BFF (Best Friends Forever) will premiere on May 13


The premiere night of BFF (Best Friends Forever) starring Ai-Ai delas Alas (left) and Sharon Cuneta (right) will take place at SM Megamall Cinema 10 on May 12.



Dream come true para kina Megastar Sharon Cuneta at Comedy Queen Ai-Ai delas Alas ang una nilang pagsasama sa pelikulang BFF (Best Friends Forever). Ito ay directed ni Wenn Deramas at Mother's Day presentation and 16th anniversary offering ng Star Cinema.

"Actually, noong sabihin sa akin nina Tita Malou [Santos] na si Ai-Ai ang makakasama ko, nagtatalon talaga ako. Lalo pa akong natuwa noong malaman ko rin na si Direk Wenn ang direktor namin. Sobra akong nag-enjoy sa paggawa ng movie namin ni Ai-Ai. Promise po ang dami kong ginawa rito na hindi ko ginagawa sa ibang pelikula ko. Sobra akong enjoy. To work with Ai-Ai is really a dream come true. Napakasayang pelikula po nito," bulalas ni Sharon.

Sabi naman ni Ai-Ai, "Ako siyempre dati ko pang sinasabi na I'm honored na kasama ko ang nag-iisang Megastar sa pelikula. Kasi siyempre noong araw, noong '80s pinapanood ko na siya at isa siya sa talagang nagagalingan akong actress natin. It's an honor na nakilala ko siya ng personal. Sabi ko nga, iba talaga ang Megastar, yung ugali, yung pagkatao. Grabe, ang bait niya kaya pala she's so blessed."

Ang BFF ay tungkol sa kuwento ng dalawang mag-bestfriend na mag-aagawan sa iisang lalaki, na ginagampanan ni John Estrada. Dalawang magkaibang babae ang ginagampanan nina Sharon at Ai-Ai, pero sa kabila ng pagkakaibang ito, magkakaroon sila ng bonding na pang-forever talaga. Si Sharon ay isang housewife samantalang si Ai-Ai ay isang gym instructor na tutulong sa maybahay ni John na pumayat.

Ano ba ang na-discover nina Sharon at Ai-Ai sa isa't isa habang ginagawa ang movie na ito?

"Ang dami pala naming pareho sa pag-iisip," ani Sharon.

"At saka, I feel I gained two friends sa movie na ito [Ai-Ai at Direk Wenn]. Yung tunay, hindi yung friends na basta magkita kayo, yun lang, kundi yung talagang you'll keep in touch."

Ayon naman kay Ai-Ai, "Ang na-discover ko kay Mega, sobra siyang mahilig magbasa ng books. Ang dami-rami niyang libro. Sobra-sobra rin niyang ang daming bumili ng libro. At saka DVDs, ang hilig din niya sa mga DVD. At saka mahilig siyang tumawa at magkuwento. Siyempre, napaka-good hearted niyang talaga. Napakabait niyang tao. Mabait ang puso niya."


OVER ACTING? Samantala very excited naman si Direk Wenn sa BFF dahil bukod nga sa dalawang bigating bida na sina Sharon at Ai-Ai, na parehong box-office queens, bagong elemento raw ng comedy ang ipakikita nila sa movie na ito.

"Nung kino-conceptualize kasi ito, sabi ko, anong klaseng comedy ang gusto n'yo? Sabi, realistic daw dahil si Sharon ito. Tapos sumunod, sabing ganyan dapat si Ai-Ai, Tanging Ina comedy pa rin. Okay, Tanging Ina is cartoons, anong klaseng cartoons level tayo ngayon? So, hinihimay namin. O ngayon walang bawian ha, sabi ko.

"Ngayon nung habang nagsu-shoot na, sabi nila, 'Wenn kailangan pa rin namin ng cartoon [touch] mo.' So, nag-i-inject ako. Pero naman siya isang buong pelikulang ganun. Seryoso ito e. Kung titignan mo yung istorya nito, seryoso ito. Tungkol ito sa isang babae na malaki, na napapabayaan ng asawa na may kabit. Ang kabit si Ai-Ai, si Ai-Ai kasi yung funny [person], the sexy, magaling sa sex. So, nagsimula si Mega na mag-workout. Yung kanyang instructor is si Ai-Ai, not knowing na yun ang kabit ng asawa niya. Naging mag-best friend na sila nung malaman ni Sharon yun.

"Grabe yung laitan nilang dalawa rito. Yung pinapakita sa trailer, wala pa yun, grabe talaga, pero matutuwa kayo. Kaya nga nung binigay sa kanilang dalawa yung script, ayaw ni Ai-Ai. Sabi ni Ai-Ai, ‘Direk OA (over acting) na ito.' Sabi ko, alam ni Mega yan. Tapos sabi ko, sige harapan tayo, parang ayaw niyang maniwala na okay kay Mega, e. Sabi ni Mega, ‘Mas maiinsulto naman ako pag tinawag mo akong payat.' Basta yun ang maganda sa kanya, napakinabangan niya yung... sabi nga niya, ‘Naging pera pa yung taba ko, kasi may pelikula,'" mahabang lahad ni Direk Wenn.

Bukod kina Sharon, Ai-Ai at John, kasama rin sa cast ng BFF sina Chokoleit, Joy Viado, Empress Shuck, Enchong Dee, Miles Ocampo, DJ Durano at Gina Pareño.

Mapapanood na sa mahigit 100 sinehan ang BFF (Best Friends Forever) simula May 13. May premiere night ito sa SM Megamall Cinema 10 sa May 12. May mga international screenings din ito sa buong buwan ng Mayo na aabot hanggang Hunyo.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN