Stage actor Arnold Reyes meets former Philippine president he portrays in The Forgotten War


"Sabi niya, chest out, stomach in! Sabi niya sa akin, good job daw. At saka tinatawag niya na ako by my first name every time na may gustong magpa-picture kasama naming dalawa," says Arnold Reyes (right) about meeting former Philippine president Fidel V. Ramos (left) in person.


Hindi maipaliwanag ng theater actor na si Arnold Reyes, na umaarte na rin ngayon sa telebisyon at pelikula, ang kanyang naramdaman nang makaharap niya si dating pangulong Fidel V. Ramos, na guest of honor sa special screening ng The Forgotten War. Ginanap ang showing kagabi, June 9, sa Cultural Center of the Philippines.

"Alam mo, hindi ko kayang i-express kung ano yung naramdaman ko nang ma-meet ko si President Fidel V. Ramos. Sa simpleng salita, sobrang saya, very honored. At natutuwa ako na natutuwa siya sa trabahong ibinigay ko, sa lahat ng pagod sa trabaho na ibinigay ko, parang nawala lahat yun. Kasi nagustuhan niya yung trabaho ko," nakangiting pahayag ni Arnold nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang special screening.

PLAYING LIEUTENANT RAMOS. Gano'n na lamang ang kasiyahan ni Arnold dahil ginagampanan niya sa The Forgotten War ang dating pangulong Ramos noong ito ay nagsisimula pa lamang sa militar bilang lieutenant at sumabak agad sa giyerang Korea noong early 1950s.

Ang pelikulang idinirehe ni Carlo Cruz ay base sa mga totoong kuwento tungkol sa buhay ng mga sundalong Pilipino na ipinadala ng Pilipinas sa Korean war. Isa nga si Lieut. Fidel Ramos sa mga nakipaglaban para tulungan ang bansang Korea laban sa Chinese army.

Bukod kay Arnold, kasama rin sa cast ng naturang pelikula sina Baron Geisler, Yul Servo, Lance Raymundo, Mikee Lee, Mcoy Fundales, Blumarc Roces, Anton Bernardo, at marami pang iba.

Excited din si Arnold nang makapag-photo op siya with ex-president Ramos at bigyan pa siya ng autograph nito. Ano naman ang sabi ni FVR sa kanya?

"Sabi niya, chest out, stomach in!" natatawang sabi ni Arnold. "Sabi niya sa akin, good job daw. At saka tinatawag niya na ako by my first name every time na may gustong magpa-picture kasama naming dalawa."

Ano naman ang feeling niya bilang Lieut. Ramos sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, noong una natakot ako. Pero dahil ibinigay sa akin yung role kaya dapat gampanan ko ito bilang isang artista. Maganda yung script. At saka isang malaking karangalan sa akin na gumanap bilang si President Fidel V. Ramos, para maipakita ko sa mga tao yung pinagdaanan niya nung nakipaglaban siya sa Korea noon na dapat ika-proud ng mga Pilipino," saad ni Arnold.

Nagkaroon ba sila ng consultation ni FVR para sa pagganap niya rito?

"Wala, e. Actually, tiningnan ko lang yung mga footage niya, mga old photos. Tapos mga kuwento. And yung mga speeches niya before, tiningnan ko kung paano siya magsalita. So, ganun lang."

Paano ba siya napili para gampanan ang kanyang role?

"Si Direk Carlo Cruz, nanood ng play ko sa CCP, isang play sa love festival. Right after niyang manood, ibinigay niya sa akin yung script ng Fidel V. Ramos. Yun, dun na nagsimula," lahad niya.

Kumusta naman ang experience niya sa paggawa ng The Forgotten War?

"Masaya na mahirap. Actually, sobrang lamig doon sa Camp Capinpin, so nakatulong din yun sa feel ng movie. Masaya, isang magandang experience ito para sa akin. Tapos, buhay pa yung character na [ginampanan] ko, so magandang experience talaga."

Nagkaroon din ng premiere ang pelikula nila sa South Korea. Nakasama ba siya rito?

"Hindi ako nakasama noon kasi may ginagawa nga akong pelikula, sa Cinemalaya naman this July."

Sunod ngang mapapanood si Arnold sa pelikulang Astig, na entry sa 2009 Cinemalaya Film Festival.

"Apat kaming bida rito: si Dennis Trillo, si Sid Lucero, si Edgar Allan Guzman, at saka ako. Kuwento ito ng apat na astig sa Escolta, sa Recto, sa Arranque. Abangan n'yo po," pagwawakas ni Arnold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN