Villa Estrella will no longer have a premiere night


(From left) Maja Salvador, Jake Cuenca, and Shaina Magdayao will take part in the Star Magic World Concert tour, which is why their film Villa Estrella will no longer have a premiere night. This horror film will open on July 1, 2009.



Tulad ng pelikulang T2 ng Star Cinema, hindi na magkakaroon ng premiere night ang horror film na Villa Estrella.

Ito ang binalita ngayon ni Direk Rico Ilarde sa pamamagitan ng isang phone call matapos ang kanilang press briefing na naganap ngayong hapon sa ABS-CBN compound.

Ipapalabas na ang Villa Estrella sa Miyerkules, July 1, at kadalasan ay ginaganap ng Martes ng gabi ang premiere night ng mga pelikula ng Star Cinema. Subalit sa pagkakataon na ito, hindi na raw itutuloy ang premiere night dahil ang mga artista ng pelikula, na pawang mga Star Magic talents, ay aalis ng bansa para sa upcoming Star Magic World Concert Tour. Around 45 homegrown talents ng ABS-CBN ang inaasahang dadalo sa star-studded event na magkakaroon ng kick-off sa Ontario, Canada sa June 27. On June 28 naman, magpe-perform sila sa San Francisco, California.


Dahil sa kaganapang ito, hindi makakadalo ang mga bida ng Villa Estrella—sina Shaina Magdayao, Jake Cuenca at Maja Salvador—kung sakaling magkaroon man ng premiere night ang pelikula. ng nakaraang Abril, hindi rin nagkaroon ng premiere night ang horror film ni Maricel Soriano, ang T2, dahil Holy Week ang linggong iyon bago ang opening date ng pelikula.

Disappointed ba si Direk Rico Ilarde na hindi magkakaroon ng premiere night ang Villa Estrella?

"Yes, especially para sa cast coz I want them to see the fruits of their labor. Nahirapan talaga sila pumunta sa location kasi dumadaan pa talaga kami sa dirt road," kuwento ni Direk Rico. "Disappointed ako na hindi nila makikita agad ang pelikula."

Nabanggit rin ni Direk Rico na "photo finish" raw ang pagkagawa nila ng pelikula dahil this weekend pa lang nila matatapos ang first print ng Villa Estrella.

"Isusubmit na kasi ng producers sa CEB [Cinema Evaluation Board] by Monday. Right now, we're in the process of mixing the sound effects with the music and the dialogues just in time for the July 1 screening."

Kinakabahan ba si Direk Rico sa batikos na maaaring ibigay sa Villa Estrella kumpara sa mga past horror films ng Star Cinema?

"I think it's up to the viewers and critics to say if Villa Estrella will live up to the past successful films of Star Cinema. Ang kaibahan naman namin,we have fresh new actors while they had big name stars like Kris Aquino [for Feng Shui and Sukob] and Maricel Soriano [for T2].

"Mas okay nga sa akin [na baguhan ang cast] dahil challenge ito: to make stars out of these young actors," paliwanag pa ng batang director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ayon pa kay Direk, gusto sana nila magkaroon ng PG-13 rating ang Villa Estrella mula sa Movie and Television Review and Classification Board.

SYNOPSIS. What's themystery surrounding Villa Estrella?


How comepeople who go there are never seen again? Does thevilla "eat" people alive? That's what viewers will have to find out.


When Anaand her friends Alex, Dennis and Giselle wander into the dilapidated VillaEstrella, they don't have an inkling that they are getting caught in a web ofmysteries hidden within its walls.


Little do they know that Villa Estrella houses tormented souls of the past that theyare trying to change the fate of those in the present.


Now, thebig question: Can the four friends get out of Villa Estrella unscathed? Or will they suffer the same horrible fate as that of the spiritslurking in every nook and cranny of Villa Estrella?


VillaEstrella will show that its dark, murky pool gives people a closeencounter with those who are beyond the grave.


Can the four young people unravel themysteries of Villa Estrella?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN