Angel Aquino and Shamaine Buencamino join cast of Biyaheng Lupa


Angel Aquino (left) and Shamaine Buencamino are some of the cast members of Armando "Bing" Lao's directorial debut titled Biyaheng-Lupa.



Nakatakdang simulan at tapusin ang principal photography ng Biyaheng-Lupa, debut film as director ng award-winning screenwriter na si Armando "Bing" Lao, sa mga petsang Pebrero 10 at 12, 2009 at sa alinmang mga araw ng susunod na linggo (para sa remnants o mga mumunting eksenang babalikan). Ito'y produksiyon ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.

Strictly, dalawa hanggang tatlong araw lang ang nakalaan para sa actual shooting ng bagong indie-digital movie.

Interesante para sa mga tagasubaybay ng Pinoy independent cinema ang kaganapang ito, dahil isa sa mga nirerespetong indie practitioner si Bing Lao.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bing Lao kamakailan, sinabi nitong going smooth ang lahat tungkol sa pagbuo ng una niyang pelikula. Isang road movie na kukunan sa mga daang patungo sa Southern Philippines (Quezon and Bicol provinces).

Nag-biyahe muna si Bing (with production designer, Jay Lozada) para sa ilang location check. "Finished na ang recording ng voice overs (VO)," ani Bing. Naganap ito noong Pebrero 1 and 2, sa studio ni Direk Brillante Mendoza sa Mandaluyong City.

"Sa cast, out na sina Cherry Pie [Pichache] at Irma [Adlawan], in si Shamaine Buencamino," pagbanggit pa ni Bing.

Sina Cherry Pie at Irma ay kabilang sa original cast, dahil mga personal na kakilala ni Bing Lao ang mga aktres na ito.

"Wala namang problema, hindi lang mag-fit in ang schedule ni Pie," sabi pa ni Bing. Mayroong teleserye si Cherry Pie sa Channel 2 [Tayong Dalawa], at tuluy-tuloy ang pagte-taping niya, dahil isa siya sa mga bidang tauhan ng nasabing teleserye.

As for Irma Adlawan, "Nagpa-abiso siya (noong araw din ng supposed v-o recording), hindi na siya puwede, dahil may gagawin siyang pelikula sa Star Cinema [na ayaw pa munang ipabanggit]."

Nanghihinayang man sa hindi pagkakatuloy ng dalawang award-winning actresses ay walang magagawa si Bing. "Move on na lang dapat. Mayroon namang replacements," sabi pa niya.

* * * * *

Enter Shamaine Buencamino. Hindi man siya kasali sa original casting, si Shamaine ang naisip ni Bing Lao para sa papel na unang napunta kay Irma Adlawan.

"Gusto ko yung facial features niya," sabi ni Bing about Shamaine. "Makikita mo 'yung pain na parang nakaguhit sa mukha niya; she's has matured, pero maganda pa rin. Bagay sa character niya sa film."

Nang unang mag-back out si Cherry Pie, nagkaroon ng puwang sa cast para kay Jacklyn Jose, although she's portraying a different role, bilang isang dating magandang dilag na naging losyang. Ang papel ni Cherry Pie ay napunta kay Angel Aquino, at ang kay Angel, napunta kay Irma. Nang mag-back out si Irma, pumuwede na si Shamaine at natupad ang casting na nasa isip din ni Bing Lao sa simula pa lang,"

Tila everything is falling into place, at natutuwa si Bing sa pangyayari. Sa umpisa ng voice-over recording, unang-unang nag-report para sa kanyang mga linya ang isa pang aktres na kilala sa pagiging mahusay at propesyunal - si Susan Africa. Gagampanan nito ang isang babaeng magbi-biyahe upang um-attend sa burol ng isang kamag-anak at ma-drama ang mga tagpong sangkot siya. Mayroon pang mga paru-paro for effect!

"Nang mag-recording si Susan Africa, naisip ko, maganda ang tinutungo ng project; nagkaroon agad ako ng confidence nang marinig ko siyang mag-record, lalo na nang umiyak siya. Nakakatuwa! Ang ganda!"

Ang iba pa sa cast, ganun din kahusay sa panimulang trabaho at ka-propesyunal sa ipinatawag na gawain. Lahat on time, lahat hindi nagpahintay sa nagsisimulang magdirek ng pelikula. Dumating at tinapos nila, on time, ang kanilang voice-over recordings: sina Coco Martin, Jacklyn Jose, Julio Diaz, Angel Aquino, Mercedes Cabral, Andoy Ranay, directors Erik Matti at Emman dela Cruz, Jess Evardone, Shamaine Buencamino, at iba pa (kabilang ang mga taga-production na sina Ching Danseco at Girlie Quitain).

Maging ang character actress-host na si Angel Jacob ay kabilang sa project, hindi bilang artistang haharap sa kamera kundi boses na maririnig, bilang daughter ng isa sa mga pangunahing tauhan. Tubong Bicol si Angel Jacob kaya akma siyang mag-deliver ng mga linya niya na Bicolano.

Si Alan Paule, mayroon ding role, bilang kunduktor ng bus; siya rin ay may dialogue sa pelikula (with minimal voice-over).

* * * * *

Isa pang nakakatuwang pangyayari sa recording ay ang pagkanta ng lahat ng awiting "Kahit Isang Saglit" na komposisyon ni Louie Ocampo.

Normal na magtsa-charge ang kompositor at kumpanyang nagmamay-ari ng kanta, kung gagamitin sa pelikula. Pero pumayag si Louie na gamitin ang kanta for free.

"Sabi ni Louie Ocampo...ah, ganyan pala ang gagawin' kaya pumayag agad siya, hindi siya naningil. O, 'di ba? Malaking bagay 'yon."

Not to mention na ang lahat o karamihan sa mga nai-cast sa project ay pumayag with minimal talent fees.

"Presyong kaibigan, tipong pang-gasolina lang, ganun; take it or leave it ako," sabi ni Bing. Gusto man niyang mayroong "name stars" sa cast, kung hindi naman pupuwede, may advantage din dahil tataas ang level of authenticity ng project; with non-stars but good actors, mas totoo ang dating ng mga eksena, paniwala ni Bing. But with his "name stars" na mahuhusay pang umarte, what more can he ask for?

Gusto niyang tulungan din ang producer niya, para sa una niyang pagdidirek, at malaking bagay kung makakatipid sa cost of production, through talent fees.

Para naman sa mga artistang naniniwala sa kakayahan ng scriptwriter-turned-film director, walang dapat pag-usapan pagdating sa talent fee kung may assurance na maipagmamalaki ang gagawing pelikula.

Kaya ngayon, handang-handa na ang lahat para sa exciting na "biyaheng-lupa" ng mga tuwa at siphayo.

At hindi pa man nagsisimula't nabubuo ang unang pelikula, we asked Bing Lao of the possibility of a second film--ano naman kayang konsepto ang naglalaro sa isipan niya?

"Yes! why not?" sabi niya. Hindi pa nga lang siya handang mag-reveal ng kung anuman sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN