Pitik Bulag (Blind Luck) is inspired by a real-life bank heist


In the film Pitik Bulag (Blind Luck), Marco Alcaraz plays a die-hard Fernando Poe Jr. fan while Paloma is cast as his wife.


Matagal na rin na hindi gumagawa ng pelikula si Direk Gil Portes kaya naman excited siya sa kanyang pagbabalik-pelikula via the indie film na Pitik Bulag. Ipapalabas na ito ngayong Miyerkules, July 1.


Tampok sa nasabing indie film sina Marco Alcaraz, Victor Neri at ang FHM cover girl na si Paloma.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Gil kamakailan, sinabi ng premyadong director na karamihan naman sa kanyang mga obra ay indie ang pagkakagawa. "Most of the movies I did were not produced by big production outfits except for a few kasi karamihan sa mga projects na ginagawa ko ay kakaiba ang istorya or the type na parang hindi magugustuhan ng isang mainstream producer."


Kabilang sa kanyang mga award-winning films ay ang Mga Munting Tinig, Saranggola, Minsan May Pangarap at 'Merika.


Ayon kay Direk Gil, ang istorya ng Pitik Bulag ay hango sa isang real-life bank heist na nangyari last year kung saan tatlong security guard ang napatay. Isang linggo bago naganap ang nasabing insidente, naroon si Direk Gil sa nasabing bangko kasama ang isang kaibigan kaya nang mabalitaan niya ang nangyari, maraming mga scenario na tumakbo sa kanyang isip.


"Paano kung makapulot ka ng isang bag na puno ng pera, ano ang gagawin mo? Na-inspire ako kaya naikuwento ko kay Eric Ramos ang basic premise ng kuwento at ginawa niya itong full-blown script," wika ni Direk Gil.


Ayon pa sa director, parang tribute rin daw kay Fernando Poe, Jr. ang Pitik Bulag at isang pagbabalik-tanaw sa nangyari sa mga action films na dati ay sikat na sikat at talagang pinagkakitaan ng mga artista at producers nang maraming taon.


Sa istorya kasi, ang role ni Marco Alcaraz ay isang die-hard FPJ fan na nangangarap na sundan ang mga yapak ng kanyang idolo. Kaya nang humina ang action films, napilitan siyang mag-audition sa isang sexy film para mag-survive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kahit na medyo alanganin si Direk Gil kung kakayanin nina Marco at Paloma ang demands ng kanilang respective roles, naging masaya naman siya sa performance ng kanyang dalawang artista.


"Maraming masosorpresa sa maturity na ipinakita ni Marco sa kanyang acting, gayundin sa projection na ipinamalas ni Paloma," wika niya. "Malaki ang potential ni Paloma na sumikat. Masarap siya katrabaho." Pinuri rin ni Direk Gil si Victor Neri na matagal din nawala sa eksena pero nagbabalik dito sa Pitik Bulag.


May sexy scene sina Marco at Paloma sa pelikula. Kailangan ba talaga ito? "Kapag ang mga artista mo ay parehong physically attractive at maganda ang rehistro sa screen, puwedeng-puwede silang gumawa ng isang passionate love scene na lalong magpapaganda sa takbo ng istorya. Natural na natural ang dating ni Paloma sa love scene. Wala siyang kiyeme sa eksena," sagot ni Direk Gil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN