Jao Mapa to star in indie film "Xerox Copy"


Jao Mapa shows his versatility by playing a grandmother, mother, daughter and son in the indie film Xerox Copy.


Gustong patunayan ni Jao Mapa na isa siyang versatile na aktor kaya't tinanggap niya ang iba't ibang roles sa indie film na Xerox Copy. Ang naturang pelikula na kasalukuyang ginagawa ni Direk Deo Fajardo Jr. para sa Colours Films International ay tinatampukan din nina Nancy Castiglione, at Michael Rivero. Ang magiging kapareha ni Jao sa naturang pelikula ay si William Redmond na game na game na makipaghalikan sa dating matinee idol sa isang maselan at mahalagang eksena.

Bukod pa sa pakikipaghalikan sa kapwa lalaki, gaganap din dito si Jao bilang isang lola, ina, anak na babae, at anak na lalaki.

Isa sa mga katauhan dito ng aktor ay isang bakla at ayon kay Direk Deo at sa line producer nitong si Ms. Cherry Domingo, nakatakda nilang isali ang Xerox Copy sa Gay & Lesbian World Digital Festival.

"This will make me a better actor kaya tinanggap ko itong project. I'm open to a lot and different challenges right now to hone my craft," sabi ni Jao sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang bisitahin namin siya sa shooting ng Xerox Copy sa Zambales

last Saturday (February 24).

Si William na siyang pinakabagong discovery ni Direk Deo ay tubong Olongapo. Mukha siyang lalaking version ni Shirley Fuentes, kaya't tiyak na marami ang maku-curious sa lips to lips ng dalawang aktor.

Ani Jao: "I've just turned 30 last December 2006, and I've seen other actors like Ricky Davao, Dennis Trillo, Albert Martinez and others doing this [kissing with the same sex]. Kaya sabi ko, I wanna be like them. Okey lang na makipaghalikan ako sa kapwa ko lalaki dahil isa akong aktor. Ito ang hinihingi ng ginagampanan kong papel, kaya nararapat lamang na gawin ko ito.

"Isa pa, itong pakikipaghalikan ko sa kapwa lalaki ay hindi naman basta-basta lang inilagay, kailangan talaga sa script. And kilala ko naman ang kahalikan ko rito, I know his background, si William na discover ni Direk Deo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After nga ng kissing scene nina Jao at William, nagpalakpakan ang mga crew and staff pati na ang mga nanonood sa shooting dahil sa husay at bigay-todong performance ng dalawa.

Iginiit pa ni Jao na nagsasawa na rin siya sa role na puro pa-sweet na ginagawa niya before, mapa-TV man o pelikula, kaya mas lalo siyang na-challenge sa naturang project. "This is a new job for me, and this is a good comeback for me. Matured na tayo kaya kailangan naman ay matured na rin ang mga pelikulang ginagawa natin."

Dagdag pa niya, "Nagbalik showbiz ako June or July last year lang. First time na gaganap ako bilang bading, although before ay nakaganap na rin ako, kaya lang closet ‘yon. Unlike here na talagang nagdamit babae pa ako at mahaba ang hair ko.

"For me, isang karangalan to work with Direk Deo. Challenging itong role at first time na may kissing scene ako with the same sex."

Since magcome-back si Jao sa showbiz, ilang pelikula na ang kanyang nagawa. Kasama siya sa Super Noypi nina Mark Herras, Katrina Halili, Jennylyn Mercado at iba pa; You Are The One topbilled by Toni Gonzaga and Sam Milby; at isa pang indie film by Ed Palmos opposite Heart Evangelista.

Malaki rin ang pasasalamat niya kay Direk Deo dahil siya ang napili nito para gumanap sa Xerox Copy dahil marami siyang natutunan sa paggawa ng pelikulang ito. Sinabi rin ni Jao na noong una'y hindi niya alam na ang director ng susunod niyang pelikula ay si Direk Deo pala at ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan nang malaman niya ito.

"Hindi ko alam na si Dikong [ang tawag niya kay Direk Deo] pala yung tinutukoy nilang director namin, kaya naman nang malaman ko'y napa-wow ako, kasi bigating director ‘yan, ‘di ba?

"This whole project, parang acting workshop e, with a good teacher and a good director."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN