The 25th Star Awards for Movies promises an evening to remember


The 25th Star Awards for Movies will serve up a mega-wattage event, beginning with the hosts of the show, (from left) Ai-Ai delas Alas, Cesar Montano and Maricel Soriano. Big production numbers, special performances, tributes to movie icons and more, will make the Silver Anniversary of the awards its best presentation ever.


Handang-handa na ang mga bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa gaganaping 25th Star Awards for Movies 2009. Ang magkatuwang na produksiyon ng PMPC at FLT Films International, Inc., ay maghahatid sa manonood ng isang natatanging movie awards presentation na tampok ang ilan sa pinakasikat at de-kalibreng artista ng pelikula sa kasalukuyang panahon.

Ang special awards presentation na ito ay gaganapin sa Huwebes, May 28,2009, simula sa ganap na ika-7 ng gabi, sa Henry Lee Irwin Theater ngAteneo De Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

Mapapanood ang TV coverage ng event sa Sunday's Best ng ABS-CBN sa June 21, 2009. Ito'y mula sa direksiyon ni GB Sampedro.

Now on its Silver Year, ang Star Awards for Movies '09 ay may tatlong multi-awarded talents na magsisilbing emcees sa gabing ion: Diamond Star Maricel Soriano, popular actor-TV host, Cesar Montano, at ang kasalukuyang Box-Office Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.


Nariyan rin ang tambalang KC Concepcion at Piolo Pascual bilang Trivia Hosts.

Bukod sa pinakaaabangang resulta ng parangal sa taong ito ay nariyan din ang malalaking production numbers na naging tatak na ng taunang Star Awards for Movies.Para sa kategoryang Best Movie Theme Song ay aaliwin ang publikong manonood ng special song numbers, mula kina Toni Gonzaga, kasama ang mga batikan na ring singer-performers, Jay-R Siaboc at Ronnie Liang.

Gabi ng mga natatanging tribute ang 25th Star Awards for Movies 2009 at kabilang sa magpe-perform ay ang de-kalibreng actor-performer na si Christopher de Leon na siyang aawit ng love-inspired medley para kay Ms. Vilma Santos, ang tatanggap sa taong ito ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.

Isa ring sorpresa ang nakalaan sa mga tagahanga ng superstar na si Nora Aunor, na ang tinampukang klasikong pelikulang Himala (ni direktor Ishmael Bernal, at screenwriter, Ricardo Lee, 1982) ay gagawaran ng Special Recognition, bilang Best Film of All Time (ayon sa CNN-Asia-Pacific Screen Awards Online Poll noong 2008).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bibigyang-halaga rin ng Star Awards ang natamong tagumpay ng Superstar na si Nora Aunor sa pagganap sa Himala, sa pamamagitan ng isang special award/citation.

Para sa Himala, nanalong Best Film of All Time (Viewers' Choice) sa 2008 CNN-APSA (Asia-Pacific Screen Awards) ay ipagkakaloob ng 25th Star Awards for Movies '09 ang Award for Global Achievement in Cinematic Excellence and International Recognition. Isa itong natatanging pagkilala sa klasikong pelikula ni Bernal, at sa lahat ng mga naging kabahagi nito, sa pangunguna ni Ms. Aunor.

Para sa finale, ang young superstar na si Sarah Geronimo ang magbibigay-tribute, sa pamamagitan ng special song number, para sa mga nagwaging artista sa mga nakaraang taon ng Star Awards for Movies.

Dahil Silver Anniversary ito ng Star Awards for Movies, inaasahan ang pagdalo ng maraming bituing naging malaking bahagi ng taunang parangal pampelikula na mula sa piling sektor ng media na tulad ng PMPC.

Top local celebrities made it to the nominees list of the 25th Star Awards for Movies 2009. Kamakailan ay inilabas na ng mga bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang listahan ng mga nominado para sa iba't ibang kategorya. Kabilang dito ay ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, at ang amang aktor ni KC na si Gabby Concepcion.

Special awardee naman ang Star for All Seasons na si Gov. Vilma Santos-Recto, this year's recipient of the Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.

With Ate Vi's special award, magandang pagkakataon na pumasok din sa nomination, bilang Darling of the Press ang anak na si Luis Manzano, and his equally popular actor-dad, Edu Manzano.

Nominado ang megastar na si Sharon Cuneta, bilang Movie Actress of the Year, matapos ang kung ilang taong pagiging inactive sa movies, para sa pelikulang Caregiver.

Makakalaban niya ang mga nag-best actress last year, tulad nina: Mylene Dizon (Cinemalaya '08, for 100), Jodi Sta. Maria (Cine Manila International Filmfest '08-Digital Lokal, for Sisa), at Anne Curtis (Metro Manila Filmfest '08, for Baler).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa lead actress-nominees sina Judy Ann Santos (Kulam), Irma Adlawan (Hubad) at veteran actress, Gloria Romero (Fuschia).

Limang artista naman ang nagkaroon ng double nominations for this year's Star Awards for Movies. The 1950's movie queen, Gloria Romero, has the distinction of being nominated in the 25th Star Awards for Movies for both lead and supporting categories. Bukod sa nabanggit na nominasyon, bilang bidang aktres, nominado si Gloria sa Movie Supporting Actress of the Year category, para sa Paupahan, a digital movie.

Sa mga aktor, may double nomination din sina Baron Geisler, para sa Jay (Movie Actor) at Baler (Movie Supporting Actor); ang child actor na si Julian Duque, ng Boses (a Cinemalaya '08 entry), para New Movie Actor at Best Child Performer; at si John Lloyd Cruz, ng A Very Special Love, para Newsmaker at Movie Actor of the Year.

Double nominations din para kay Dingdong Dantes ang pagkakapili sa kaniya as contender sa dalawang special awards: Newsmaker of the Year (with co-nominee, Marian Rivera) at Darling of the Press, na katunggali niya ang mag-amang Edu at Lucky, the two Vice-Mayors, Herbert Bautista, of Quezon City and Isko Moreno, of Manila; and popular celebrities, Vicky Morales and Angel Locsin.

Top young stars KC Concepcion and Sarah Geronimo also made it as nominees in separate categories. Hindi sila magkalaban, bilang New Movie Actress of the Year, kung saan nominado si KC (For the First Time); at bilang Newsmaker of the Year, kung saan co-nominees sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz, whose starrer, A Very Special Love made box-office history.

Meanwhile, KC's actor-dad, Gabby Concepcion, clinched a nomination also, as Newsmaker of the Year (2008), owing to his highly successful showbiz comeback. Sa category ding ito lalaban ang tandem nina Dingdong at Marian; ang boxing champ na si Manny Pacquiao; at phenomenal singing sensation, Charice Pempenco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As in the female lead category, exciting din ang labanan para sa Movie Actor of the Year sa taong ito ng 25th Star Awards for Movies. Bukod kina John Lloyd Cruz at Baron Geisler, may nominasyon sina: Aga Muhlach (When Love Begins), Allen Dizon (Paupahan), Ronnie Lazaro (Yanggaw), Carlo Aquino (Carnivore) at Jericho Rosales (Baler).

Sa mga nominadong aktor, 2008 acting awardees for their respective nominated film-starrers sina Baron Geisler (Cinemalaya '08 for Jay) at Ronnie Lazaro (Cinema One Originals Filmfest '08 for Yanggaw).

Sa Movie Supporting Actress of the Year category ay muling lalaban ang nanalong best supporting actress ng Cinema One Originals Filmfest na si Tetchie Agbayani (for Yanggaw). Talunin kaya niya this time ang mga makakatunggaling sina Shamaine Buencamino (Ang Lihim Ni Antonio), Gloria Romero (Paupahan), Snooky Serna (Paupahan), at Tessie Tomas (100)?

Sa Movie Supporting Actor of the Year category, si Phillip Salvador ang tanging nominado na mayroon nang napanalunang award last year, sa Metro Manila Filmfest '08 (for Baler). Talunin pa kaya siya ng sinuman sa mga co-nominees tulad nina: Ricky Davao (Boses), Emilio Garcia (Walang Kawala), Baron Geisler (Baler), at German Moreno (Paupahan)?

Para sa Movie/Director of the Year (mainstream) category, nominado ang mga sumusunod: A Very Special Love (Star Cinema-ABS-CBN Film Productions, Inc.) ni direktor Cathy Garcia-Molina; Baler (Viva Films/Bida Foundation) ni Mark Meilly; Caregiver ( Star Cinema-ABS-CBN Film Productions, Inc.) ni Chito S. Roño; Kulam (Regal Entertainment, Inc.) ni Jun Lana ; Magkaibigan (Maverick Films) ni Jose Javier Reyes; at Ploning (Panoramanila Pictures, Inc.) ni Dante Nico Garcia.

Sa Digital Movie/Director of the Year category, nominado ang mga sumusunod: 100 (Martinez-Rivera Films Productions) ni Chris Martinez; Boses (Erasto Films) ni Ellen Ongkeko-Marfil; Jay (Pasion Para Pelicula Productions) by Francis Xavier Pasion; Paupahan (ATD Productions) ni Joven M. Tan; Sisa (Oncam Productions, Inc.) ni Crisostomo Juan Andaluz; Torotot (Viva Digital) ni Maryo J. delos Reyes; at Yanggaw (Creative Programs/Strawdogs Studio Productions) ni Richard Somes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN