Last March 20, nagkaroon ng special one-time-only screening sa University of the Philippines Film Institute sa Diliman, Quezon City, ang pinakabagong digital feature ng internationally acclaimed film director na si Brillante Mendoza.
Mula nga sa Centerstage Productions—na nag-produce ng mga films tulad ng Masahista, Kaleldo, Twilight Dancers at Manoro—tinatalakay ng Pantasya ang iba't ibang klaseng situwasyon na may kinalaman sa gay fantasies.
Limang episodes nga ito tungkol sa mga "men in uniforms" at naganap ang mga pantasyang ito sa loob ng isang araw lamang.
"The five episodes deals with gay's fantasies for the straight guy," ani Direk Dante. "Napag-isipan lang namin ito ng isang gabi lang. It's an experimental thing na nauwi sa ganitong klaseng feature.
"I can say that this is my most daring feature in digital film making. Walang kiyeme ang mga nakuha naming mga guys to perform different sex acts with the same sex. Hindi madali but they were very daring enough to do it. I want the audience to judge for themselves kung mga gays ba ang mga lalakeng ito o hindi. But take note, lahat ito ay pantasya lamang. It only happens in the creative sexual minds of the actors in the film."
Ang mga episodes sa Pantasya ay ang mga sumusunod:
- Biyahe: isang jealous teen gay student ay sumakay sa taxi ng isang pinindehong taxi driver. At dahil misery loves company, nagsanib ang kanilang mga maiinit na katawan para maibsan ang kanilang malungkot na buhay.
- Linya: isang mapag-isang bading ay kinailangan ipaayos ang kanyang phone line. Dumating ang dalawang easy-going linemen at sila ang nagbigay ng bagong buhay sa kanyang malungkot na kinalalagyan.
- Laro: pagkatapos nga ng isang inter-barangay basketball game, isang introverted gay fan ay nagawang bosohan ang mga players sa loob ng locker room nila at nalaman niya na may ibang laro pa pala silang ginagawa maliban sa paghawak ng bola.
- Biliiis!: isang pizza delivery boy ang nagmamadali dahil sobrang late na siya sa paghatid ng order sa isang bored na gay yuppie na nagtatrabaho overtime sa isang opisina. May kasabihan nga better to be late than sorry.
- Bantay: dalawang gay lovers ang nag-away at nagpababa na lang ang isa sa may guardhouse ng kanyang tinirhang townhouse. Nagkataon na nandoon ang kanilang horny security guard na handang maging shoulder to cry on at maging higit pa roon.
Tampok sa Pastasya ang mga baguhang aktor na lumabas na sa mga sexy men's magazines. Kabilang nga ang isang miyembro ng Viva Hot Men na si Justin de Leon at ang controversial macho dancer na si Harold Montano.
Pagkatapos ng premiere nito sa UP Diliman, magiging available na ang Pantasya on video ngayong April na ire-release ng Viva Video.