Horror-suspense film Dalaw will premiere on June 3


Joven Tan, the director of the movie Dalaw, says that he did not see the floating head (encircled) while shooting the scene of Glydel Mercado and Tonton Gutierrez (both in photo).



Sa title pa lang ng pelikula, magkakaroon na ng idea ang manonood kung ano nga ba ang tinutukoy sa pelikulang Dalaw ng Pixel8 Entertainment Productions lalo pa nga't ang pelikulang ito ay isang horror-suspense movie.

Pero bukod sa posibleng naglalaro sa isipan ng lahat na dalaw ng movie, ayon sa director ng pelikula na si Direk Joven Tan, hindi lamang literal na pagdalaw ng isang multo or kaluluwa ang pinag-ugatan ng movie.

Aniya, "It's about menstruation, yung bata, si Kristel Fulgar, ang ikinamatay niya, menstruation. Nangyari lahat yung violence na yun sa buhay niya noong time na first time siyang magkaroon ng menstruation."

Ang bida ng pelikulang Dalaw ay si Katrina Halili kunsaan ang character niya ay isang TV journalist. At siya nga ang naging in-charge sa paggawa ng report tungkol sa batang dumadalaw halos sa mga batang first time rin na magkakaroon ng kanilang monthly period.

Sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado naman ang gumaganap na mga magulang ng batang si Kristel. Pero marami raw twist ang pelikula sa pagpasok pa rin ng iba pang characters tulad nina Anita Linda, Mon Confiado, Matet de Leon at maging ang nagbabalik pelikula na si Alvin Patrimonio.

Hindi maikakaila na sa ngayon, controversial nga ang bida ng movie na si Katrina na patuloy na lumalaban sa pag-leak ng kanyang sex video sa Internet at maging sa mga VCDs. Pero hindi rin maikakailang nagiging controversial na rin ang pelikulang Dalaw dahil sa isang eksena kunsaan may lumitaw na sinasabing ulo ng isang multo.

"Actually, hindi ko gusto ang nangyayari," simulang pahayag nga ni Direk Joven. "Ipagdasal na lang natin yung bata..."

Dugtong pa niya, "Location hunting pa lang, ayoko du'n. Ayoko ngang pumasok noong una. Noong ini-inquire yun, ayaw nila na magpa-shoot, wala raw puwedeng mag-shoot, hindi pa siya nagagamit sa kahit anong shooting. So, nag-ikot-ikot na kami sa buong Cavite, tapos, hanggang sa sinabi na sige, puwede raw na mag-shoot. So, ang Dalaw, ito yung first time na may nakapag-shoot sa bahay na yun."

Sa may Dalahican, Cavite raw ang abandoned house na pinag-shootingan nila at ayon sa nakalap nilang impormasyon, may 40 years na abandonado itong bahay na ito.

"May isang bata ru'n, anak ng caretaker. Ang kuwento niya, meron daw palaging humahabol sa kanya, nangangalabit na batang lalaki. Tapos, yung isang wardrobe [person] namin, ayaw niyang pumasok. Hindi ko alam kung bakit.

"At the same time, first time rin naming nag-group prayer na siguro ganoon ka-intense bago kami pumasok sa bahay."

Kuwento pa ni Direk Joven, wala nga raw siyang alam na may ulong sumilip sa eksena nina Glydel at Tonton. Kahit sa video assist during the shoot ay wala silang nakita kaya tuhog lang daw ang eksena at good for one take.

"Kung alam ko, e, ‘di sana tumigil kami agad. Kung nakita ko yun, uulitin ko," sabi niya. "Yung mismong editor ng movie na si Rocky Ko na lang ang nag-inform sa akin. Nagtatanong kung may ibang shot pa ko ng scene. Sinasabi nga na may sumilip daw. Noong nagpunta ko sa editing, noon ko lang din nakita. Lahat kaming nasa shooting, kinilabutan kasi, clear yung area na yun. Makikita mo rin na walang anino yung ulo, walang katawan. Ibang-iba noong si Glydel ang dumaan, makikita sa butas ng pinto yung katawan ni Glydel at yung anino niya."

So far, hindi raw nila bibigyan ng emphasis sa kabuuan ng movie ang pagdalaw na yun or pagsilip ng ulo. Posible raw na ilagay na lang after ng kabuuan ng movie para maipakita kung ano nga ang actual na naganap sa naturang eksena.

Bukod sa naturang eksena, mas marami pa raw kaabang-abang na suspense scenes ng movie.

Ang Dalaw ay mula sa panulat at direksyon ni Joven Tan, with Romy Vitug as the cameraman and Milady Ponsones and Ryan Enriquez as executive producers. Magkakaroon ng premiere night ang Dalaw sa June 1 sa Megamall at sa June 3, 2009 naman ang regular showing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN