Kris Bernal and Aljur Abrenica will topbill Regal film Nandito Ako


Kris Bernal and Aljur Abrenica will be paired together in the upcoming Regal Entertainment film titled Nandito Ako. It will be directed by Maryo J. delos Reyes, the same director of their phenomenal TV series Dapat Ka Bang Mahalin?



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), hindi pa nagsi-sink in kay Kris Bernal ang Princess of Daytime Soap ang title na ibinigay sa kanya (Prince of Daytime Soap naman si Aljur Abrenica) dahil sa success sa ratings ng Dapat Ka Bang Mahalin? Tinanong siya ng PEP kung sino ang nagbigay ng title, kung anong criteria ang sinuno at kung sinong talent ng GMA-7 ang unang nabigyan ng ganoong title?

"Nahihiya kasi ako at tinatanong ko ang sarili ko kung deserving ba ako sa title na yun? Hindi ba nakakahiya sa ibang contract stars ng Channel 7 at ng GMA Artist Center? Karapat-dapat ba kami sa title na ‘yun, deserving ba kami? Pero, masaya ako kung ‘yun ang tingin nila sa akin, at least prinsesa na rin ako," panimula ni Kris.

Mula nang mag-premiere, hanggang ngayon, mataas pa rin ang ratings ng DKBM at umabot na ang ratings nito sa 32.4 percent, the highest rating na nakuha ng daytime soap ng GMA-7. Ini-expect ng mga taong nasa likod ng soap na tataas pa ang ratings nito ‘pag nalalapit na ito sa pagtatapos. Ano ang masasabi niya rito?

"Tuwang-tuwa siyempre dahil baguhan lang kami ni Aljur, pero tinatangkilik at sinusuportahan na ang love team namin. Malaking tulong na maganda ang istorya ng DKBM, big help din si direk Maryo J. delos Reyes na nagga-guide sa amin at ‘di pumapayag hangga't hindi perfect ang eksena. Hindi ko rin magagawa ang mga eksena ko kung walang tulong ang acting at voice coach kong si Miss Anne Villegas na talagang tinututukan ako. Sa kanilang lahat, ang aking pasasalamat."

Lalo pang nahiya si Kris nang may mag-comment na mas magaling siyang umarte kesa kay Jennylyn Mercado. Hindi lang sure ang PEP kung may kinaalaman ang hiya ni Kris sa takot na baka kuyugin siya ng fans ni Jennylyn.

"Hindi ako papayag d'yan dahil mas magaling sa akin si Jennylyn. In fact, idol ko siya at pinapanood ko ang shows niya at marami na siyang ginawang drama kaya sanay na siya. Hindi ko pa siya mapapantayan at mahaba pa ang itatakbo ko para mapantayan siya. Ang masasabi ko lang, lahat ng eksena ko, I always try my best," sagot ni Kris.

Sa taas ng ratings ng soap nila ni Aljur, marami ang nagpapalagay na kaya na nilang magdala ng primetime soap. Gugustuhin ba nilang ang next soap nila ni Aljur ay sa gabi na ilagay? Matutuwa rin sina Kris at Aljur sa nalaman ng PEP na tuwing may meeting ang creative team ng GMA-7, laging may nagpi-pitch ng primetime soap nilang dalawa.

"Kung sa gusto, siyempre gusto naming magkaroon ng primetime soap, pero ang management pa rin ang magdedesisyon at masusunod. Basta kami, tatanggapin lang ang trabahong ibibigay nila sa amin, pero magpapasalamat kami kung pagkakatiwalaan kaming bigyan ng primetime soap at gagawin namin ang lahat kahit dagdag na pressure yun."


ARA MINA HURT BY KRIS'S SLAP. Nag-blush si Kris nang iparating ng PEP ang comment ni Ara Mina na maliit lang siyang tingnan, pero malakas siyang manampal. Sa isang sampalan scene na raw nila, tumalsik ang hikaw niya sa lakas nang sampal ni Kris.

"Nakakahiya nga kay Miss Ara, nahihiya akong sampalin siya dahil mabigat ang mga palad ko. Saka, mabait siya sa akin. Binibigyan niya ako ng gamit, binigyan niya ng perfume niya at balak niya akong ipasok na endorser kay Cathy Valencia."

Mas mahal ka na ba ni Ara kaysa sa kapatid niyang si Cristine Reyes?

"Hindi naman! Mabait lang talaga siya sa akin, kaya hindi totoo yung mga nasusulat na nagseselos ako sa kanya lalo na ‘pag may kissing scene sila ni Aljur. Alam ko namang trabaho lang ang ginagawa nila."


STILL DOUBTING ALJUR. Speaking of selos, wala pang inaaming relasyon sina Kris at Aljur at hanggang MU o Mutual Understanding pa lang daw ang relasyon nila. Bakit siya nagseselos ‘pag nali-link sa iba ang kanyang ka-love team?

"Kasi nililigawan ako ni Aljur at dapat, ako lang ang liligawan niya at ‘wag marami. Kaya lang, lapitin siya ng babae at alam niyang nagseselos ako sa ganun."

Inamin din naman ni Kris na may iba siyang suitors, may non-showbiz at may artista rin. Hindi ba unfair na siya nagpapaligaw, samantalang nagseselos siya ‘pag may natsitsismis kay Aljur na ibang babae?

"Hindi naman ako nag-i-entertain ng suitors. Nanliligaw nga sila, pero hindi ko ini-encourage."

Mahal ba niya si Aljur?

"Oo naman! Pero ‘wag naman todo. Mahirap akong ma-in-love dahil nawawala ang focus ko sa trabaho at sa kanya lang [boyfriend] ang atensyon at oras ko. Ayoko ng feelings na ganu'n"

Kailan niya sasagutin si Aljur?

"Siguro ‘pag 100 percent ko nang nararamdaman ang sincerity niya. Ngayon kasi, may doubt pa ako sa kanya na ‘di maiwasan dahil lapitin nga siya ng babae. Kapag buo na ang tiwala ko sa kanya, baka sagutin ko na siya."

Hindi sumagot si Kris kung sa May 17, sa 20th birthday niya ay sagutin na niya si Aljur. Kaya lang, may minus point ang actor para sagutin ni Kris. Hindi nito maibibigay ang hiningi niyang Chanel earrings bilang birthday gift dahil mahal. Nag-iipon pa naman si Aljur dahil gustong bumili ng bahay dito.

Nagpapasama nga ito kay Kris na maghanap nang mabibiling bahay, kaso lang namahalan at wala pa siyang P7 million para makabili ng bahay.

"Hinanapan ko siya ng bahay na malapit sa amin dahil gusto niya mag-kapitbahay kami. May nakita kami, walking distance sa bahay namin, three-bedroom house siya, pero kailangan pa raw ang approval ng family niya. Ang latest ko ngang alam, namahalans kaya hindi muna siya bibili," may panghihinayang na pahayag ni Kris.


UPCOMING MOVIE. Hindi na lang sa telebisyon mapapanood ang love team nina Kris at Aljur dahil ilo-launch sila ng Regal Entertainment sa pelikulang Nandito Ako to be directed by Maryo J. delos Reyes na director din nila sa Dapat Ka Bang Mahalin. Sa June 15 ang target date ni Direk Maryo para simulan ang shooting na sa Bohol ang location.

"Tuwang-tuwa at excited nga ako nang mabalitaang susugalan kami ng Regal para igawa ng launching movie. Tapos si Direk Maryo pa at makakasama namin sina Valeeen Montenegro at Baron Geisler. Gaya sa TV, gagawin din namin ang lahat naming makakaya para maganda ang kalabasan ng pelikula't nakakahiya sa nagtiwala at tutulong sa amin. Salamat kay Mother Lily," pagtatapos ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN