Andoy Ranay resigns from ABS-CBN, chooses to work on indie films

by William R. Reyes
Apr 8, 2009
Andoy Ranay, the former director of ABS-CBN's Ligaw na Bulaklak, will be part of three Cinemalaya films this year: Kolorum, 24K, and Last Supper #3.


Matagal nang nakilala ang pangalang Andoy Ranay, bilang direktor ng mga palabas sa ABS-CBN. Pero mayroon din siyang nabuong following, bilang character actor sa mga independent o "indie" movies, na kadalasa'y gay-themed.

Bilang direktor, mahigit nang isang dekada ang itinagal ni Andoy Ranay sa Channel 2, at patunay ito na nag-eenjoy siya sa gawain at may kaukulang pagpupursigi upang pagtiwalaan ng mga nakatataas na pamamahala sa istasyon.

"I've actually resigned from ABS-CBN as TV director," nakakabiglang pagbabalita nga ni Andoy Ranay nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan. Effective March 31 ang kanyang resignation, pero hindi na siya nagta-trabaho bilang direktor bago pa man natapos ang Marso.

At hindi agad kami makapaniwala. Sa kanya rin namin nalaman na fourteen (14) years na siyang naglilingkod sa istasyon, bilang direktor ng iba't ibang palabas, karamiha'y drama-love stories, teleseryes, atbp. na kinagiliwang panoorin ng maraming Kapamilya viewers. Sa katunayan, ang huli niyang dinerehe para sa ABS-CBN ay ang afternoon soap na Ligaw na Bulaklak (2008).

* * *
ROOM FOR GROWTH. Para sa iba, kahina-hinayang ang ginawa ng direktor, lalo't progresibo ang tinutungo ng kanyang directorial career.

Pero iba ang nasa isip ni Direk Andoy kaya siya nag-resign. Gusto niya ng growth, o panibagong direksiyon ng career sa showbiz.

"I want to spread my wings," eksaktong pananalita ni Direk Andoy. "I love directing, but it has reached a point na, tulad sa iba, parang wala nang challenge ang ginagawa ko. Pare-pareho kasi, confined ka sa de-kahong formula, so there's actually very little room for growth. Ang mangyayari, kung magpapatuloy sa ganitong takbo ang profession, mabubulok ka!"

Matinding pananalita (batu-bato sa langit, ang tamaa'y huwag magagalit) na siyang totoong damdamin ni Direk Andoy.


* * *

DIRECTOR-TURNED-ACTOR. Most likely, sa pag-arte (sa TV at pelikula, o teatro) ay may satisfaction ang kilalang direktor.

"Masaya ako, pagka-resign na pagka-resign ko, tatlong assignment agad na indie films ang dumating. O, 'di ba? Ang bilis!" natatawang banggit pa niya.

Kasali si Andoy Ranay sa tatlong Cinemalaya 2009 entries: Kolorum, 24K, at Last Supper #3. Bukod pa ito sa naumpisahan niyang pelikulang digital noong Pebrero, ang Biyaheng Lupa, directorial debut ni Armando "Bing" Lao.

Major support ang ginagampanang papel ni Andoy sa apat na pelikulang nabanggit. Tulad ng ibang indie actors, wala ring hang-ups na anuman ang masayahing actor-director pagdating sa papel na ginagampanan.

Puwede siyang bida, tulad sa Duda (Doubt) na isa sa mga naunang gay-themed indie films mula kay direktor Cris Pablo, o kaya'y suporta o kahit special participation lang (pero markadao rin) tulad ng pelikula ni Direk Jeffrey Jeturian, ang Bikini Open.

Kaya malaki rin ang pasasalamat ni Andoy sa direktor na unang nagbigay ng break sa kanya sa nasabing digital indie.

"May impact kasi ang paglabas ko run. Mas nakilala nga akong artista kesa TV director dahil sa Duda," natatawang pagbanggit pa niya.

Hindi niya inisip noon na darating ang araw na kailangan niyang mamili between being a direktor and actor for indie movies.

"Ganun lang siguro talaga ang buhay. Eventually, you reach a certain point wherein you have to decide, and when you do there's no turning back... kailangan lang, pangatawanan mo ang desisyon mo, at maging masaya ka. On my part, it wasn't an easy decision; I've weighed the pros and cons and came up with it after much thinking, dahil alam ko, once I decided on something, that's it, it's final, wala nang panghihinayang or something. At 'eto na nga ako!"

* * *

INVESTMENTS. Nabanggit ni Direk Andoy na may businesses siyang pinagkakaabalahan ngayong hindi na siya nagtatrabaho sa Kapamilya Network.

"I already have investments," pagtukoy naman ni Andoy. Napaghandaan na nga ng direktor ang panahong darating, kaya wala siyang masyadong pinanghihinayangan sa naging desisyon.

Kabilang sa investment na ito'y ang bahagi (share) o sosyo ni Direk Andoy sa Photokitchen, Inc. na namamahala ng Taumbayan Restaurant (in Kamuning, Quezon City); at iba pang properties na nasa pangalan niya.

"So, gagawin ko ngayon ang trabahong totoong makakapagpasaya, at magbibigay ng fulfillment sa akin," sabi pa niya. "Hindi ako masasakal, hindi ako malilimitahan sa creative expression, na gustong mangyari ng sinumang artist."

Masuwerte ang tulad ni Andoy Ranay dahil dumating sa buhay niya ang tamang panahon ng pagde-desisyon na hindi na kailangan ng maraming pagsasaalang-alang at todo-sakripisyo.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Andoy Ranay, indie
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andoy Ranay, the former director of ABS-CBN's Ligaw na Bulaklak, will be part of three Cinemalaya films this year: Kolorum, 24K, and Last Supper #3.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results