"When I Met U" stars enjoyed taping in Coron


Will Jenny (KC Concepcion) end up with Benjie (Richard Gutierrez, in photo) or will she continue to be with her rich boyfriend played by Alfred Vargas? Find out in the movie When I Met U, which opens in cinemas nationwide starting February 11, 2009.



Nag-start lamang sa isang dream na pagtambalin sina Richard Gutierrez at KC Concepcion. Hindi naging madali iyon sa GMA Films na makipag-compromise sa kanila ang Star Cinema, lalo na at magkalabang istasyon ang GMA-7 at ABS-CBN. Nagkasundo na rin ang dalawang kampo at ang naging desisyon, mauuna ang Star Cinema at nagawa ang For The First Time kung saan nag-shooting pa sila sa island ng Santorini in Greece. Pinalabas ang movie, na siyang debut ni KC sa big screen, noong August 27, 2008.

And for their second movie (will it be their last movie together?) na part ng agreement, ang GMA Films ay nakipag-co-produce sa Regal Entertainment para sa Valentine offering na When I Met U. Hindi na sila pumunta abroad to shoot some scenes since the producers opted to shoot almost half of their movie sa Coron, Palawan.

"Hindi pa po ako nakakapunta roon, pero maraming nagsasabi na mas maganda pa ang Coron kaysa Boracay," sabi ni KC. Kaya mas ginusto namin ni Chard na doon kami mag-shooting."

"Saka dapat po nating ipagmalaki ang magagandang lugar natin dito sa Pilipinas, na mas maganda pa sa ibang lugar sa mga foreign countries na pinupuntahan ng mga turista," sabi naman ni Richard.

Pero hindi naging madali sa mga artista and production staff and crew ang paglu-location sa Coron, Palawan.

"Pero sulit po naman, nang makarating kami sa Club Paradise sa Coron, Palawan, dahil napakaganda talaga roon," kuwento pa ni Richard.

Kuwento kasi sa PEP ng ilang entertainment press na nag-cover ng shooting, mahirap pero nag-enjoy daw sila sa pagpunta sa Coron, Palawan. Ayon sa isang media person na nakasama sa location, "From the domestic airport, ang flight namin to Busuanga Airport in Palawan ay one hour. From the airport sumakay kami sa isang bus at rough roads ang dinaanan namin for forty five minutes. We took another 45 minutes sakay ng isang malaking boat papunta sa Club Paradise. Hindi maganda ang dagat nang papunta kami roon, ang lalaki ng alon at talagang ninerbyos si KC dahil parang matatabunan kami ng alon. Pero pagdating namin sa Club Paradise, para talagang paradise doon, ang ganda."

Naikuwento rin sa PEP na very accommodating ng German owner ng Club Paradise. Sa unang pakikipag-usap sa kanila ng production, ang alam nila ay 40 people lamang ang darating doon pero umabot sa 84 lahat ng mga tao at wala raw problema, they can accommodate all of them, kahit marami ring tourists na naka-billet na sa hotel. If we're not mistaken, free lahat doon, kahit ang masaganang food served sa lahat. At kahit ang mga tourists and the German family ay nag-enjoy nang mag-guest sila sa mga eksenang kinunan ni Direk Joel Lamangan, na free of charge.


Almost one week din doon nag-shooting ang cast na binubuo nina Richard Gutierrez, KC Concepcion, Alfred Vargas, Iya Villania, Cherry Pie Picache, Tirso Cruz III, Chanda Romero, Chinggoy Alonzo, Bubbles Paraiso, Paolo Paraiso, Chariz Solomon, Bearwin Meily and Mavi Lozano.

After 16 days, natapos ni Direk Joel ang romance movie na ito na may premiere night sa Tuesday, February 10, sa SM Megamall 9 & 10. We even heard na ang isang sinehan na gagamitin sa premiere night ay inilaan para sa mga bisita ng Garnier, ang whitening cream endorsed by KC. Sa Wednesday, February 11, ang Valentine presentation ng When I Met U in more than 100 theaters nationwide.


SYNOPSIS. Sa pelikulang When I Met U, si Benjie (Richard) ay isang young pilot struggling for his career. May meaningless relationship siya with his girlfriend (Iya) who uses her wealth as an excuse to manipulate his every action.

Jenny (KC), on the other hand, ay ang breadwinner para sa kanyang pamilya (na binubuo nina Cherry Pie, Tirso Cruz III and Mavi Lozano). Ginagawa ni Jenny ang lahat upang maiangat ang sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang mall promodizer. The obedient daughter that she is, wala siyang magawa sa pag-control sa kanya ng mayamang boyfriend (Alfred) dahil naniniwala dito ang parents niya na siya ang makapag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Sa isang beses na lumipad si Richard to deliver goods sa Palawan, sumabay sa kanya si Jenny na a-attend naman ng wedding ng best friend niya (Bubbles). Subalit, nagkaroon ng aberya ang eroplano sinakyan nila at bumagsak sila sa isang island. Dahil sila na lamang dalawa, nagkakilala sila at doon nabago ang kanilang buhay. Is love about what is right or what is real?

May nagtanong kung happy ending ba ang movie, bakit daw may eksenang nakasuot ng wedding gown si KC, pero umiiyak siya. Kanino daw siya ikakasal, kay Alfred o kay Richard? Ano ang twist ng story?

Last Thursday evening, January 29, may nakapanood na ng buong movie, kasama ni direk Joel, sa final editing sa Roadrunner at balita niya sa PEP, tiyak daw na magugustuhan ng mga fans at ng mga manonood ang movie, maganda ito at talagang kikiligin lalo na ang mga fans, kina Richard at KC.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Trailer courtesy of GMA Films and Regal Entertainment


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN