"Troika" director overwhelmed by public support


Na-extend ng isang linggo ang theatrical run ng Troika na ipinalabas kasabay ng The Promise.


Masayang-masaya ang director ng Troika na si Ihman Esturco dahil kahit na ipinalabas lang ang kanyang directorial debut project sa 25 theaters ay kumita pa rin ito.

Kasabay ipinalabas ang Troika, na produced ng Daven Productions, ang The Promise ng GMA Films at Regal Entertainment starring Richard Gutierrez and Angel Locsin. Pero nagulat si Direk Ihman sa kinita ng Troika dahil ayon sa kanya ay it was more than he expected.

"Hindi nga ako makapaniwala kasi ang tinatantiya ko lang na kikitain ng Troika ay hanggang ganito lang. Pero noong bigyan ako ng figures, aba, makakabawi kami! Kaya sa first week ng Troika, kampante na kami kasi pinapasok talaga siya," masayang pahayag ni Direk Ihman.

"But of course, yung kita ng Troika cannot be compared sa kinita ng The Promise. Dapat lang naman na kumita sila ng P10 million sa first day kasi lahat ng publicity sa TV, radio, at print meron sila. Maganda ang machinery nila kaya it deserves to earn that much.

"Kami naman kasi, maliit lang na production at ang cost naman ng buong movie is not that big. Tsaka yung mga artista ko, mga baguhan sila kaya wala pa silang mga malaking talent fees.

"But I'd like to thank yung mga film critics na pumuri sa performances ng mga bida ko [Mara Altiera, Andre Soriano, and Jami Basa] kasi first film outing nila ang ang Troika. Kahit sexy ang movie, they acted very well. Ako mismo, nagulat kasi hindi ko alam na gano'n sila kainteresado sa acting," pagmamalaki pa ng theater actor-turned-director.

Extended for another week ang Troika sa mga sinehan kung saan palabas ito. Senyales nga raw ito na unti-unti nang nagbabalik ang mga ganitong klaseng pelikula since ipinagbawal ng SM Cinemas ang pagpapalabas ng mga R-rated films.

"It's about time na bumalik na ulit ang industriya sa paggawa ng sexy movies," diin ni Ihman. "Kailangan na ng konting excitement ng local movies natin. Pero hindi basta sexy movie, yung maa-appreciate naman ng maraming manonood."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tapos na ang second movie ng Daven Productions titled Signos, a suspense-thriller. Maraming artista raw na kasama rito na pumayag sa mababang talent fee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN