Direk Maryo J. delos Reyes excited about "Bagets" reunion movie


Director Maryo J. delos Reyes looks forward to directing the reunion movie of Bagets, the 1984 youth-oriented film that launched the career of Aga Muhlach.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang premyadong direktor na si Maryo J. delos Reyes sa isinagawang launch ng Bagets Foundation noong February 28. Si Direk Maryo ang naging direktor ng Bagets at ng sequel nito na nagtampok kina Aga Muhlach, William Martinez, Herbert Bautista, Raymond Lauchengco, Eula Valdes, Yayo Aguila, Jobelle Salvador, Francis Magalona, Ramon Christopher, Cheska Iñigo, among others. Ang mga nabanggit na mga artista ang bumubuo ng Bagets Foundation.



For almost two years ay tila namahinga ang award-winning director sa pagdidirek ng movies after Magnifico (2003), Naglalayag (2004), and Happily Ever After (2005). Ang Magnifico ang nagbigay ng grand slam best director award para kay Direk Maryo noong 2004.



After two years, Direk Maryo is now back in film directing via a movie for Star Cinema starring Maricel Soriano, Angelica Panganiban, and Aga Muhlach. Kinumusta ng PEP si Direk Maryo ang tungkol sa pagshoot ng bagong movie niya.



"Nakaka-two weeks na kami and, so far, okay naman lahat. Walang problema at ang saya, tawanan kami nang tawanan sa set. Maganda rin ang chemistry nung tatlo [Maricel, Aga, and Angelica]. Anyway, sina Maricel at Angelica naman, nagkasama na before sa movies at sa soap opera nila na Vietnam Rose," sabi ni Direk.



Sa loob ng mga panahong hindi siya gumawa ng movies, nag-concentrate naman siya sa paggawa ng mga TV shows, particularly na ang soap opera gaya ng Mga Anghel Na Walang Langit sa ABS-CBN and another one from GMA-7. Pero kung si Direk Maryo raw ang tatanungin, mas happy pa rin siya doing films more than television shows.



"Mas kontrolado mo kasi," rason niya. "Sa TV, masyadong matindi ang pressure. Merong instances na nasa out-of-town ako, kinailangan kong bumalik ng Manila ng araw na yun para mag-taping dahil, kinagabihan, ie-ere na! Nakaka-pressure din ang ratings. Kumbaga, tumambling na ko't lahat, hindi pa rin nag-rate!" natatawa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung meron mang isang movie na hinihintay na sana ay masimulan na ngang gawin at idirek ni Direk Maryo, yun ay ang reunion ng Bagets na siyang nag-launch sa career ng ilan sa pinakamagaling na artista natin ngayon.



"Hindi pa rin siguro magagawa this year," sabi ni Direk Maryo. "Nine-negotiate pa ang lahat. Although may mga napag-uusapan na regarding the script, nakakapag-brainstorming na rin kami. Pero siyempre, kailangan pa ring plantsahin lahat.



"Okey na rin kay Boss Vic [del Rosario, Viva Films' head honcho]. Basta ang usapan lang at malinaw na usapan ay ang 10 percent of the income should go to the Bagets Foundation. It's high time naman that they pay forward."



"At saka, ang mga Bagets cast naman, halos lahat sila ay magaganda ang nangyayari sa kanila. Personal, siyempre may mga crisis sa buhay, pero sino ba naman ang wala, di ba?" aniya pa.

Pinabulaanan din ni Direk Maryo ang balita na si Aga ang dahilan kaya hindi pa matuloy-tuloy ang paggawa ng reunion movie ng Bagets.



"No!" pagtanggi niya. "Aga is very supportive of the project. He's very particular lang about the role and what will be his participation. Sabi nga niya, basta siya, nandiyan lang palagi at nami-miss na raw niya yung grupo. Basta ayaw niya lang daw yung meeting nang meeting. At saka, nakakausap ko si Aga sa set. Sinasabi ko nga sa kanya, dapat waived na ang talent fee niya. Sagot naman niya, ‘no problem.'

"Isa pang cast ng Bagets ang wala dito na inaayos din para makasama, si JC Bonnin. Pero nakontak na namin, ka-email niya si Cheska Iñigo. Okay na si JC, uuwi siya basta sabihin lang ang particular shooting days niya," paglalahad pa rin ni Direk Maryo regarding the development of Bagets reunion movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN