Eugene Domingo to be launched as lead star in Kimi Dora


"Almost one year itong kinu-conceptualize. Nagulat na lang ako, nakatanggap ako ng call slip para sa shooting. Doon pa lang ako nahimasmasan na totoo na nga pala ito," says Eugene Domingo about her launching picture.


Masuwerte si Eugene Domingo dahil ang film company ni Piolo Pascual ay nagtiwala sa kanya para sa kanyang kauna-unahang solo starrer, ang Kimi Dora, na almost halfway through na ang shooting at press time. Katambal ni Eugene dito si Dingdong Dantes; and possibly, wino-work out ang schedule mismo ni Piolo to be her other leading man.

"Hindi nga ako makapaniwala na mabubuo ang konsepto nito dahil nag-umpisa ito, pa-meeting-meeting lang," ani Eugene sa PEP. "Almost one year itong kinu-conceptualize. Nagulat na lang ako, nakatanggap ako ng call slip para sa shooting. Doon pa lang ako nahimasmasan na totoo na nga pala ito."

Hindi lang daw si Piolo ang kasosyo sa film company, marami pang ibang independent film producers. Hindi pa rin alam ni Uge kung anong malaking kumpanya ang magdi-distribute ng pelikula na malamang maipalabas sa September pa.

"Alam ko, nakikipag-usap na sila sa Star Cinema," sabi ni Eugene. "Pero kahit sino naman ang mag-distribute, okey lang sa akin. Basta, maganda dapat ang promo."

Patuloy niya, "So far, ang saya-saya sa shooting. Nakapag-shoot na kami ni Dingdong, at siya yung love interest ni Kimi. Dual roles kasi yun, e. Siya yung character na sosyal. Yung isa, na baka nga si Piolo [ang leading man]—depende sa schedule ng lolo mo—yun ang love interest ni Dora.

"Sa istorya, si Kimi, mapupunta sa probinsya. Doon niya mare-realize, ang buhay ay hindi lang puro karangyaan. Mami-meet niya roon ang isa pang character, na sana nga, si Piolo na. It can be another actor, pero mag-wish na lang tayo na si Papa P na nga!"

WORKING WITH DIREK JOYCE. Si Bb. Joyce Bernal ang nagdidirek ng Kimi Dora. Dream casting na ito dahil mahirap pagsamahin sa isang pelikula ang gaya nina Piolo at Dingdong.

"Wish din ng iba, matuloy, parang buong-buo na raw ang ilusyon ko!" sabay tawa ni Uge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At press time, hindi pa nagsu-shoot ang mga eksena sa probinsya na kapapasukan ng isa pang male lead.

"Wala pa kami sa kalahati ng istorya. Sinusunod kasi sa shooting kung paano nagde-develop ang istorya," sabi ni Uge.

"Na-surprise ako kay Direk Joyce," patuloy niya. "Nakatrabaho ko na siya before, pero hindi pa niya ako masyadong natututukan. Hindi katulad ngayon na ako kasi ang pinakabida rito. Noon, 'pag kasama ko sina Regine [Velasquez] at Piolo sa Paano Kita Iibigin?, tutok na tutok siya sa dalawa.

"Ngayon, ako na ang tinututukan niya. At nararamdaman ko ang pagiging mother niya. Agad, nag-click kami noon pa as actor and director. Kasi, mas unang na-establish na yung friendship sa amin bago yung work."

Seryoso raw pala si Bb. Joyce. Parang teacher na nanay.

"Pag nakita mo sa set, iisipin mo, batang kaka-graduate lang. Sino ang PA [production assistant] na 'yan?" tukoy niya kay Bb. Joyce.

WHAT HAPPENED TO "DEMETRIA"? Noon ay sa Viva Films sana pinaplano ang solo-starrer ni Uge, at si Direk Wenn Deramas ang direktor nito. Ito ay yung na-publicize nang Demetria. Ano na ang nangyari rito?

"Nag-urong-sulong yun dahil hindi magkatugma ang schedule namin ni Direk Wenn. Busy siya noon sa Dyosa; ako naman, may Kim Samsoon pa. Hanggang hindi na nga natuloy at naunahan na nitong plano for Piolo's company.

"Pero, nagkausap kami ni Direk Wenn about it. May ibang konsepto siya para sa akin. It's either dramang-drama with Gina Pareño, o yung another comedy talaga na kami naman ni Ai-Ai [delas Alas].

"Hindi naman sa mas pinaboran ko yun [Kimi Dora] over Viva. Pero ito kasi yung nag-materialize, e. Ito yung nag-swak sa schedule. Pumuwede si Bb. Joyce, pumuwede ako, pati si Dingdong. Hopefully, pupuwede rin si Piolo.

"Weeks after this pa papasok ang character ko sa Adik sa 'Yo ng GMA-7, kaya pupuwede pa akong mag-shoot ng pelikula, and do other commitments. Hindi ibig sabihin nito na hindi na kami magkakasama pa ni Direk Wenn in future projects," paliwanag ng komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN