Local government officials file TRO against film producers of "Siquijor"


(L-R) Angel Aquino, Yul Servo, and Assunta de Rossi explore the mysteries of Siquijor.


Marami ang nagtatanong kung bakit hindi maipalabas ang pelikulang Siquijor ng CenterStage Productions na noong April 2006 pa natapos ang principal photography?

Hindi natuloy ang dapat na showing nito noong June at August 2006 dahil nagkaroon ng problema raw sa mga ilang eksenang masyadong madidilim. Gumastos pa raw ang producers para maayos ang problema sa print.

Pero ang naging major problem ng pelikula ay noong sampahan ito ng TRO (temporary restraining order) ng mga officials ng Siquijor dahil pinakita raw sa naturang pelikula ay ang mga negative stories tulad ng witchcraft na siyang unang impression ng marami sa isla ng Siquijor.

Gusto ng mga officials, particular na si Governor Orlando B. Fua, Sr. na maalis ang hindi magandang tingin na ito sa Siquijor at i-promote ang kagandahan ng kanilang isla. Sa pag-file nga ng TRO ay kasama ang pagpapapalit ng title ng pelikulang Siquijor. Ayaw raw nilang ipagamit ang pangalan ng isla para hindi na ito mabahiran pa ng negative image.

Isang malaking problema ito sa producers dahil malaking gastos na naman ito on their part dahil sa totoo lang, ay wala pang kinikita ang ito dahil sa sobrang delay na sa pagpapalabas nito. Hopefully ay matuloy na raw ang showing ng Siquijor sa March 14.

Isang documentary-within-a-film na mala-Blair Witch Project ang Siquijor. Tungkol ito sa isang grupo ng mga production people ng isang TV show titled Hilakbot na pumunta sa "mystic island" upang kunan ang mga kababalaghan na nangyayari dito. Isa-isa silang naging biktima ng kababalaghan ng Siquijor.

Kasama sa cast ng Siquijor sina Angel Aquino, Ian Veneracion, Assunta de Rossi, Sid Lucero, Yul Servo, at Coco Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN