Coco Martin doesn't mind if people see his nude scenes in Serbis: "Parte ng pag-arte ang katawan ko."


Coco Martin has done daring (indie films) and he's done wholesome (Tayong Dalawa). Now's he's ready to tackle action in the role of Tonyong Bayawak, for a TV remake of the Ramon Revilla, Sr. classic. "Maiiba talaga ang tingin sa akin ng marami, but as an actor, I believe na hindi naman dapat na nalilimitahan ako sa iisang image lang. Basta, kapag binibigyan ako ng pagkakataon, sinusunggaban ko yun, and just do the best that


Iba talaga kapag namumukod-tangi ang talento. Kumikinang agad kahit saan isabak. Ito ang dahilan kung bakit na-achieve ni Coco Martin ang most successful crossover, mula sa indies hanggang sa mainstream, lalo sa larangan ng TV. Pagkatapos ng pagpapakitang-gilas sa Tayong Dalawa, heto't mukhang hindi na siya tinatantanan ng ABS-CBN at Star Magic para sa mas malalaking follow-up projects.

Si Coco ang gaganap bilang "Tonyong Bayawak" sa TV remake ng Ramon Revilla, Sr. classic na ito, bilang panimula sa pagkakaramdam nang husto ng publiko sa presence niya bilang aktor.

"Kahit hindi ko naabutan ng panahon ni Ramon, Sr., nag-research din naman ako sa contributions niya bilang artista. Malaki ang impluwensiya niya sa moviegoing public at sa kind of imaging na nai-pattern sa mga sumunod sa kanya bilang action star," aniya pa.

Ang biggest challenge kay Coco ay yung mabuwag ang anumang imaheng nabuo niya bilang Prince of Indies sa pagharap niya sa naiibang pagsubok.

"Action na kasi ito," sabi ni Coco. "Maiiba talaga ang tingin sa akin ng marami, but as an actor, I believe na hindi naman dapat na nalilimitahan ako sa iisang image lang.

"I may have done daring portrayals in the movies, pero puwede rin ako sa wholesome roles na gaya sa Tayong Dalawa. Basta, kapag binibigyan ako ng pagkakataon, sinusunggaban ko yun, and just do the best that I can," patuloy niya.

NUDITY IS PART OF THE STORY. Hot si Coco at kinaiinggitan. Ito ang dahilan kung bakit sa kasagsagan ng preparasyon para maging part ng Agimat... Mga Alamat ni Ramon Revilla na magtatampok sa kanya bilang "Tonyong Bayawak," hayan at kumalat sa Internet ang footage ng kanyang frontal nudity sa acclaimed film na Serbis.

"Wala namang epekto sa akin kahit kumalat pa yun," sabi ni Coco. "Kasi, ginawa ko yun para sa maipagmamalaking pelikula na naging entry pa ng Pilipinas sa Cannes Film Festival last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung uncut version kasi ng Serbis, ipinaliwanag sa akin na mapapanood lang sa Cannes filmfest, pero hindi ko akalain na kung maidi-distribute yun, makakarating sa Pilipinas ang eksenang yun. Pero, hindi ko rin in-underestimate ang technology.

"Sooner or later, mapapanood ng marami nating kababayan yun dahil sa Internet. So, ganoon na lang yun. Wala rin akong dapat pagsisihan at ginawa ko yun," patuloy niya.

Nangangahulugan din ba yun na magiging mas maingat siya, lalo sa pagtanggap ng indie films?

"Maingat naman ako, in the sense na ang paniniwala ko, basta kailangan sa pelikula, puwede kong gawin. Alam ko kung ano rin ang limitasyon ko. At bilang aktor, kung kailangan maglabas ako ng katawan o maghubad, gagawin ko, dahil parte ng pag-arte ang katawan ko, e.

"Given the chance, gagawin ko pa rin yun. It didn't harm my reputation naman. Hindi na ganyan kababaw ang mga tao na dahil naghubad ka sa pelikula, mababang uri na ang pagkatao mo. Hindi sex video yun na ginawa lang for tripping, but it's a part of a legitimate film, which reperesented the country sa Cannes last year," sabi pa niya.

True enough. Lalo ngang naging determined ang ABS-CBN para i-build up pa si Coco at gawing star.

"Hindi ko bibigyan ng kahihiyan ang ABS-CBN, and I want them to be proud of me. I should say, alam nila ang pinagdaanan ko sa mga pelikulang nilabasan ko. From Masahista to Daybreak to Serbis, walang dahilan para lumayo pa ako sa daring roles, kung magbibigay naman sa akin yun ng pagkilala pa bilang aktor.

"The same way na makakaganap din ako ng roles na hindi kailangang maging daring. Ganoon naman ang akting, di ba? Kahit anong klaseng role, dapat kong harapin at bigyan ng justice.

"Alam kong marami ang nag-a-underestimate sa akin sa action genre, pero titiyakin ko na kapag napanood nila ang Tonyong Bayawak, bagay pa rin sa akin ang role at ibang klaseng Coco Martin din ang mapapanood nila roon," pagwawakas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN