Pro-life film "Hilot" opens Jan 21


Hilot, an independent film about three women involved in aborting babies, will be screened in select cinemas starting January 21, 2009. It is endorsed by the Department of Education, Catholic Bishops' Conference of the Philippines and Pro-Life.



Bago ginanap ang press conference ng indie film na Hilot, nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tatlo sa bumubuo ng cast sa Cuba Libre Restaurant sa Star Mall, Mandaluyong City, last Friday, January 9. Ang magkapatid na sina Melissa Mendez at Glenda Garcia at ang young actress na si Empress Shuck ang mapapanood sa pelikula at sila rin ang producers ng bagong indie film. Bakit nila naisip na subukan ang independent filmmaking?

"Naisip naming mag-produce ng pelikula, sa indie film muna, dahil sayang din naman ang pera, nakatago lamang, itulong na rin namin sa mga kasama namin sa industriya na magkaroon ng trabaho, sa pamamagitan nito," paliwanag ni Melissa. "At hindi naman pala masyado mahirap, nag-enjoy kami sa pagpu-produce nito."


PRO-LIFE PROJECT. "Actually, kasama rin namin as producer ang kapatid naming si Mervin [Yap] sa aming Emerged Entertainment Productions," kuwento naman ni Glenda. "Very timely naman ang tema ng aming indie film, na tungkol sa abortion."

"We are pro-life, kaya very relevant ang story nito na ayon kay Direk Neal "Buboy" Tan ay matagal na niyang naisulat ang script pero hindi pa niya ginagawa dahil gusto niyang makakuha ng producer na against din sa abortion. Tamang-tama, dahil ito ngayon ang pinagdidiskusyunan sa Kongresso. Abortion is a sin and life is a gift from God, kaya bakit mo papatayin ang batang nasa sinapupunan ng isang babae?

"I'm playing the role of the abortionist," patuloy ni Melissa. "At first time namin na nakapag-shooting sa Quiapo at nakapasok sa loob ng simbahan para mag-shoot doon. Nakipag-usap kami sa parish priest ng Quiapo Church kung pwede kaming mag-shooting sa loob ng simbahan. Hiningi muna at binasa nila ang script at matapos mabasa ito pinayagan na nila kaming mag-shooting.

"Four days lamang kaming nag-shooting dahil doon lamang talaga sa Quiapo nangyari ang story. Ang nakakatuwa, in-endorse kami ng Department of Education, ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines at ng Pro-Life group headed by Sister Pilar Versoza."

Ayon naman kay Glenda, isa siyang babae na may karanasan na sa pagpapa-abort. "I'm playing naman the role of a Japayuki na suki ni Ate Melissa na magpa-abort," kuwento naman ni Glenda. "Three times na akong nagpa-abort sa kanya until may hindi magandang nangyari."

Si Empress naman ay gumaganap na anak ni Melissa, in-abort din ba niya ito?

"Hindi po," sagot ni Empress. "Hindi po itinago ng nanay ko kung ano ang trabaho niya kaya ako lamang ang nakakaalam ng kasalanang kanyang ginagawa, dahil ang buong bahay namin, laging sarado. Ayaw po niya akong makipag-boyfriend dahil natatakot siyang mabuntis din ako. Hindi ko po naman siya inaaway pero nahihirapan akong i-confront siya para tigilan na niya ang kasalanang kanyang ginagawa."

First indie film pala iyon ni Empress, hindi ba siya nanibago?

"Nanibago po ako, pero masarap po silang katrabaho, mabilis si Direk Buboy kaya four shooting days nga lamang at tapos na kami. I'm looking forward na nga po sa nalalapit na showing nito sa January 21."

"Sa January 20 ang premiere night namin sa SM Megamall, which is free," sabi ni Melissa. "Nagpapasalamat kami sa mga kaibigan na sumusuporta sa amin and we intend to compete in international film festivals like sa Cannes Film Festival at may kausap na rin kami para maka-join sa Chicago International Film Festival."

Tuluy-tuloy na ba ang pagpuproduce nila ng pelikula? Hindi ba sila nag-aalaala na baka hindi naman bumalik ang kanilang puhunan?

"Everything naman is a gamble, but we're hoping na magugustuhan ang aming ginawang pelikula at magtutuloy-tuloy pa rin kami sa pagpu-produce," nakangiting sagot nina Melissa at Glenda.

Ang iba pang members ng cast ay sina Ricardo Cepeda, Maria Isabel Lopez, at mga bagong young stars na sina Beejay Morales at Iya San Agustin.

Abangan ang free premiere night ng Hilot sa January 20 sa SM Megamall. Ang regular screening naman nito ay sa January 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN