Joross Gamboa shoots A Far Away Life in Bohol


Joross Gamboa (shown above with leading lady, Fil-German Georgia Jauflin) has just finished taping his indie film titled A Far Away Life. He will also star in an upcoming TV5 show titled My So Called College Life.



Young actor Joross Gamboa was at Bohol, particularly in Panglao Island, before and during Holy Week season for the shooting of his independently produced film titled A Far Away Life.

The is the debut film of American filmmaker Tim Fitzharris. But other than filmmaking, Fitzharris is a known landscape photographer abroad whose works have been published in different publications like Life, among others.

Ayon kay Joross, ang pelikulang ginawa at pinagbibidahan ang isa raw siguro sa maituturing na niyang memorable film for him.

"Habang sinu-shoot ko kasi yung movie, parang naramdaman ko yung totoong far away life," natatawa niyang sabi.

"Na-enjoy ko yung Bohol, I've been there for two weeks na diretso talaga. Pero enjoy dahil nakapunta rin ako sa iba't-ibang lugar sa Bohol."

Iba rin daw ang na-experience niyang paraan ng pagta-trabaho rito.

"Okay naman kasi yung director. He's an American and he is into arts talaga. Matagal na yata niyang plano na gumawa ng movie. At maganda rin sa kanya, he's very open sa mga suggestions. Ang difference rin sa shoot namin, yung rest. May mga eksena kami minsan na dalawa lang ang nakukuhanan namin sa isang araw.

"It became work and at the same time, vacation for me. American style sila. Kung gaano ka-importante sa kanila na yung cast, well rested bago isalang. Siyempre on my part, nasanay ako na lagare. So, masarap din pala."

Ang A Far Away Life raw ay halos base na rin sa totoong kuwento ng kanilang director who has a Filipina wife.

"Istorya siya ng babae na mamimili kung aalis siya sa bansa para makapiling yung American for the sake of her family or she will stay dahil nandito sa bansa yung mahal niyang talaga.

"Ang alam ko, pina-plano nilang dalawang ending ang gagawin. If ever, one to be shown here, yung isa naman, abroad. So, abangan na lang siguro kung ano ang gagawin. Ako kasi, tapos sa shoot, pero alam ko, may ilan pang gagawin and of course, yung post prod."

Kuwento rin ni Joross, may special apperance rin sa movie ang actor na si Cesar Montano bilang doctor. Yun nga lang, hindi raw sila nagkita at nagkasama sa buong stay niya sa Bohol.

"Yung mga cast sa movie, mga locals ng Bohol. Yung iba, principal, teacher, actors, actress dun. Bale yung leading lady ko is a Fil-Am-German actress."

Nakatakda raw ipalabas sa Amerika ang movie at hindi pa sure kung mairi-release sa bansa. Kung sakali at makakahabol, baka una raw itong mapanood sa Bohol Film Festival sa darating na July.

Ang A Far Away Life ang dahilan kung bakit hindi nakasama si Joross sa cast ng Bud Brothers na pinapalabas na ngayon sa ABS-CBN. Pero wala raw siyang magagawa dahil nagkatapat talaga ang taping at shooting naman ng movie.

Ani Joross, "Okay lang. Sa akin kasi, kung para sa akin, para sa akin talaga. Yun nga lang, parang ang dating tuloy minsan, baka akala mapera ako, kasi, parang ang dating, wala akong pakialam. Hindi naman ganoon. Hindi lang ako sanay din na ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa isang project. Naniniwala kasi ako na kung para sa akin, para sa akin talaga.

"And hopefully, since marami pa naman yatang series na susunod, sana makasama pa rin ako sa iba pang projects," sabi na lang niya.


TV5 SHOW. Happy naman daw siya dahil yung Five Oranges na show niya sa TV5 ay matutuloy na rin. Tila maiiba nga lang daw ang title nito into My So Called College Life.

Pagdating sa kanyang love life, obviously ay sobrang open na nga si Joross dito dahil madalas na nakikitang kasama niya ang non-showbiz model girlfriend. Aniya, he's enjoying, satisfied and happy raw siya sa present state ng love life niya.

"Medyo magulo kasi kami noong simula, in the sense na hindi siya masyadong defined kung anong date, ilang months na ba. Basta, we just both knew na okey kami, enjoy kami."

Ang maganda raw sa kanilang dalawa, they both respect each other's work. May individual life rin daw sila.

"Yung personality niya, she's okay. May substance siya. Matalino. Kumbaga, nandoon talaga na makikita mo kung paano niya dalhin ‘yung sarili niya."

Aminado naman si Joross na for the longest time rin, wala siyang masaasabing karelasyon or girlfriend.

"Na-enjoy ko yung stage na ‘yun. Ngayong may dumating at okay naman, pareho kaming nag-e-enjoy with what we have, masaya kasi, inspirasyon na rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN