Nag-commit na ang
Megastar na si Sharon Cuneta na gumawa ng isang pelikula sa Regal Entertainment.
When she was starting in the business more than two decades ago, it was unthinkable for the premiere Viva talent to do a movie with Regal Films—Viva and Regal being the biggest competitors during the heyday of local movies in the ‘80s.
This has changed though. Bagama’t nananatiling one of the busiest film outfits pa rin ang kumpanya ni Mother Lily Monteverde, lie-low na and mostly digital movies na lang ang ginagawa ng kumpaya ni Vic del Rosario, now being managed by his daughter Veronique del Rosario-Corpus.
Ang Megastar naman, mostly under Star Cinema na ang mga movies niya, ang film arm ng kaniyang television home station, ang ABS-CBN.
During the 2004 elections, isa sa mga ikinampanya ni Mother Lily si Kiko Pangilinan, asawa ng Megastar, for the senatorial race. Nanalo si Kiko. This year, kakandidato muli si Kiko for senator at nakuha na naman niya ang suporta ng Regal matriarch.
Super-touch ang Megastar sa gesture ni Mother Lily na suportahan ang kanyang asawa kung kaya’t nag-commit siya na for the first time, gagawa siya ng isang pelikula sa Regal Entertainment.
Bagama’t this year ang commitment, medyo mahihirapan lang siguro si Megastar dahil as it is, committed din siya to do several movies. Dalawa ang nakatakda niyang gawin for Star Cinema na ang isa ay may out of the country sequences, one and possibly two for GMA Films na ang isa naman ay from a Palanca award-winning script, and still another one from Unitel Productions.
If ever matuloy matuloy naman ang planong ito, nagbabalak ang Regal ng isang festival movie for the Megastar—malamang ang sixth installment ng Mano Po.