Lovi Poe shocked at X-rating of her movie Walang Hanggang Paalam


"Sinabi nga ng manager ko na ang objectionable daw, pinalalabas ng movie namin na okey lang ang incest. I don't think ganoon ang pagkakaintindi ko roon. Pero, sana, mai-defend na mabuti ang stand ng movie. Hindi naman sa umiyak ako, pero I'm a bit affected. Marami na kasi ang nagtatanong sa akin, anu-ano raw ba ang ginawa ko sa movie at na-X. Baka raw nagpa-sexy na rin ako," reacts Lovi Poe regarding the X-rating of her indie film Walang Hanggang Paalam&l



Kumalat ang chikang iniyakan daw ni Lovi Poe ang pagkakakuha ng X rating mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng pelikulang tinampukan niya, ang Walang Hanggang Paalam. Isang naiibang Lovi ang mapapanood diumano sa pelikula, pero nagulat din ang young actress sa di inaasahang verdict ng MTRCB.

"Sinabi nga ng manager ko [Leo Dominguez] na ang objectionable daw, pinalalabas ng movie namin na okey lang ang incest," pagdidipensa ni Lovi sa pelikula nila nang usisain siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng kontrobersya sa dalawang magkasunod na X-ratings na naibigay rito.

"I don't think ganoon ang pagkakaintindi ko roon. Pero, sana, mai-defend na mabuti ang stand ng movie. Hindi naman sa umiyak ako, pero I'm a bit affected. Marami na kasi ang nagtatanong sa akin, anu-ano raw ba ang ginawa ko sa movie at na-X. Baka raw nagpa-sexy na rin ako," napapailing na sabi ng dalaga.

Inaamin ni Lovi na medyo mature na para sa kanya ang role, pati na ang theme ng indie film kung saan kasama niya si Jacky Woo, na gumaganap na ama niya at nagkaroon nga sila ng incestuous affair sa istorya.

"Yun lang ang pagkakaintindi ko sa istorya," sabi pa ni Lovi. "I fell in love with the story. Pinag-aralan kong mabuti. Wala naman akong gagawin na alam kong pagsisisihan ko, and I didn't go bold. Hindi 'yan ang path na gusto kong puntahan sa pag-aartista ko.

"Alam ko ang reputasyon ng mga direktor ng movie [Paolo Villaluna and Ellen Ramos], talagang nirerespeto ang mga trabaho nila sa indie cinema. Kaya I got so shocked na ganito ang nangyari.

"Nakakahawa ang pagiging passionate nina Direk Paolo at Ellen, at saka gumawa sila ng paraan for me to get really into the character.

"It's a change na gusto ko, pero hindi naman yung dahil bold na at nagpapakita na ako ng flesh. I'm not saying na mali yun, pero malinaw sa akin kung bakit ko tinanggap ang movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm the kind of an artista naman who wants to be different, and I want to be taken seriously. Ayoko namang maging pa-tweetums forever, o sweet roles ang naibibigay sa akin.

"Sa TV, naka-portray na ako ng sweet, may times na nagkontrabida ako, and it's just okay with me. I'm a bit mature in Walang Hanggang Paalam. I'm happy doing these things, pero talagang hindi ko ini-expect, magiging X-rated ang pelikula," sabi pa ni Lovi.

Wala namang magagawa si Lovi kung hindi maghintay na lang sa resulta ng pag-apela ng producers ng pelikula para ito'y tuluyang mapanood ng publiko.

"I want to grow as an actress. I guess, nangyari ito, kasi gusto ng pelikula na maging different talaga. Change is good. Binabagayan lang talaga. Like yung change ko rito, bagay pa rin sa akin at hindi basta pinilit na lang.

"Hopefully, maayos ang problemang ito. I believe, maipalalabas din ang movie. Let's just hope for the best," sabi pa niya.

Maski bilang si Athena sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, kahit paano, may kakaiba sa character na ginagampanan ng young actress.

"I want to grow with my roles. Nakikita naman 'yan ng GMA-7, kaya optimistic ako, maipupuwesto nila ako sa lugar na gusto kong mapuntahan sa pag-aartista ko," pagwawakas ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN