namin sa pelikula. Nagpapasalamat po kami sa inyong lahat," pahayagni Ai-Ai noong December 27, ilang minuto bago tuluyang magsimula ang awardingceremony ng 34th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Sofitel HarborTent sa Pasay City.

FEELINGGRATEFUL. Malaki ang pasasalamat ni Ai-Ai sa publiko sa walangsawang pagtangkilik sa Tanging Inafranchise.

"Salamat sa lahat ngsumusuporta at patuloy po na nanonood ng AngTanging Ina N'yong Lahat.Thank you po, wala akong salita paramasabi kung gaano kami kaligaya, kung gaano kami ka-thankful, kung gaano po akonagpapasalamat sa inyong lahat para sa suporta ninyo po na ibinibigay sapelikulang Pilipino, lalong-lalo na po sa AngTanging Ina N'yong Lahat," saad ni Ai-Ai.

Aminado si Ai-Ai na kinabahansiya noong una dahil hindi lang ang pelikula niya ang comedy entry ngayongtaon. Hindi rin siyempre biro ang makipagsabayan sa legendary trio na sila Tito,Vic and Joey, na tampok sa Iskul Bukol: 20 Years After.

"Hindi ko naman alamkung bakit nangyayari ‘yan," sambit ni Ai-Ai patungkol sa strong showing ngkanyang pelikula. "Sabi ko nga, di ba, ‘Thy will be done.' Kung ano na lang gustong Diyos, ‘yon na lang ‘yong sinusunod ko. Minsan nga, hindi ko na nararamdaman[kung] ano ba'ng nangyayari. Tinatanggap ko na lang lahat. Ang masasabi ko nalang, e, salamat po ng marami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magandang regalo na rin,hindi lang kay Ai-Ai kundi para sa lahat ng bumubuo ng Ang Tanging Ina N'yong Lahat ang naging mainit na pagtanggap ngpubliko sa proyekto.

Hopeful naman si Ai-Aina mas magiging maganda ang 2009 para sa lahat.

"Sana next year will be abetter year kahit na medyo meron tayong global crises," sabi ng magaling nakomedyante. "Pero alam mo naman ang mga Pilipino sanay sa hirap, kaya kahitmahirap parang normal na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN