Cinemalaya 2009 full-length films chosen


The Cinemalaya 2008 entries 100 (top) and Jay (bottom) gained critical acclaim not only here but also abroad. The Cinemalaya Foundation has already announced the 10 finalists for the full-length feature category of the annual film fest.



Pormal nang ipinahayag ng Cinemalaya Foundation ang napiling 10 official finalists sa full-length feature category ng Cinemalaya Independent Film Festival and Competition 2009, at nakakuha ang Philippine Entertainment Portal (PEP) ng inaabangang listahan.

Ang masusuwerteng sampung finalists sa full-length feature category ay ang mga sumusunod: 24K directed by Ana Agabin; Ang Nerseri(The Nursery) by Vic Acedillo, Jr.; Ang Panggagahasa kay Feby Alvin Yapan; Astig (Mga Batang Kalye) by GB Sampedro; Colorumby Jon Steffan Ballesteros; Dinig Sana Kitaby Mike Sandejas; Engkwentro by Pepe Diokno; Last Supper No. 3 by Veronica Velasco and Jinky Laurel; Mangatyanan(The Blood Trail) by Jerrold Tarog; at Sanglaanby Milo Sogueco.

Ang mga nasabing finalists ay tatanggap ng initial seed investment na P500,000 from Econolink Investments. Ang half-a-million pesos each na ito ay para panggastos sa production, at bahala na ang individual executive producers ng bawat film sa karagdagang expenses sa buong produkisyon ng pelikula.

Kabilang pa sa incentives para sa mga independent filmmakers na ito ang malalaking cash prizes pag nagwagi sila sa awards night. Ang final winning entry (o Best Film) ay mag-uuwi ng additional grant na P200,000 bukod pa ang prestihiyosong Cinemalaya trophy sa awarding rites.

Taun-taon, inaabangan ng maraming film enthusiasts ang Cinemalaya dahil kahit indie films ang mga ito, maipagmamalaki ang husay at galing ng Pinoy filmmakers.

Ang 5th edition ng Cinemalaya ay itatanghal mula July 17-26, 2009 at the Cultural Center of the Philippines sa Roxas Boulevard, Manila. Ang awards night naman ay gaganapin sa July 26, 2009.

Now on its fifth year, ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay project ng Cinemalaya Foundation, CCP, Econolink Investments Inc. and the Film Development Council of the Philippines.

Ito ay isang all-digital film festival and competition na naglalayong makapag-discover, manghikayat, at parangalan ang cinematic works ng mahuhusay na Filipino filmmakers na malayang nailalarawan ang Filipino experience and culture sa big screen, na may fresh insight at artistic integrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa ilang taga-movie industry na "moving forces" behind Cinemalaya ay sina Laurice Guillen at Robbie Tan, kabilang na rin ang mga tao sa likod ng pamunuan ng CCP at Film Development Council of the Philippines.

Mula sa 140 entries (scripts) mula sa iba't ibang panig ng bansa--na nangangarap makabilang sa elite list na ito--dapat sana ay Top 25 scripts ang pipiliin ng screening committee. Ngunit ayon sa isa naming source, e, tila hindi sila naging kumbinsidong "potential" ang pitong entries, kaya na-trim down initially ang 140 entries to just 18 semi-finalists!

Kabilang sa mga pumasok sa 18 semi-finalists ay ang Child Warrior ni Francis Villacorta; In The Name of the Mother ni Will Fredo, Ang Pangarap ni Mary Jane (na dapat sana'y bida si Roxanne Guinoo) by Direk Jerome Pobocan na nagdidirek na ng teleseryes sa ABS-CBN; at Ang Babae Sa Guho ni Sari Lluch Dalena, among others.

Hanggang sa mula sa 18 scripts na ito, ang sampu ngang nabanggit sa itaas ang mapalad na nakapasok sa pinakamimithing official 10 full-length films for this year's Cinemalaya. Last year, ang ilan sa sinasabing potential award-winning films ng Cinemalaya ay ang 100, Jay, at Boses na nakapag-represent na sa Pilipinas sa iba't ibang international film festivals.

Samantala, ayon pa rin sa CCP, ang finalists naman sa short feature category ay ia-announce sa May 2009.

For more information, please call the CCP Media Arts Division at tel. No. 832-1125 local 1704-05.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN