Tessie Tomas topbills Cinemalaya entry Sanglaan


Tessie Tomas plays the role of Olivia, the owner of a pawnshop, in the Cinemalaya entry Sanglaan.



Noong 2008,nagsimulang maging aktibo sa Pinoy independent o indie films ang batikang actress-comedianne na si Ms. Tessie Tomas.

Ito ay sa dalawang award-winning indie films na naging markado ang kanyang pagganap.

Una ay ang 100 ni Direk Chris Martinez, kunsaan co-stars ni Tessie sina Mylene Dizon at Eugene Domingo. Ito ay nagwagi ng Best Director at Best Screenplay sa 2008 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ikalawa ay ang Ploning ni Direk Dante Garcia, pinagbidahan ni Judy Ann Santos at na-consider na maging Philippine entry sa prestihiyosong Oscar Awards.

This year, naitanghal na last month ang isa pang indie film ni Tessie na Padre De Pamilya, kunsaan kasama niya sina Ariel Rivera, Jaclyn Jose, among others, directed by Cesar Evangelista Buendia.

Ngayong July 2009, nagbabalik-Cinemalaya si Tessie at bida sa isa sa sampung full-length feature films entitled Sanglaan, directed by Milo Sogueco, na isa rin sa producers ng pelikula.

Ang Sanglaan ay isang pagtingin sa simpleng mga relasyon at mga di-kumplikadong pangyayaring nagaganap sa lugar na kilalang-kilala ng bawat Pilipino.

Tessie Tomas plays the role of Olivia, ang may-ari ng pawnshop. Ang character niya rito'y relihiyosa, matapang, at alam kung ano ang gusto. Pero dumating ang pagkakataon na nalulugi na ang kanyang negosyo, at gaya ng kanyang lumang sanglaan, siya ay nagkaka-edad na rin.

Si Amy (played by Ina Feleo, Cinemalaya 2007 Best Actress for Endo) ay ang tasador o appraiser. Romantic ang character ni Amy, pero hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.

Si Kanor (ginagampanan ni Jess Evardone) naman ay ang security guard ng sanglaan na mayroong asawang sakitin, si Esing (played by Flor Salanga na nakilala dahil sa Jay).

Nandiyan rin si David (Joem Bascon), isang seaman na dumadaan lang sa pawnshop at nagbabaka-sakali.

At si Henry (Neil Ryan Sese, lead actor ng Huling Pasada, Cinemalaya 2008 entry), nagpapa-utang siya kaya naman siya ang takbuhan ng mga tao kapag kailangan ng pera.

Sila ang mga tauhan sa Sanglaan: isang simple, at Pinoy na Pinoy na kuwento tungkol sa pag-asa at pag-ibig.

Ang screenplay ng pelikula ay mula kina Direk Milo Sogueco, Audie Gonzales, Gay Ace Domingo at Jerome Lorico. Si Jerome ay isang fashion designer by profession (siya ang gumawa ng suit ni Ryan Agoncillo sa kasal nito with Judy Ann Santos) pero isa rin siyang writer at AB Literature graduate from Bicol.

Kuwento ng isa sa producers at scriptwriters ng film na si Gay Ace Domingo sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Tinanggap ni Ms. Tessie Tomas ang role dahil nagustuhan niya ang script.

"Ipinapakila ng pelikula kung papaano kumakapit ang mga Pilipino sa isang Sanglaan bilang isang institusyon o takbuhan sa oras ng pangangailangan."

Ang ABS-CBN actor na si Joem Bascon ay excited sa movie dahil ito ang kauna-unahan niyang Cinemalaya entry.

Kung hindi kami nagkakamali, nakasama na ni Joem si Ina Feleo (anak nina Laurice Guillen at Johnny Delgado) sa Hush Hush ng TV5, kung kaya, ayon pa rin kay Gay, may rapport na ang dalawa sa shoot ng said indie film.

Kuwento ni Gay: "Masaya sa set kahit na noong kainitan ng summer kami nag-shooting sa Herbosa St., sa Pritil, Tondo, Manila. Sa isang lumang pawnshop na isinara na sa Pritil Market kami nag-shooting.

"Dahil original sound ang pelikula, nahirapan kami sa dami ng mga dumadaan na motorsiklo. Ang dami-daming motorsiklo sa Pritil! Kailangang padaanin muna ang mga motorsiklo para tahimik at makapag-take kami.

"Very supportive ang mga tao sa Pritil. Tahimik sila kapag nanonood ng shooting. Pumapalakpak sila kapag sumisigaw si Milo ng 'Cut!'

Supportive rin daw ang mga tao sa baranggay mula sa chairman, kagawad, at tanod.

"Kapag gabing-gabi o madaling araw na, napapasara namin ang kalye para hindi makadaan ang sasakyan at makapag-shooting kami mismo sa kalye."

Tuwang-tuwa ang buong production sa professionalism at mabilis na pagtanggap ni Tessie ng role, kahit hindi pa nito nami-meet in person ang magiging direktor niyang si Direk Milo Sogueco.

"Isang araw pagkatapos namin ipadala ang script, nag-oo agad siya sa role! Nag-usap lang sina Ms.Tessie at Direk Milo sa telepono ng mga 30 minutes siguro. Doon ininterbyu ni Direk Milo si Ms. Tessie.

"Si Ms Tessie naman, nagtanong kung ano ang experience ni Milo at tungkol sa karakter niya sa pelikula."

True enough, noong March 16, sa first shooting day lang na-meet ni Ms Tessie si Direk Milo in person.


PAWNSHOP. Si Direk Milo Sogueco ay isang professional photographer, former assistant director, isang short film director, at ngayon nga'y isang batambatang full-length filmmaker. He's just turning 33 years old ngayong June.

Sa telebisyon, nakapag-direk siya ng isang TV show tungkol sa computers noong early 2000.

Bilang professional photographer, kalimitang ginagamit ang kanyang photos sa various glossy magazines ng ABS-CBN Publishing at Summit Publishing. Ito ay bukod pa sa mga na-shoot na niyang works nito, na ginamit sa mga billboards at print ads.

Nag-aral si Direk Milo ng Political Science sa University of the Philippines, Diliman. Dahil sa isang photography elective niya ay na-realize nitong gusto pala niyang maging filmmaker at photographer—at narito ang kanyang personal passion—kaya hindi niya itinuloy ang pagiging abogado.

Ginawa rin niya ang Eroplano, isang short film na nanalo sa Gawad CCP. Nakagawa na rin siya ng isang documentary tungkol sa painter na si Pacita Abad, kapatid ng former Congressman ng Batanes na si Butch Abad.

Malapit sa puso ni Direk Milo ang kuwento ng Sanglaan dahil sa totoong buhay, lumaki ito sa isang pawnshop. "Noong nasa elementary siya, may sanglaan ang nanay niya.

"Pagkatapos ng klase, doon sa pawnshop tumutuloy si Milo. Naglalaro siya sa loob ng vault at storage room.

"May alam rin si Milo sa pagtatasa ng alahas, sa pag-check kung totoo ang ginto ng alahas," pagbibigay impormasyon ni Gay.

Narito ang iba pang production staff ng Sanglaan:
Editor -- JM Basa of Click Digital Post
Musical Scorer -- Darryl Shy
Production Designer -- Joy Puntawe (siya ang production designer ng Cinemalaya 2008 best film na Jay)
Director of Photography -- Alma dela Pena (cinematographer ng Baby Angelo, Cinemalaya 2008 entry)
Line Producer -- Chits Jimenez
Producers -- Milo Sogueco and Gay Ace Domingo
Executive Producers -- Milo Sogueco and Myra Manuel


Ang ikalimang edisyon ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay gaganapin mula July 17-26 sa Cultural Center of the Philippines, Roxas Boulevard, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN