A hearing-impaired boy finds love in Dinig Sana Kita


Romalito Mallari (left) and Zoe Sandejas play Kiko and Nina in the Cinemalaya 2009 entry Dinig Sana Kita. This full-length film directed by Mike Sandejas is one of the ten films competing in the fifth edition of the annual film fest.



Sa ikalimang taong pagtatanghal ng Cinemalaya 2009 (Philippine Independent Film Festival), hindi lang isa, kundi dalawa ang entries ni Director Mike Sandejas—isang full-length film at isang short film.

Ang kanyang Dinig Sana Kita ang isa sa sampung feature length films na maglalaban para sa Balanghai trophy ng Cinemalaya. Ito ay love story sa pagitan ng isang binging lalaki at isang babaeng rocker. Karamihan sa eksena ng pelikula ay kinunan pa sa Baguio.

Ang Wat Floor Ma'am? naman ang kanyang entry sa short film category. Isa itong comedy tungkol sa secret history ng Pilipinas, as briefly told sa isang sirang elevator.

Hindi lamang filmmaker o direktor si Mike Sandejas, kundi isa ring writer at producer.

Pero mas nakilala nga siya sa daigdig ng independent filmmaking sa Pilipinas nang magwagi bilang Best Film sa Cinemalaya noong 2006 ang kauna-unahan niyang pelikula, ang Tulad Ng Dati, a semi-biographical film tungkol sa The Dawn, isang sumikat na banda sa bansa.

Si Direk Mike ay isang veteran producer ng both independent and mainstream cinema.

Habang nag-aaral sa isang law school, napagtanto eventually ni Direk Mike na ang maging isang filmmaker ang isa sa mga gusto niyang gawin.

Masuwerte si Direk Mike dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mga batikan at beteranong direktor tulad nina Mike De Leon, Gil Portes at Lav Diaz.

Ayon sa email interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Mike Sandejas, bago pa man bumulusok ang digital film industry sa bansa, marami na siyang natutunan tungkol sa pelikula.

"Everything I know about film, I learned it through experience as a young producer right before the digital film scene emerged," aniya.


SYNOPSIS. Dinig Sana Kita is a love story between Kiko, a deaf young man who loves to dance and Nina, a troubled teenage rocker girl who lives in the world of rock music and abuses her hearing.

The two meet in a Baguio camp's deaf encounter seminar that mixes deaf and normal-hearing teens in team building activities. Their misadventures help them discover that they have more in common with each other than with their own kind.

They find a common understanding of music and learn that their lives are not so different. Eventually, they discover that they both understand each other more than anyone else despite the communication gap.


ROCK MUSICIAN IN REAL LIFE. Ang mga panauhing bida ng pelikula ay sina Zoe Sandejas—real life-daughter ni Direk Mike—bilang si Nina, at ang binging si Kiko ay ginagampanan naman ni Romelito Mallari, isang hearing impaired actor.

Tinulungan ni Zoe ang kanyang ama na i-develop ang story ng Dinig Sana Kita. She was last seen in Tulad Ng Dati bilang anak ni Jett Pangan.

Zoe is a incoming high school senior at Paref-Rosehill sa Antipolo. Isa siyang rock musician na nakapag-hatawan na sa stage with several local rock bands.

Kuwento pa ng tatay ng dalaga, "Si Zoe ay isa ring taekwondo blackbelt athlete. She considers acting in my films as training dahil dream niya ring maging isang filmmaker.

"Dati siyang may banda na nagpo-front act sa mga sikat na banda sa gigs sa bars and schools. Nagso-solo acoustic rin siya dati. Tumigil siya sa pagtugtog para mag-concentrate sa studies."

Samantala, ang lead actor naman na si Romalito Mallari (nicknamed Rome) ay isang hearing impaired actor and dancer. Siya ay multi-media arts student ng The College of St. Benilde.

"He has acted in several theater productions both for deaf and hearing audiences and is a trained dancer in both modern and classical styles," pagbibigay impormasyon ni Direk Mike.

Ang iba pang deaf actors sa pelikula ay sina: Bronson Escalderon, Cathy Joy Patriarca, Jayjay Sunico pati na rin ang mga dancers from Dulaang Tahimik ng Pilipinas (DTP), at ang DLSU-CSB Silent Steps Dance Troupe.

Pagpapatuloy ni Direk: "Ang deaf actors na sina Rome, CJ, and Bronson ay na-feature na sa maraming dance shows sa iba't ibang malls, schools, at conventions.

"Team talaga with Dulaang Tahimik and Silent Steps. Matagal na silang sumasayaw. Si Rome ay former scholar ng ballet teacher na si Sofia Zobel. Pero ang mentor nila ay si Myra Medrana, isang deaf choreographer at dancer."

Since siya rin ang may likha ng script, gaano na katagal kay Direk Mike ang materyal na ito sa kanya?

"For about a year and a half ko na iniisip ito," sabi ni Direk. "I learned about the deaf camp program that mixes hearing and deaf kids sa kaibigan ko na nagpapatakbo noon.

"Kinuwento niya sa akin ang mga experiences niya doon. From there, I did research na and na-meet ko ang maraming tao sa deaf culture."

After ng victory ng kanyang Tulad Ng Dati bilang Best Film sa Cinemalaya 2006, nag-attempt ba siya uli mag-submit ng script noong 2007 o 2008?

"I tried to submit noong 2008, but it wasn't a great story. Nag-trip lang ako. Hindi pumasa.

"Dinig Sana Kita was submitted this year lang. Nagpahinga ako kasi, nakaka-stress gumawa ng pelikula. Iba kasi ang proseso ko, sobrang madetalye, kaya mas nakakapagod maghanda."

Ano ang inspirasyon niya sa pagsulat ng script na ito? "My daugther and my deaf friends. Si Romalito, in particular. Parang kuwento nga talaga nila ito," lahad ni Direk Mike.

How is it working with his real life daughter as her actress?

"We've always been a team. Ako si Batman, siiya si Robin. Kaso, nung nagsu-shooting na kami, para siyang si Batman, ako yung Butler na si Alfred," biro pa niya. "Madalas rin kaming mag-away at magtalo, pero nakikita ko na natututo kami sa isa't isa."

Ano ang message ang nais niyang iparating sa kanyang audience with Dinig Sana Kita?

"Ang message ng pelikula ay: SINO ANG MAS BINGI... ANG DI NAKAKARINIG O YUNG DI NAKIKINIG?

"The deaf are more sensitive to people and surroundings than the hearing people. Hearing people need to realize that they do not really listen."


Kasama rin sa cast ang magaling na singer na si Robert Sena (co-director of Wat Floor, Ma'am?), Lorenzo Mara, Mica Torre, Adrianna Agcaoili.

Also featuring ang rock musicians na sina Marc Lopez, Jim Joseph Lacson, Wilf Trinidad of Kalzada, and a special appearance by the Sugarfree band.

Ang Dinig Sana Kita production staff ay ang sumusunod:
Director/ Writer/ Producer -- Mike Sandejas
Associate Director -- Arman Reyes
Director of Photography -- Albert Banzon
Production Designer -- Roland Rubenecia
Line Producers -- May Sandejas and Rolly Palmes
Production Manager -- Robin Palmes
Musical Director -- Francisbrew Reyes
Editor -- Mik Pestano
Sound Supervision -- Ronald De Asis
Field Sound Recording -- Mark Locsin
Costume Designer -- Nina Sandejas


Ang fifth edition ng Cinemalaya ay gaganapin sa July 17-26, 2009, kunsaan itatangahal ang mga bago at natatanging Pinoy indie films sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Boulevard, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN