ON THE SET: "When I Met You"


KC Concepcion plays a promo girl while Richard Gutierrez portrays a cargo plane pilot in their upcoming movie When I Met You. This will be GMA Films' Valentine offering for 2009.



Bumisita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sashooting nina KC Concepcion at Richard Gutierrez ng When I Met You noongJanuary 5. Naganap ito sa isang bahay sa may San Juan, Metro Manila. Bahaykunwari ‘yun ni KC na gaganap sa role ni Jenny na isang promo girl. Sigurodinalaw siya ni Benny (Richard), kaya naroon din ang actor.

Si KC ang unang nakausap ng PEP at unang itinanong sa kanyaay ang pagkaka-iba ng working condition nang gawin nila ni Richard ang ForThe First Time sa Star Cinema at ang shooting ng When I Met You ngRegal Entertainment at GMA Films.

"Kung nanibago ako working with GMA Films? Una sa lahat, saStar Cinema, ang crew from the director to the assistant director, sa DOP oDirector of Photography hanggang PA ay either babae o bading. Dito sa GMAFilms, lahat lalaki, from the director hanggang sa wardrobe. Ramdam na ramdamang pagiging babae ko," sagot ni KC.

Nang i-point out sa kanya na may mga bading din sa staff niDirek Joel Lamangan, nilinaw ni KC na ang ibig niyang sabihin ay gender. Pero,may babae rin naman sa staff at siya'y si Elaine Lozano na supervising produceryata ng movie.

Nagpa-kuwento ang PEP kay KC ng background ng role atcharacter nila ni Richard at heto ang kuwento nito: "Pareho kaming galing samiddle class na family. Promo girl ako rito na kahit ano ay ibenebenta at iba'tibang trabaho ang pinapasukan. Mother ko rito si Tita Cherry Pie [Picache] nalahat ng sinasabi ay pinapaniwalaan at sinusunod ko. Lagi silang nag-aaway ngdad ko [played by Tirso Cruz III]."

Sabi naman ni Richard sa kanyang role: "Cargo plane pilotako rito, hindi commercial pilot. Cargo delivery boy ako, ginawa lang pilotpara sosyal. Sumabay sumakay sa airplane ko si Jenny (KC), nag-crash ang planeat na-stranded kami. Hindi pa ako nagpapalipad ng airplane, wala pa akongmaikuwento. Sa Subic International Airport kukunan ang eksena."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This Wednesday and Thursday naka-schedule ang shooting ngdalawa.

Pareho ng sagot sina Richard at KC sa tanong namin kung gaano ka-romantic ang WhenI Met You. Nangyayari raw sa totoong buhay ang mga eksenang mapapanood sapelikula. "Maraming complicated situations, mami-misunderstood ng iba, perodahil nangyayari talaga, marami ang makaka-relate," dagdag na pahayag ni KC.

Sa tanong kung kinakitaan ba nila nang pagbabago ang isa'tisa after doing their first movie, parang pareho pa rin ang kanilang sagot.

Sabi ni KC: "Walang nabago kay Chard, ganun pa rin siya.After For The First Time naman, araw-araw pa rin kaming nagkikita okaya'y nag-uusap sa phone. Mahilig tumawag si Chard at minsan, inaabot kami ngone hour mag-usap. Ako naman, mahilig mag-text. Nabawasan lang ang pagkikitanamin nang pareho kaming maging busy."

"Walang masyadong nabago kay KC. Sandali lang naman ang gapng work namin at kung may nabago man, in a positive way. I guess now, we'reboth more comfortable and relaxed with each other at makikita yun sa movie,"wika naman ni Richard.

CORON, PALAWAN. Sa January 11 o 12, tutungo na sinaKC at Richard sa Coron, Palawan para mag-shooting. Around 30 percent ngpelikula ay kukunan doon. Hindi pa man nakakaalis, nagrereklamo na ang actor atbitin daw ang more than one week nilang stay doon at wish niya itong ma-extend.Baka sa Coron na rin siya mag-celebrate ng birthday niya sa January 21 at si KCat ibang cast ng movie ang kanyang makakasama.

Naging bingi pala sina KC at Richard nang tanungin ng PEPkung ano ang Christmas gifts nila sa isa't isa sa nakalipas na Pasko. Deadmaang dalawa sa aming tanong at kung saan-saan dinala ang usapan hanggangnakalimutan naming mangulit at i-follow-up. Idinaan nila sa ngiti at malagkitna tinginan ang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nalaman ng PEP na kahit sa manager ni KC na si ShirleyKuan, hindi nito ikinuwento kung ano ang regalo sa kanya ng love team. Nakikitana ng PEP na ganun din ang mangyayari sa darating na birthday ni Richard,ililihim din nila ang birthday gift ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN