"Parangal" shelved; "Biyaheng Lupa" to begin grinding soon


The film Parangal, which was supposed to star Ricky Davao (in photo) and Julio Diaz, has been shelved because of logistical problems.



Hindi na muna matutuloy ang gay film na Parangal (Tribute), ang independent film ng Quantum Films (na dating kilala bilang MLR Films). Ito sana ay ididirehe ni Jeffrey Jeturian mula sa screenplay ni Armando "Bing" Lao.

Late last year, balitang plantsado na ang pre-production, nag-conduct na ng auditions for the minor cast, at nagsimula nang mag-roll ang cameras para sa Parangal.

PEP (Philippine Entertainment Portal) texted producer Atty. Joji Alonzo para sa detalye ng pagkaka-shelve ng Parangal and she replied: "Mahabang kuwento. Bottomline is nothing was going right."

Wala namang controversy o anumang kagulat-gulat sa nangyari dahil logistical problems ang naging ugat ng problema. "If I have P7 million [pesos] to blow, itutuloy ko," ani Atty. Joji Alonzo na pinuno ng kanyang sariling movie outfit (MLR Films, now Quantum Films).

Last year, the producer thought the P5 million peso-budget was all right. "We tried na tipirin [ang cost]. Kaso, very critical ang special effects. Tapos, walang makuha ni isang location na gusto namin."

Bing Lao added, "May problema din, I think, sa pagsara ng deals [with chosen major cast]. Wala ring makuhang gaganap na batang Julio [Diaz], so i-shelve na muna."

Ang pelikulang ito ay dapat katatampukan nina Ricky Davao at Julio Diaz, pati na rin si Gina Alajar. Ang mga special effects na dapat isasama ay isang anghel na may magarbong pakpak, isang nagsasalitang aso, at isang humanoid nanny.

In lieu of Parangal, Direk Jeffrey was offered another movie to direct. Malamang ay this year din ito masimulan at, inaasahan, matatapos.

* * * * *

May magandang balita naman si Bing Lao dahil pagkatapos ng ilang taon ng pagiging isang screenplay writer, magkakaroon na siya ng pagkakataon upang maging isang director.

"Magdidirek na ako!" masayang pahayag ni Bing. Last year pa naibalita sa amin ng producer na si Atty. Joji Alonzo na ang kanyang movie outfit ang magpu-produce ng directorial debut ni Bing Lao, pero wala pang material na nabanggit ang producer.

This time, from Bing himself, nalaman namin na ang script niyang Biyaheng Lupa (Soliloquy) ang titulo ng kanyang debut film.

Isa itong road movie na gagamitan ni Bing ng real-time mode ang narrative, na madalas niyang ginagawa sa mga dulang-pampelikulang isinusulat o kaya'y sinu-supervise. At nagugustuhan ng mga international film festival programmers ang mga konsepto at kuwentong pampelikulang sinusulat ni Bing.

Sa casting, mga "suki" ng indie film industry ang magbi-"biyahe" sa bagong road movie: Coco Martin, Angel Aquino, Irma Adlawan, Eugene Domingo, Susan Africa, Mercedes Cabral, Andoy Ranay, Erik Matti, Julio Diaz at Jaclyn Jose. Bukod dito, apat na baguhan ang makakabilang sa minor cast.

Bakit Soliloquy ang napili niyang subtitle? Ayon kay Bing, it's a theatrical device wherein the character is shown talking to oneself, na karaniwang nagaganap sa isang biyahe, tulad ng pampublikong bus. High concept and definitely innovative ang gagawing pelikula, but Bing is sure it wouldn't cost much. 'Indie'ng-indie' ito dahil tatlong araw lang daw ang nakalaan para sa actual shooting schedule. At very minimal ang talent fee ng mga artista na pumayag mag-trabaho para sa unang pelikula ng kaibigan nilang manunulat.

"I want a simple material for my debut film. Para hindi masyadong mamrublema ang producer," sabi rin ni Bing.

* * * * *

Nabalitaan rin ng PEP na ang Quantum Films ay magpo-produce ng pelikula ni Chris Martinez, Here Comes the Bride, na magiging co-production with Octo Arts. Ito ang tinuturing na first commercial mainstream film mula kay Atty. Joji na nakilala sa critically acclaimed independent film Kubrador. Si Direk Chris naman ay nakilala dahil sa kanyang Cinemalaya 2008 entry na 100.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN